Chapter 8

1 0 0
                                    

Umuwi na si Aethan kasama si Danso papunta sa kaharian ng Enfanasia. Pagdating niyo dun sa kaharian pinagmasdan niya ang kapaligiran nito. Tiningnan niya ang gumuhong palasyo.

"Aethan, Ano na ba ang ating gagawin dito sa kaharian ng Enfanasia?" Danso

"Danso, may naisip akong paraan para maitayo kong muli ang kahariang ito" Aethan

"Anong paraan?" Danso

"Basta Danso, Isa siyang paraan" Aethan

"Paano mo maitatayo muli ang kaharian ito?" Danso

"Danso, lumabas ka dito sa kaharian, bumalik ka nalang kapag tapos na ako." Aethan

"Masusunod" Danso.

Umalis si Danso sa loob ng kaharian at nagpa-iwan naman si Aethan sa loob ng kaharian. Maya-maya itinaas ni Aethan ang kanyang kamay at nagpikit ito. Nagsilabasan ang mga puno mula sa lupa. Ang mga lupa ay tumaas. At may tubig na lumabas. Ginamit ni Aethan ang kanyang kapangyarihan upang itayong muli ang kaharian ng Enfanasia. Sa loob lamang ng maikling oras naitayong muli ni Aethan ang kanyang kaharian. Ang gumuho palasyo, ay ngayon maayos na. Pumasok na muli sa loob ng palasyo si Danso.

"Magaling Aethan, At ngayon maayos na kaharian ng Enfanasia" Danso

"Sumunod ka saakin Danso, pupunta tayo saaking Trono" Aethan

"Masusunod" Danso

Ng naging maayos na ang kaharian ng Enfanasia, nagbalik na ang mga Infasian mula sa kagubatan kung saan sila ay nagtatago. Sa kanilang pagbalik sa Enfanasia agad na nagpakilala si Aethan sa kanilang.

"Mga Infasian, Ako si Aethan. Anak ni Reyna Grilena at ni Haring Lusio. Simula ngayon ako na ang mamumuno at pagpoprotekta sainyo bilang isang Hari niyo. Habang ako ay naririto, hindi na muling babagsak ang kaharian ng Enfanasia. At kapayapaan ay ating makakamtan" Aethan

Nagdiwang ang mga Infasian dahil sa pagbabalik ni Prinsipe Aethan.

Pinapunta naman ni Haring Jekori si Fajar sa kaharian Enfanasia para magsubaybay sa bawat galaw ni Aethan. Pumunta naman agad si Fajar si Kaharian ng Enfanasia. Naging maingat naman si Fajar sa kanyang pagsusubaybay kay Prinsipe Aethan. Nagpadala si Fajar ng sulat kay Haring Jekori gamit ang kanyang kapanyarihang Shiriko ( Kapangyarihang na may kakayahan magpadala ang sulat sa uri ng isang ibon na papel).

Habang nakaupo si Haring Jekori sa kanyang Trono biglang may dumating na isang ibon at lumapit ito kay Jekori, bigla itong naging papel.

Hindi makapaniwala si Haring Jekori sa kanyang nabasang balita tungkol sa kaharian ng Enfanasia. Agad niyang pinatawag ang mga Jekorian. Pinaghanda niya ang mga ito dahil ayon sa kanya lulusob siya ulit sa kaharian ng Enfansia.

Pumunta naman si Prinsipe Aethan si mahiwagang balintataw upang maka-usap si Priagola

Propesiya ng buwan
Aking tinatawagan
bumaba ka rito sa kalupaan
upang ika'y makausap
sana aking hiling
ay iyong tanggapin.

Nag-ilaw ang buwan kasabay ang pagbaba ni Priagola mula sa buwan.

"Prinsipe Aethan, paano kita matutulungan" Priagola

"Sabihin mo kung ano ang iyong nakikita sa mga hinaharap sa kaharian ng Enfanasia" Prinsipe Aethan

May isang kaganapan
Sa iyong kaharian
ito ay isang digmaan
Ito ang unang mong beses na pakikipaglaban

"Yan lang ba ang iyong nakita sa propesiya?" Prinsipe Aetha

"Oo, Yun lang ang aking nakita. Paalam sayo kamahalan." Priagola

Naglaho na bigla si Priogala at umupo na siya sa kanyang Trono sa buwan.

Habang pauwi si Prinsipe Aethan patungo sa kanyang kaharian. May napapansin siya na kakaiba sa kanyang paligid na paramg sumusunod sa kanya. Ngunit ang akala niya ay isang guni-guni. Maya-maya may nararamdaman siya na kakaiba at talagang may sumusunod sa kanya. May narinig siya tunog ng mga yapak ng mga paa. Sa kanyang paglingon bigla niya ito nakita at ginamit niya ang kanyang kapangyarihan na kontrollin ang mga halaman at naigapos niya ito.

"Sino ka? Bakit mo ako sinundan isa ka bang Jekorian?" Aethan

"Ako si Fajar, nagkakamali ka. Hindi kita sinusundan. Nagkataon lang na dito ako naglalakad" Fajar

Pinakawalan ito at sa tingin niya ay nagkamali lamang siya sa kanyang hinala. Pagtalikod ni Prinsipe Aethan ay bigla siyang inatake nito. Buti nalang nakailag si Prinsipe Aethan

Gumamit si Fajar ng isang Kapangharihan Rishiki ( isang kapangyarihan kayang lasonin ang isang nilalang). Hindi niya matamaan si Aethan kahit na sunod-sunod na ito.

"Magaling ka pala bata, magaling ka palang umilag" Fajar

"Sadyang mabagal ka lang Fajar, kung gusto mo akong matamaan kailangan mo pang bilisan" Prinsipe Aethan

"Ito pa!" Fajar

"Mabagal ka talaga tanda" Aethan

Hindi na nakatiis si Prinsipe Aethan. Ginamit niya ang kanyang kapangharihan sa mga puno. Biglang may lumabas na puno at iginapos niya si Fajar dito.

"Fajar, Bakit mo ako sinunsundan? sumagot ka!" Prinsipe Aethan

"Magaling ka bata, talaga magugulat saiyo si Haring Jekori" Fajar

"Sumagot ka! buhay mo ang kapalit!" Prinsipe Aethan

"Ano dapat ang aking isasagot saiyo?" Fajar

Hindi nakapagpigil si Prinsipe Aethan. Hinigpitan niya ang pagkakagapos ni Fajar sa puno hanggang sa madurog ang katawan nito.

Aaaaahhhhhhhh!! Ang sigaw ni Fajar bago siya mamatay sa laban nila ni Prinsipe Aethan.

Pimatawag ni Haring Jekori si Verdo upang sundan si Fajar. Agad na tumungo si Verdo kung saan pumunta si Fajar. Ngunit nang nakita ni Verdo si Fajar ay patay na at ang katawan nito ay nababalutan ng punongkahoy. Agad na bumalik si Verdo sa kaharian ng Jekorian at binalita kay Haring Jekori ang nangyari kay Fajar. Nang marinig ito ni Haring Jekori labis na nagalit ito.

"Kaharian ng Enfanasia! Hintayin mo ako. Malapit na tayong maghaharap muli!!" Haring Jekori








ENFANASIAWhere stories live. Discover now