Chapter 2

120 35 9
                                    

Chapter 2

I was just staring at Jarez, waiting for him to apologize. But nothing came. As a matter of fact, he was just staring strangely at me too! Kinunotan pa niya ako ng noo. How dare him?!

“Sorry Miss, we’ll just pay for your clothes.” I heard someone said from behind me but I didn’t move. My jaw is set. Pinipigilan ko lang ang outburst ko. So this was that nice guy I was defending? This was the Jarez Johanne Syquia I would have saved? This son-of-a-gun, who’s rude and doesn’t know how to say sorry?!

 “What are you apologizing for, Jace? It’s not your fault.” Sa unang pagkakataon ay narinig ko siyang nagsalita. At sa unang pagkakataon, sa buong buhay ko, ngayon ko lang naramdaman ang pakiramdam na gusto kong pumatay ng lalaking matangkad at maputi na may kulay berdeng mga mata, matangos na ilong at manipis na mga labi. “It was hers, she was not looking where she’s going.” He smirked at me. He fucking smirked at me! The nerve of this brute?!

Nag-iinit ang batok at mukha ko. Siguro pulang-pula na ako ngayon. Nanginginig ang mga kamay ko kaya minabuti kong ikuyom ang mga iyon.

Ito ba ang lalaking sinasabi ni Gem na gusto niyang paibigin ko? Ngayon palang ay gusto ko na siyang basagin ng pinong-pino. I wanted to skip the part where I had to put up with him and make him fall for me.

Hindi siya pinansin ng kasama niya, sa halip ay nagpatuloy lang ito sa paghingi ng tawad. Hindi ko pa din maalis ang tingin ko kay Jarez. Hindi pa din ako makapagsalita dahil sa sobrang emosyon na nararamdaman ko. “Ako na ang hihingi ng tawad sa nangyari, um, I can lend you my shirt, meron ako sa locker. It’s clean.”

Jarez rolled his eyes and without a second glance, he walked away, leaving me wet and sticky and seething with anger. Nasundan ko nalang ng tingin ang papalayong likod niya. I tore my gaze away from the devil and looked at the guy apologizing for his friend’s fault. “What?” kunot-noong tanong ko sa kanya.

“Come on, I’ll lend you my shirt then I’ll buy you lunch.” Tuluyan na niyang nakuha ang atensyon ko.

“I don’t talk to strangers.” Pagmamaldita ko sa kanya. Napakamot siya sa ulo, napakagat ako sa ibabang labi para pigilan ang mapangiti. I find him cute, doing that. Nag-iwas ako ng tingin, trying to compose myself. What the hell is happening to me? kani-kanina lang ay nagpupuyos ako sa galit, tapos ngayon, nagkamot lang ng ulo ang lalaking ito ay napapangiti na ako? I must be mad.

Napatingin ako sa paligid at nakita kong pinagtitinginan kami ng ibang mga estudyante. Nag-init ang pisngi ko dahil sa pagkapahiya. Damn! Pangalawang araw ko palang sa DQHS ay nasangkot na ako sa gulo! Nakayuko ang ulo na nagmartsa ako palaabas ng cafeteria. Nakakahiya! It was Jarez’s fault! Kung hindi niya ako binangga ay hindi ako mapapahiya ng ganito.

I was deliberating to where I’ll be headed. Malayo pa ang Apartment mula rito sa campus. Napatingin ako sa suot kong signature watch, hindi na ako aabot sa klase kapag uuwi pa ako para magbihis. Maghihintay pa ako ng shuttle na maghahatid sa akin sa Student’s village at kakain ito ng ilang minuto. Napapadyak ako nang maramdaman ang panlalagkit ng damit na suot ko. I turned to head back to the classroom when I again, bumped into something!

“Ano ba?! Putang-ina, namumuro na kayo ah!” hindi ko napigilang bulalas nang muntik na akong mapasalampak sa semento. Mabuti nalang at nasalo ako ng nakabangga ko.

TOUGH LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon