Chapter 20

27 1 0
                                    

Chapter 20

I was saved from further interrogation when the twins arrived. Moments later, tinawag na kami para sumakay na sa bus na nakalaan para sa amin. Pagkaakyat ko ng bus ay naroon na rin si Jarez. Nakapikit siya habang may suot na malaking headphone. Tahimik naman akong dumiretso sa dulo para doon maupo. Pinili kong malapit sa bintana maupo para makita ko ang daan. Humikab ako pagkaupong-pagkaupo ko. It seems like sleep is starting to kick in.

"Teka! Teka lang! May naiwan ako!" Narinig kong sigaw ng kung sino nang umandar na ang bus. "May naiwan pa pala ako, oh gosh! Sandali lang po! Sorry! Sorry talaga!"

Napailing nalang ako saka ipinikit ang mga mata ko. Naramdaman kong may tumabi sa akin ngunit hindi ko na iyon pinansin dahil na rin sa sobrang antok.

"Ay anak ng!" Napamura ako nang may sumiko sa akin. Nagmulat ako ng mata at sinamaan ng tingin si Bree. Pinagtaasan niya ako ng kilay saka siya lumingon sa paligid. Nakaandar na ang makina ng bus ngunit hindi pa kami umaalis. Marahil ay may hinihintay pa. Lumapit sa akin si Bree saka siya bumulong kahit wala namang makakarinig sa amin dahil na rin sa ingay na nagmumula sa makina ng bus pati ang kwentuhan ng mga kasama namin sa bus.

"Anong ibig sabihin nong kanina?" Pinaliit pa niya ang mata nang tanungin ako.

Gusto ko man tumanggi ay nasukol niya na ako. Wala akong maitatago kay Bree. Hindi naman sa gusto kong magtago sa kanya. She's my bestfriend and we always have each others back. Kaya naman ay ikinuwento ko na sa kanya ang lahat. Simula sa pag-amin ng katotohanan ni Jarez sa akin kahapon maging ang pagdedeklara niya sa pagiging opisyal naming dalawa.

Nakakunot lang ang noo ni Bree habang nakikinig sa kwento ko. Natapos na ang kwento ko ngunit tahimik pa din siya habang nag-iisip ng malalim.

"Hmm... That's weird."

"I know right?" Napairap ako sa kawalan. Akala ko naman ay may masasabi siyang kakaiba.

"Hindi kaya tama nga talaga si Gem? Na may plano nga talaga siyang maghiganti? Kasi kung iisipin mong mabuti, tugma lahat ng kwento ng bitchesang iyon sa mga galaw ni Jarez ngayon. Mukhang planado talaga bawat galaw niya. We all know how intelligent that guy is. At tuso rin siya." Pagco-conclude ni Bree na tumatango pa. Mabuti nalang at mahina lang ang boses niya at maingay din sa loob ng bus kaya sigurado akong walang nakikinig sa aming dalawa. "So tingin ko talaga, iyang ginagawa niya ngayon? May kasunod na plano iyan. Hindi pa nga lang natin alam kung ano, pero... basta! Malakas talaga ang kutob ko sa isang iyan!"

Hindi na ako nakasagot sa puna ni Bree. Napaisip din tuloy ako. Naniwala ba talaga akong inosente si Jarez? Na wala siyang gagawing hindi maganda? Na totoong gusto niya lang talaga ako kaya niya sinabing maging kami.

Dahil sa naisip ay nawala tuloy ang antok ko. Damn. I hate thinking! I am a happy go lucky person and I always just go with the flow. And now this. What the fuck is wrong with the world now?

Malapit lang ang Lumbayao sa DQ kaya naman ay makaraan ang isang oras na biyahe ay nakarating na din kami. Sinalubong kaagad kami ng mga opisyal ng baranggay. Dumiretso naman kaagad kami sa kanilang covered court kung saan sila naghanda ng mga pagkain para sa amin. Nagkaroon din ng maliit na program kung saan nagsalita ang SGC President naming si Jarez.

Nang matapos ang program ay doon lang in-announce kung sino-sino ang magkakasama. Ang usapan ay magka-pair lang dapat ngunit dahil nagkaroon ng problema sa ibang lugar dahil sa seguridad ay naging kaunti nalang ang makakalahok sa program. Minsan tuloy ay hindi ko maarok kung ano ba talaga ang layunin ng mga rebelde. Kaayusan ba talaga o kaguluhan. Nagrereklamo sila sa bulok na sistema gayung mukha namang mas lalo lang nilang ginagatungan ang apoy na likha ng kahirapan.

TOUGH LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon