Chapter 5

125 32 11
                                    

Chapter 5

Pagkauhaw. Iyan ang pinakaunang naramdaman ko nang nagkaroon ako ng malay. Pakiramdam ko, sobrang dry na ng lalamunan ko at ilang taon na akong hindi nakainom ng tubig. My head is throbbing like it’s close to breaking. Natatakot akong buksan ang mga mata ko dahil pakiramdam ko, bigla nalang akong masusuka dahil sa hindi ko maipaliwanag na rumble sa loob ng tiyan ko.

“I think she’s awake.” Narinig kong wika ng isang babae. Pamilyar sa akin ang malamyos na boses niya. I think I heard that voice somewhere. Hindi ko nga lang ma-pin-point kung saan at kailan.

May tumikhim, ibang boses na naman iyon. Narinig ko ang pagbukas at pasara ng pintuan. Where am I?

Sinubukan kong balikan ang mga nangyari. It was a blur slideshow of events. Naalala kong umalis kami sa Apartment ni Bree para um-attend sa birthday party nina Sharlyn at ng kakambal niyang si Blaze. Nagtext pa kami kay Sharlyn na salubungin kami. Nagkita kami sa bungad ng open field at dinala niya kami sa mismong pinagdadaosan ng party. Pagkatapos ay naalala kong naiwala ko sina Bree at Sharlyn dahil sa dami ng taong paroot-parito sa field. I remember myself drinking a couple shots then I was approached by Mia and Blaze. Naalala ko ding pumunta ako sa Shadow Woods para hanapin sina Sharlyn at Bree. But instead of finding them, I discovered something about Jace and some girl. Then I ran away…

Bigla akong napabangon at napamulat ng mga mata nang maalala ang huling pangyayari. I was being dragged by someone towards the heart of the Shadow Woods! Tinignan ko ang sarili ko at nanghilakbot nang mapansing iba na ang suot kong damit! It wasn’t the same dress I was wearing that night at the party! Abot-abot ang kabang naramdaman ko na hindi ko na alintana na sobrang sakit ng ulo ko.

Napapikit ako ulit. Sa isip-isip ko, I was praying na sana hindi tama ang hinala ko. Was I just dreaming? Hindi naman talaga nangyari iyon, hindi ba?

Nagulat ako nang biglang may bumalya sa pintuan. Napatingin ako doon, noon ko lang napansin na may kasama pala ako sa kwarto. Napakunot ang noo ko nang makitang si Jei pala iyon.

Tumikhim siya at lumingon sa nakasarang pinto.

“Where is she? Fuck it! Let me in! What the hell is wrong with you, woman?!” A faint male voice from behind the closed door yelled.

“She’s still sleeping! Goodness! Calm your tits!” ganting bulyaw din ng boses ng isang babae.

Tumikhim pang muli si Jei saka bumaling sa akin. “Kumusta ang pakiramdam mo? Do you need anything?”

Lumunok ako at sumulyap sa nakasaradong pintuan ng kwarto. Patuloy pa din ang bangayan ng dalawang boses mula sa labas.

“You don’t understand! I need to see if she’s okay!”

Nag-ipon ako ng malalim na hininga bago pabagsak na pinakawalan iyon. “K-kailangan ko ng… tubig.”  Tumikhim ako nang nanginig ang aking boses.

Tumalima naman si Jei at tumungo sa maliit na mesa sa gilid ng kinauupuan kong kama. Nagpasalamat ako sa kanya nang iniumang niya sa akin ang baso ng tubig at isang tablet ng gamot. “For your hangover.” Wika niya nang tignan ko lang iyon.

Tumango ako at tinanggap ang ibinigay niya. Ininom ko iyon at naubos ko ang tubig. Kinuha niyang muli sa akin ang baso at ibinalik sa night stand. She asked if I wanted more but I just shook my head. One glass is enough or else, I’ll vomit. Siguro ay dala na rin ito ng nainom ko kagabi.

TOUGH LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon