Chapter 1

176 34 6
                                    

Chapter 1

“Shit! Ang gwapo mo talaga, Kris! Anakan mo na ako, please!”

Papasok palang ako sa main door ng Apartment ay iyon na kaagad ang bumungad sa akin. Hindi na naman magkamayaw sa pagpa-fan girl ang kaibigan kong si Bree sa harapan ng TV. Umaariba na naman ang kabaliwan niya sa K-pop! Napailing nalang ako. Kung minsan talaga, hindi niya mapigilan ang toyo niya.

“Oh my gosh! Yes! Yes! I love you too!” then she started singing and dancing like a mad woman. The scene looks hilarious. Bree looks hilarious with her voice rising and falling and her body swaying to the beat of the song. She even used an eggplant as a microphone! Hindi pa siya nakontento, umakyat pa siya sa couch at doon nagsasasayaw!

Bilang mabait na kaibigan, kinuha ko ang cellphone ko at vinideo iyon. I was laughing while doing so. She was too occupied to even notice that she’s not alone. Maging nang pumasok ako sa kusina ay hindi man lang niya ako napansin. May pagkain nang nakahain sa mesa nang pumasok ako. malamig na iyon kaya ini-init ko muna sa oven. Habang naghihintay ay pinost ko sa facebook ang video ni Bree. Kaagad naman iyong binaha ng likes at comments ng mga dati naming mga kaklase at kaibigan sa St. August.

Kelly Lauren Jamili: OMG, Bree! May guts ka girl!

Jezcia Alferez Lim: Damn it, Bree! You rock! Hahahahaha!

Jimy Ortiz: Gayang-gaya mo si Mommy D sa anggulong ito, Beks. (Attached a photo)

Lixsa Rain J Ochavillo: Mga walang-hiya! Iniwan ninyo ako rito! Miss na miss ko na kayo! :( But this video is epic, Bree Angelyn Ricaforte. You na already. Love you.

Trissa Dawn G Santillan: love you, best friend! :*

“TRISSA DAWN GALLEGO SANTILLAN! I am gonna kill you, you bitch!”

---

“Tama na! Maawa ka! Bree!”

Tawa ako nang tawa habang nakahiga sa sahig, Bree was on top of me, pinning me on the ground. Halos hindi na ako makahinga habang patuloy pa rin niya akong kinikiliti. “Anong tama na? Hindi pa ako nakakabawi sa ginawa mo!” aniya. Our mingled laughter’s followed.

I kicked and fought but she was strong. “Fuck, Bree! I’m dying!” hapong-hapong reklamo ko habang patuloy pa rin sa pagtawa. Noon lang siya tumigil at umalis sa ibabaw ko. “You almost killed me!” akusa ko sa kanya. I was still catching my breath. This girl is strong, I give it to her.

She just rolled her eyes on me. Tumayo siya at kumuha ng tubig sa ref. Nanatili lang akong nakahiga sa sahig. Maya-maya ay bumalik sya at inabutan ako ng mineral water. I muttered my thanks and sat on the floor. My back on the wall. “What took you so long? Kanina pang alas tres natapos ang klase natin ah. Saan ka galing?”

Nagkibit-balikat lang ako. Noon naman tumunog ang timer ng oven kaya hindi ko siya sinagot. Tumayo nalang ako at naghanda ng pagkain. Alam kong nakasunod pa din ang tingin niya sa akin pero hindi ko siya pinansin.

“Anyway, tumawag ang Mama mo.” She opened up. “She asked if we’re going home this weekend.”

TOUGH LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon