Pumunta sina manuel at aryana sa mga kanilang kaibigan upang humingi ng tulong ngunit hindi sila pinagbibigyan dahil sa takot din nila ni arnoldo. Kaya wala silang nagawa dahil walang kamag anak sila manuel at aryana at kong meron man hindi sila tinuring na kamag anak dahil sa inggit sa kanila.
Napadpad ang dalawa sa kabilang ibayo ng gubat at nakakita ng yungib..
Pinasok nila ito at sa dulo ng yungib ay may busay nagkakalat din ang malakrystal na liwanag sa paligid kaya hindi msyadong madilim.
Nilinisan nila ito maganda ang lugar parang walang ngmama may ari dahil wala namang bakas na may nakatira dito.Gabi ng makabalik ang dalawa sa mansyon at naghanda sila ng mga pagkain na dala at sapat na damit para sa pagtakas nila. mabuti nalang alam ni manuel ang pasikot sikot sa mansyon.
"Anak, itakas mo si miguel"ang wika ni carol ng makalabas sila.
"Sige ma!aryana ikaw na ang bahala sa kanila papunta doon ha ingat kayo"wika ni manuel.
"Sige at ingat ka din manuel"wika ni aryana at bigla nalang itong yumakap Kay manuel alam nilang nahuhulog na sila sa isat isa.
Bumalik ulit si manuel dumaan siya sa may bintana papuntang kwarto ni Miguel ngunit wala siyang miguel na nakikita,hinahanap niya sa mga sulok at sa banyo wala din bigla siyang kinabahan baka ano na ang
Nangyayari Kay Miguel nakikita niyang wasak ang lamesa...baka nagugutom na si Miguel kagabi pa siya hindi kumakain at ngayon gabi na din kaya bumalik na lang siya paglabas niya ng gate ay nakarinig siya ng malakas na sigaw sa dulo ng bahay.
Binabaliwala nalang niya iyon at umalis na upang pumunta sa kanilang pinagtaguan."Anak! Bakit ikaw lang asan si miguel?".ang wika ng kanyang ama.
"Wala na siya doon nakikita kong wasak yong lamesa..hindi tao ang gumawa ng ganoon ka lakas kong mangwasak ng mesa na matibay.
Napatutop si carol sa kanyang bibig at tumingin Kay manolo.
"Huhuhu!!ito na ata ang kinatakutan ko eh manolo baka nagsimula na ang sumpa sa ating pamilya"ang wika ni carol.Nanatiling nakatingin naman sina Linda at kiko sa kanila.
"Anong ibig niyong sabihin ina?ama?".ang wika ni manuel.
"Manuel anak,kaya hindi namin pinapakilala sa lahat ang kapatid mo sapagkat may sintomas siyang pwedeng mananakit ng tao lalo na na hindi niya ito gusto at pag gutom siya dahil may sintomas siyang parang aswang"paliwanag ni carol sa kanila.
"Paanong nangyari iyon ma?".tanong ni manuel.
"Noong pinagbubuntis ko kayo ay may lumapit sa aking babae na hirap na hirap at nagma makaawa na tulungan ko siya"wika ni carol at tumingin Kay yaya Linda."si linda iyon buntis siya Kay aryana noon at hinabol ng isang matandang babae na kanyang ina pala minaltrato siya nito dahil nabuntis ng maaga at ang ama ay si kiko na kaibigan din ng iyong ama"wika nito.
"Dahil din Kay Arnoldo noon nalaman ng aking ina na nagdalang tao ako dahil siya yong gusto ni inay noon na mapangasawa ko,noong nalaman niyang nabuntis ako kaya nagsumbong siya noon at binugbog ako ni inay noon buti nakatakas ako at tinulungan ako ni carol pero.."wika ni yaya linda at hindi natuloy ang sinabi.
"Kaya naabutan siya ng kanyang ina n galit na galit"dugtong ni mama."itinago
Ko siya sa aking likuran ng akmang sasaktan at ipinagtanggol ko siya,,nang nakita ako ng kanyang ina nagalit ito at nagbitaw ng isang sumpa na kambal ang iyong anak ngunit ang isa ang magdurusa dahil sa pagtulong ko Kay linda,at biglang nasagasaan ang ina ni linda at namatay...akala ko noon hindi totoo pero noong pinanganak ko kayo habang luma laki ay iba ang kilos ni Miguel kaya doon ko na pagtantong may sa aswang ang kanyang galaw".wika ni mama na hilam sa mga luha habang inaalo siya ni ama."Patawad anak"ang wika ni yaya linda.
Hinawakan naman ni aryana ang kamay ko,pinisil ko ito para malaman niyang okey lang ako."Nag alala ako mama,papa"wika ko at napatingin silang lahat sa akin.
Nagtatanong ang kanilang mga mata.
"Nakaka rinig po ako ng sigaw noong papunta na ako dito"."Natatakot ako para sa anak natin manolo"wika ni carol.
"*kringggg*isang txt mula Kay alyna
"Nay saan kayo bakit ang tatahimik dito sa buong lugar may nagkakalat na patay......omg nay may mga taong may dalang baril palapit sa akin,, txtbak" message ni Alyana.
Labis na pag alala ni linda para sa isang anak."Wag ka mag alala yaya ako na ang pupunta at aryana ikaw na bahala dito"ani ni manuel kahit nakita niyang nag alala sila sa kanya pero wala na silang pag pipilian.
Itutuloy.....
Jc