May isang kaharian
Ibang uri na nilalang ang nakakaalam
ENFANASIA ang pangalan
Mga kakaibang nilalang ang naninirahanAng naghahari sa kaharian ng Enfanasia ay si Haring Lusio at Si Reyna Grilena. Ang mga nilalang na naninirahan sa Enfanasia ay tinatawag na Infasian. Ang mga nilalang na ninirahan sa Enfansia ay iba't ibang kakayahan. Ang Hari at Reyna sila ang pinakamakapangyarihan. Ngunit ang Hari at Reyna ay wala pa silang anak na maghahari sunod sa kanila.
Pumunta sina Haring Lusio at Reyna Grilena kay Priagola ang propesiya ng buwan. May kakayahan si Priagola para alamin kung ano ang mga mangyayari sa hinaharap. Tinanong ni Haring Lusio kung magkakaanak pa sila ni Reyna Grilena. Binasa na ni Priagola ang propesiya.
Sa kabilugan ng buwan
May isang batang isisilang
Isang sanggol na lalaki
Ang sunod na maghahariAethan ang pangalan
Kapag siya ay isinilang
Kasiyahan ang dala
Sa buong madlaDi rin magtatagal
Liwanag ay matatanggal
Enfanasia ay sasakupin ng kadiliman
Maghahagupit ang kasamaanSa pagmulat ng kanyang mata
May dalawang mawawala
Ito ang mga propesiya
Aking nakitaMagkahalo ang saya at takot nang marinig ng mag-asawa ang propesiya. Di nila alam ang gagawin kung paano nila haharapin ang nasabi sa propesiya.
"Priagola, Ano ibig sabihin mo?" Haring Lusio
"Magkakaanak kayo, ngunit may isang malaking kapalit" Priagola
"Kadiliman ba tinutukoy mo? Yun ang magiging kapalit? Ano ba ang mawawala? Ano ba yung dalawang mawawala?" Reyna Grilena
"Hindi ko alam kung anong klasing kadiliman at kung ano ang mawawala. Sasabihin ko nalang sainyo kapag nakita ko na ito" Priagola
Lumisan na si Prigola at tumungo sa buwan at iniwanan niya na ang mag-asawa sa mahiwagang balintataw (Wishing Well)
Makalipas ang ang ilang buwan. Nabuntis na nga si Reyna Grilena kasabay ang pagbilog ng buwan. Habang pinagmamasdan ni Haring Lusio ay mas tumitindi ang takot niya kung ano talaga ang mangyayari sa kaharian ng Enfanasia.
Dumating na ang araw na manganganak na si Reyna Grilena at habang ang buwan ay maliwanag at bilog na bilog.
Habang nasa buwan si Priagola nakikita na niya ang kadiliman ay palapit na sa Enfanasia at sa dakong malayo nakikita niya ang kasamaan ay nabubuo na.
Nang isilang ni Reyna Grilena ang sanggol na lalaki ang buwan ay biglang nagliwanag at ang simoy ng hangin ay mas lalong gumanda. Dahil dito nabawasan ang takot ng mag-asawa dahil walang kadiliman ang dumating kundi liwanag. Inisip ng mag-asawa na nagkamali si Priagola sa kanyang nakita.
Pinangalan nila sa sanggol ay Aethan sinunod nila ang nasabi sa propesiya. Nang ipinakilala nila ang kanilang anak sa madla ito ay nagdulot na kasiyahan at nagkaroon pa ng salo-salo sa kaharian ng Enfanasia.
Habang nagaganap ang kasiyahan tumayong muli si Jekori ang hari ng Jekorian. Na dating pinabagsak ng Enfanasia dahil sa kagustuhan nila sakupin niya ang Enfanasia. Inaakala ni Haring Lusio na patay na si Haring Jekori. At ngayon nagsisimula na siya upang itayo muli ang kanyang ang Kaharian ng Jekorian.
Habang nagsasaya si Haring Lusio, Nagsusumikap si Haring Jekori upang makapaghigante sa Enfanasia.
