Chapter 7

138 34 12
                                    

Chapter 7

“Kapag may nangyaring masama sa kaibigan ko, I’m holding you, you, you, all of you responsible!”

“Bree, calm down—”

“Huwag mo akong ma-calm-down calm-down dyan, Robredo! May atraso ka pa sa akin pero saka nalang kita sisingilin dahil wala pa akong oras sayo kaya lumayas-layas ka dyan sa harapan ko bago pa ako magka-time na sampalin ka gamit ang palad ng mga paa ko! Mabuti at nagkakaintindihan tayo. At kayo! Alam kong may kasalanan kayo sa nangyari kay Trissa! Lalo na ikaw! Akala mo ba mauuto mo ako sa kunyari pagiging santa-santita mo? Para malaman mo, girl, alam ko na ang baho mo! Kaya hindi na ako magtataka kung pakana mo ang lahat ng ito!”

“Excuse me?”

“You are not excused!”

“Bree, hindi naman yata tamang pagbintangan mo kami dahil sa nangyari kay Trissa. We can never do such thing! Lalo na si Gem, kaya sana naman—”

“Syempre magkakampihan kayo, magkakaibigan ‘kuno’ kayo eh! Pilit ninyong pinagtatakpan ang baho ng bawat-isa kahit alam nyong lalo lang iyong umaalingasaw!”

Ang ingay na iyon ng mga nagtatalong boses ang pumukaw sa aking pagal na diwa. Pakiramdam ko ay binibiyak ang ulo ko, pumipintig pa ang mga mata ko at sa bawat pagpintig na iyon ay hindi ko maipaliwanag ang sakit na nadarama ko. I moved my hand to massage my aching temple but the movement brought a shock of pain to my brain. Namanhid ang kamay ko na ilang dekada yatang hindi nakagalaw. Nananakit ang buong katawan ko na napapaisip ako kung na-kidnap ba ako at isinilid sa isang sako saka pinagpapalo ng paddle sa loob ng isang linggo. Damn, ilang century ba ako na-comatose?

“Err—guys, I think she’s awake…” I heard a familiar voice said. It sounded like one of the twins.

“Umalis na nga kayo! Hindi na kayo kailangan dito.”

Gusto kong lagyan ng masking tape ang bibig ni Bree para matigil na siya! Sumasakit lalo ang ulo ko sa lakas at tinis ng boses niya!

“Tatawagin ko ang doctor niya.”

“I’ll go with you, Jaine.”

“Bakit hindi nalang kayong lahat ang umalis para masaya.”

Huminga muna ako ng malalim bago ko binuksan nang dahan-dahan ang aking mga mata. Ang mapusyaw na liwanag ng ilaw sa kisame ang unang nabungaran ko. Medyo blurry pa ang paningin ko kaya pumikit ako ulit. Nang magmulat muli ako ng mga mata ay nadatnan ko ang huling paglabas ni Jace at Blake sa kwarto. Nagkatinginan pa kami ni Jace at nginisihan na naman niya ako bago tuluyang isinara ang pintuan.

Napailing ako saka bumaling sa hindi maipaliwanag na mukha ni Bree. Problema nito? “Oh? Napano ka? Natatae ka ba?” iginala ko ang paningin sa buong kwarto at nakita ko ang isa pang pintuan medyo malapit sa hospital bed na kinahihigaan ko. “Ayon, may banyo, magbawas ka na. Baka mamaya dito ka pa magkalat.”

Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla na lamang niya akong dinamba ng yakap!

“Beks! Nabuhay ka, Beks! Akala ko mawawalan na talaga ako ng pangit na best friend!” lalo pa niyang hinigpitan ang yakap at hindi na ako halos makahinga.

TOUGH LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon