Malapit na magkaroon ng isang kaguluhan
Sa bawat kaharian
Maghihiwagsik ang kadiliman
Sa buong kalupaanNaging maayos na ang pag-espiya ni Fajar kay Reyna Grilena. Bawat kilos at salita ay kanyang sinasaulo. Kung saan man ito pumunta ay kanyang patagong sinusundan na walang nakakaalam. Magaling si Fajar na espiya na galing Jekorian. Hindi nagmamalay si Reyna Grilena na may bumubuntot sa kanya. Kung ano ang nakita at narinig ni Fajar agad niya itong sinasabi kay Haring Jekori. Si Verdo naman ay hirap na hirap hanapin si Aethan sapagkat inikot niya na ang buong kaharian ng Enfanasia. Kahit isang buhok ng isang ni Aethan ay wala siyang nakita.
Bumalik na si Fajar sa kaharian ng Jekorian upang sabihin kay haring Jekori ang kanyang mga nakita at narinig na salita ng mula kay Reyna Grilena. At sinabi naman ni Verdo tila wala Enfanasia si Aethan sapagkat nilibot niya na buong kaharian upang hanapin ang bata ngunit wala talaga siyang nakita.
Ngunit nararamdaman ni Reyna Grilena ang masamang mangyayari sa kaharian Enfanasia. Kaya pinaghanda niya ang kanyang mga kawal. Para sa parating na panganib. Umiiba ang simoy na hangin. Pula ang liwanag ng buwan. Kaya inisip ni Reyna Grilena may digmaan na parating.
Sa kabilang banda, nakahanda na ang mga Jekorian para umatake sa kaharian ng Enfanasia.
Si Aethan ay dalawangpung
taong gulang na siya at sa tamang edad na siya para taglayin ang mga iba't ibang kapangyarihan habang siya ay naninirahan sa mundo ng tao.Ang dilim sa Enfanasia ay parating na. Susugod na ang mga taga-Jekorian. Wawasakin nila ang kaharian ng Enfanasia.
May kakaibang nakita si Priagola habang siya ay nakatayo sa buwan. Kita-kita niya si Haring Jekori ay papunta ng Enfanasia at dadala ng isang himagsikan. Kaya nagpadala ng isang mensahe si Priagola kay Reyna Grilena na parating na ang mga taga-Jekorian.
Naghanda na ang Enfanasia para sa nalalapit na digmaan.
Gumamit na ng mahika si Reyna Grilena ng Pontinasia isang kapangyarihang kayang ilipat ang lahat ng tao sa kanyang kaharian sa ibang lugar. Ang Reyna at ang mga kawal na lamang ang natitira sa kaharian ng Enfanasia.
Ang mga madidilim na ulap ay naiipon sa alapaap. Hangin ay lumalakas. Ang liwanag ng buwan ay nawala. Habang nag-aabang ang mga kawal ng Enfanasia sa palasyo rinig na rinig nila ang mga hakbang ng kalaban.
"Dumating na ang kadiliman
Magsisimula na ang paghihimagsikan
Maraming magiging duguan
At maraming magpapatayan
Dito sa kalupaan
Sa tapat ng bundok Apasyi"
Priagola"Mga kawaaaal! Magsihanda na kayo! Digmaan ay sisimula na!" Reyna Grilena
Lumusob na ang taga-Enfanasia patungo sa tapat ng bundok apasyi at doon sila nag harap ni Haring Jekori.
"Reyna Grilena! Humanda ka na sa iyong pagbaksak! Sa wakas matitikman mo rin ang aking paghagupit tulad ng iyong asawa wahaha" Haring Jekori
"Ipapatikim ko din sayo! Haring Jekori! Ang aking paghihimagsik!!" Reyna Grilena
"Mga Jekorian! Lusoooob!!!" Haring Jekori
"Mga Infasian! Lusooooob!!!" Reyna Grilena
Nag simula na ang digmaan. Naghihimagsik ang dalawang kaharian. Sa tapat ng bundok Apasyi. Maririnig mo ang tunog espada, at palitan ng mahika. Makikita mo rin ang paglipad ng mga dugo at pagtumba ng mga patay dulot ng digmaan.
YOU ARE READING
ENFANASIA
RandomA fantasy story about saving his Kingdom. And also About Romance Who are they? He will able to save his Kingdom? Who are his enemy? They will lived a happily ever after? Who is his partner? Who is He? You will able to answer that question when you r...