Pumunta ulit ang mag-asawa sa mahiwagamg balintataw. Tinawag nila si Priagola.
"Ang Propesiya ng buwan
Aming tinatawagan
Bumaba ka rito sa kalupaan
Gusto ka naming kausapin
Sana ang hiling namin
Ay tanggapin"
Haring LusioAgad na bumaba si Priagola at tinaning kung ano ang kanyang maitutulong.
"Priagola, Nagkamali ka ba sa mga nakita mo?" Haring Lusio
"Paumanhin sa aking sasabihin, ang propesiya ay hindi nagkakamali sa tingin kayo ang may mali. Dahil ang aking nakita ay imposibleng maging mali" Priagola
"Ngunit ang mga mangyayari ngayon kasalungat ng mga sinabi mo. Kapag isinilang ko ang sanggol kadiliman ay darating, ngunit liwanag ang dumating." Reyna Grilena
"Sapagkat hindi pa siya dadating, Ang sinasabi mong liwanag ay pansamatala lamang. Makinig kayo saakin sapagkat ang isang propesiya ay hindi magkakamali." Priagola
"Ngunit Priagola, walang nagbabantang kasamaan. Liwanag ay nanatili saatin" Haring Lusio
"May nakita ako
Sa dakong malayo
Jekorian na harian
Muling tumatayo
Haring Jekori ay buhay
Pakinggan niyo Ko"
Priagola"Impisoble yan Priagola, sapagkat patay na si Jekori" Haring Lusio
"Makinig kayo saakin
Ang kadiliman ay parating
Kaharian ay ipagtanggol
Protektahan ang sanggol
Iwan niyo ito
Sa mundo ng tao"
Priagola"Walang saysay ang iyong mga sinasabi Prigola, aalis na kami" Haring Lusio
"bago kayo umalis sana ako'y pakinggan aking sasabihin" Priagola
Kapag may nangyari masama
Sa kaharian ng Enfanasia
Kayo na ang bahala
Ginawa ko na aking makakaya
Ngunit kailangan mo siyang protekhan
Alam mo na kung sino ang tinutukoy koPagkatapos magsalita ni Priagola agad na siyang tumungo sa buwan at umupo sa kanyang trono kung saan nakikita niya ang lahat ng bagay sa mundo.
Pagkatapos ang ilang buwan. Wala pa ring masamang nagyayari sa kaharian ng Enfanasia. Kaya nanatiling kampante ang Hari at Reyna ng Enfanasia. Habang ang kasama nila kanilang anak sa palasyo.
Si Jekori ay malapit ng matapos pagtatayo na kanyang kaharian at malapit na siyang maghagupit at maipaghigante ito.
Pinagmamasdan ni Haring Lusio ang Buwan. Ngunit hindi pa rin nagbabago ang mukha ng buwan. Simula ng isilang ang kanyang anak na si Aethan naging bilog ito at patuloy na nagliliwanag sa Enfanasia. Kaya inisip niya na wala dapat siyang ipag-alala.
Konti nalang ang kailangan para makalusob muli si Jekori. Gumawa siya ng bago alagad na isasama niya sa kanyang paglusob sa Enfanasia. Nakagawa na rin siya ng mga bagong sandata at masyado niyang pinaghandaan ang paglusob sa Enfanasia at papatumbahin niya ito at papatayin niya ang numumuno sa kahirian na iyon
"Haring Lusio, Konting panahon nalang ang iyong hihintayin para matikman mong muli ang aking paghihimagsik at ang madugo ko paghihigante Wahahhahaha" Jekori
Habang nakaupi si Priagola sa kanyang Trono sa buwan nakita niya na kung ano ang mangyayari sa Enfanasia, ngunit ang magasawa ay hindi siya pinaniniwalaan. Pinapanood niya nalang ang mga mangyayari sa mundo ng Enfanasia.
YOU ARE READING
ENFANASIA
RandomA fantasy story about saving his Kingdom. And also About Romance Who are they? He will able to save his Kingdom? Who are his enemy? They will lived a happily ever after? Who is his partner? Who is He? You will able to answer that question when you r...