masamang balak

1.6K 57 0
                                    

Ngayong araw ang kaarawan ni manuel Lorenzo kong kayat lahat ng tao ay imbitado sa selebrasyong ito.
Hindi magka mayaw ang mga tao sa masarap na pagkain.

Ng biglang dumating ang grupo nina Arnoldo at armado ng mga matatas na armas.
"Ano ang ibig sabihin nito arnoldo?"ang wika ni manolo.
Napangisi naman si arnoldo at nilibot ang kanyang paningin sa buong paligid.

"Nandito lang naman ako upang kunin ang nararapat sa amin"nakangisi nitong wika.

"Anong...."hindi natuloy ang sinabi ng don ng sinuntok siya sa tiyan ni arnoldo dahil likas ng batak ang katawan ni arnoldo kaya agad napatumba ang don na siyang sinaklolohan ni kiko.

Ang mga tao naman ay nanatiling na katingin lang sa kanila na parang nakakita ng pelikula.
Napasigaw naman sa takot si carol at sinaklolohan ang kanyang asawa.

"Anong nangyayari sayo arnoldo!binibigay namin sa inyo ang sapat at panga ngailangan niyo! Bakit mo nagawa ang ka walang hiyang ito!"galit na sabi ni carol.

"Natural lang kunin namin ang nararapat sa amin dahil may roon din kaming sariling mga pangarap at dapat kaming umasenso hindi lang nabubulok sa achiendang ito at habang buhay kaming magbabanat ng buto".galit din nitong sagot at sininyasan ang mga kasama na ikulong silang lahat.

"Napaka walang hiya!mo arnoldo tinuring kitang kaibigan at bakit mo ito ginagawa sa ating kaibigan?"sambit ni kiko.Sinuntok siya ni arnoldo at

"Palibhasa sipsip ka sa mga Lorenzo kaya ayan nakapag tapos ang iyong anak at dyan pa kayo nakatira pabor sa inyo ang yaman nila".mapang bintang na sabi ni Arnoldo.

"Tama na nagkakamali ka"sigaw ni linda.habang si aryana iyak ng iyak at si manuel yinakap ang kanyang ina habang ang mga tao parang tulala lang sa mga pangyayari.

"Kayong nanonood!mag siuwi na kayo wag kayong mangingilam kong sinuman ang tumulong sa mga pamilyang ito ay papatayin ko"wika ni Arnoldo. Kaya nagpulasan ang mga tao dala dala ang mga pagkain. Mga patay gutom iniwan ang pamilyang siyang nagpapakain sa kanila.

Kinulong sila sa itaas ng mansyon sama sama habang silang arnoldo at kanyang pamilya ay inukupa ang lawak ng mag asawa. Masayang masaya sila dahil sa wakas ay nandito na ang buhay na gustong gusto nila na pinapangarap.

Sa kwarto na pinagkulungan naman nila ay labis na nag alala si carol para sa isa pa niyang anak si miguel.

"Kailangan Kong makalabas dito para makahingi tayo ng tulong ma"ani ni manuel.

"Samahan na kita manuel"suhesyon naman ni aryana.
Kaya dumaan sila sa terasa sa likod ng bahay alam kasi ni manuel ang pasikot sikot sa buong bahay....

Samantala si Alyana ay bumiyahe na sakay ng kanyang hitech na sports car palibhasa ang hilig niya sa karera kaya ang bilis ng kanyang pagpapatakbo naisipan niyang tumabi muna sa may gilid ng kalsada upang tawagan ang kanyang ina.

*kringggg*rinig niyang nag re ring ang cp ng kanyang ina.
Matagal bago may sumagot.

"Hello"bati ng nasa kabilang linya
"Nay si Alyana po ito,tinawagan kita na palapit na po ako sa atin at paghanda moko ng masasarap ha na mimiss ko na kasi kayo eh"wika ni Alyana na excited.

"Anak Alyana huwag kana lang tumuloy dito kahit na kailan wag kang pupunta at uuwi dito nag mamakaawa ako sa iyo"ani ng kanyang ina na parang nag mamadali biglang namatay ang cp baka lowbat ang kanyang ina kasi full bar pa siya.Nagtataka si Alyana kong bakit ganoon yong boses at sinabi ng kanyang ina may nangyayari kayang hindi maganda medyo kinutuban din si Alyana. Kaya naghahanda siya upang tutuloy sa kanyang papatunguhan.

Itutuloy....

Ang Unang AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon