Chapter 4

8 5 0
                                    

Ang itinakda
Na mag-aalaga
Sa batang na si Aethan
Na galing sa ibang mundo
Ngayon ay nasa mundo ng tao

Umiiyak ang bata habang siya ay nasa ilalim ng puno. Malamig ang simoy na hangin, puno ng alitaptap, at bituin ay kumikisap nang iwan ito ni Reyna Grilena sa mundo ng tao.

May naglalakad na isang babae, at may narinig itong tunog ng umiiyak na bata. Agad na sinundan niya ang tunog at hinanap kung saan ito nang gagaling. Laking gulat niya sapagkat isang sanggol ang kanyang nakita. Lumingon siya paligid kung mayroong ibang tao. Ngunit wala siyang nakita. Kinuha niya ang sanggol at dinala ito sa kanyang bahay.

"Kaawa-awang bata, sino ang nang-iwan sayo bata. Kawawa ka naman iniwan ka dun sa puno. Mga tao talaga ngayon. Dahil iniwan ka dun, ako ang magiging nanay mo. Ang pangalan ko ay Lilia. Simula ngayon aalagaan kita at papalakihin ng maayos" Lilia

"Ngayon natapuan na
Ang mag-aalaga sa bata
At magpapalaki kay Aethan
Siya ay nagngangalang Lilia
Ngunit pasensiya na
Sapagkat ang pag-aalaga sa bata
Ay may malaking kapalitan."

"Ano nga ba ang aking ipapangalan sa batang ito? Ah ang ipapangalan ko sayo ay Aethan sapagkat yun ang unang kong naisip ngunit di ko alam kung bakit. Basta yun na yung binulong saakin ng hangin" Lilia

Patuloy na umiyak si Aethan sa gabing iyon.

"Ang baby umiiyak naman, kakantahan nalang, gusto mo ng gatas, sandali lang ha titimplahan lang kita" Lilia

Pinalaki ni Lilia ang bata ng matiwasay at minahal niya ito para niya itong tunay na anak. Pagdating ng kanyang ikalamang kaarawan, ang kanyang kaarawan ay ang araw na natagpuan siya. Dito nagsimula ang kanyang mga basics na mahiya. Dito niya natutunan kontrolin ang tubig at lupa. Hindi niya ito alam na mahika niya na ito. Hindi niya alam ang mga ito ay kanyang mahika. At hindi rin ito alam ng kanyang ina inahan.

Habang si Reyna Grilena naghahanda para sa kanyang kaharian. Tumungo ito sa mahiwagang balintataw
At tinawag niya si Priagola.

Propesiya ng buwan
Aming tinatawagan

Bumaba ka rito sa kalupaan
Gusto ka naming kausapin
Sana ang hiling namin
Ay tanggapin"
Reyna Grilena

Bumaba agad si Priagola mula sa buwan.

"Tila alam ko na kung bakit ka naririto, alam ko iyong gustong makita. Ay ang iyong anak" Priagola

"Gusto ko malaman kung ano ang kalagayan ng aking anak sa mundo ng mga tao" Reyna Grilena

"Ang aking makikita ay ang kanyang hinaharap at makinig ka saakin

Siya ay masaya
Siya ay pinagpala
Siya ay inaalagan
At inaaruga
Ang kalagayan
Ay mabuti naman."
Priagola

"Salamat sa iyo Priagola" Reyna Grilena

"Reyna Grilena, huwag ka mag-alala sapagkat maayos ang lahat. Walang masamang mangyayari"Priagola

Umalis na si Priagola. Umuwi na si Reyna Grilena sa Enfanasia.

Habang nasa palasyo si Reyna Grilena, gumagawa siya ng bagong mahika halos tatlong taon niya itong pinag-aaralan ngunit hindi pa ito natatapos.

Habang si Haring Jekori may inu-utos siya sa kanyang espiya na si Fajar na magpapanggap bilang kawal ng Enfanasia at mamanmanan niya ang bawat galaw ng Reyna. At ang isa pa ay Verdo ang maghahanap kay Aethan.

Naging masaya naman si Aethan habang siya ay naninirahan sa mundo ng tao. Ngunit hindi niya pa alam kung ano talaga siya. Hindi niya pa lubusan kilala ang kanyang sarili. Pero sinabi na ng kanyang ina-inahan na si Lilia na ampon lang siya at napulot lamang siya sa may ilalim ng puno.

Habang lumalaki si Aethan mas lalo siyang naguguluhan sapagkat ang kanyang mga mahika ay naglalabasan. Dahil nakakagawa siya ng mga bagay na hindi magagawa ng isang tao. Nagagawa niya ng kontrolin ang apoy at hangin. Nagagawa niya na palakihin ang halaman. Kaya niya na rin magteleport. Dahil dito mas naguguluhan siya sa kanyang sarili sa kakaibang niyang katangian. At ang porselas na palagi niyang suot ay minsan ay umiilaw ngunit hindi niya alam kung bakit.

Pagsapit ng ika-labing tatlong kaarawan niya nagsimula na rito ang kanyang kakayahan na makaramdam ng mga masamang mangyayari. Pero hindi niya pinansin sapagkat ang alam niya ay isang guni-guni lamang.

Kahit may nararamdaman siyang kakaiba pero nagawa niya pa rin maging masaya kasama ang kanyang ina-inahan.

Habang siya ay nagsasaya sa mundo ng mga tao ang panganib sa Enfanasia ay palapit na. Ang dilim na wawasak sa buong kaharian ng Enfanasia. Sapagkat ang mga plano si Jekori ay nakahanda.

ENFANASIAWhere stories live. Discover now