Chapter 4

136 37 8
                                    

Chapter 4

Sa mga sumunod na araw ay naging abala ako sa pag-iwas kay Jarez. All the while ay si Jace naman ang kasama ko. Nalaman kong best friend pala niya si Jarez. And he was insisting that Jarez is a nice guy. I really don’t think so. May mga panahon na hindi ko naiiwasan si Jarez at nagkakatagpo ang mga mata namin. Sometimes, his gazes would be expressionless, sometimes with hatred. May isang beses pa noon na nagkasama kami sa isang group activity. I sat far from him and never tried to look at him. Para namang invisible ako sa paningin niya dahil ni hindi man lang niya ako kinibo.

Sinabi ko na kay Bree ang lahat. I told her about my deal with Gem. Wala naman na akong rason para magtago pa sa kanya dahil involved din naman siya sa nangyayaring ito. Hindi man lang siya nagulat sa sinabi ko ngunit alam kong nayanig din ang buong pagkatao niya. Katulad ng pagkayanig na naramdaman ko. Alam naming pareho na wala na na kaming kawala pa. Kung alam nga ni Jarez na may kinalaman ako sa pagkamatay ng nanay niya, malabong mangyari na maisasagawa ko ang ipinapagawa sa akin ni Gem. Pero nangingimi naman akong ipaalam iyon kay Gem. Paano kung ibigay niya sa mga pulis ang video? Makukulong ba kami? But we’re minors! Hindi kami pwedeng makulong because we’re just 17! Right?

“You should just ask your Dad.” Ani Bree sa akin habang isa-isang inilalapag sa harapan ko ang mga nakuha niyang makakapal na mga libro sa Law. 

It was Friday, kakatapos lang ng huling klase namin sa araw na iyon. Nasa medyo nakatagong sulok kami ng library. Hinahanap namin sa mga librong naroon ang mga batas na nakasaad para sa mga minors. Isang oras na kaming nakababad sa library ngunit nahihirapan pa din kaming mahanap ang sadya namin. Lalo na at hindi namin alam kung ano ang hinahanap namin! Kung hindi ko magawang isakatuparan ang pinag-usapan namin ni Gem, then, kailangan naming malaman ang mga rights namin para maiwasan ang pagkaka-kulong. We should also dig on the case. Look for evidence and all, but we should start with how we are to defend ourselves.

“Alam mong hindi ko pwedeng gawin ‘yan. We can’t tell anyone, or else, magdududa sila.” Umiiling-iling na sagot ko sa kanya.

“But it’s your Dad! Maybe—maybe he’ll listen to us! To you! You’re his favorite, right? Sa inyong dalawa ni Gino, ikaw ang kinakampihan niya. He’s willing to take all the odds for you: His beloved daughter.”

Nagbaba ako ng tingin at ipinagpatuloy ang pagbabasa. Yeah, right. All the odds? He’ll go through all odds for the sake of his case! My father is a lawyer: A very clever and ruthless man in the court room. Every case he takes over, he wins it with flying colors. Lahat ng kaso niya, panalo lahat. He’s been offered to defend a case of that well known actor accused of rape and won. Isa din siya sa mga legal counsel ng Presidente. Sa mga susunod na taon ay magiging isa na siya sa mga juror sa Supreme Court dahil sa kanyang hindi matatawarang galing at dedikasyon sa trabaho. The last time I checked, he was offered to take over the headmaster’s case. That’s the main reason why I couldn’t risk asking him anything that concerns about the headmaster’s.

“Sabi dito sa Chapter 2 sec 6, a child fifteen years or under at the time of the commission of the crime shall be exempt from criminal liability. As well as the child above fifteen but below eighteen. Unless they acted on will and with discernment. We were both sixteen when this happened and, we have different purpose on making that experiment. Though pwede naman nating sabihin na gumagawa lang tayo ng project sa Chem. It’s possible that we can get away unscathed.” I grinned as I looked up. At the frowning face of Bree. What now?

“Beks, sumasakit na ang ulo ko kakabasa nitong mga article-article na ‘to na hindi ko naman maintindihan, pwede bang saka nalang ulit tayo mag-research? Buong linggo na tayong bugbog sa mga lessons tapos ngayong weekend, magpapakamatay pa tayo sa pag-aaral sa mga ito? We seriously need to chill, or else, ewan ko nalang.” Madramang sambit ni Bree habang hinihilot ang kanyang sentido.

TOUGH LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon