Nalungkot ang buong kaharian pagkatapos ng madugong kaguluhan. Reyna Grilena ay nagluluksa dahil sa pagkawala ng kanyang asawa. Nalulungkot sa pagkawalay sa kanyang anak. Ang buong kaharian na dating masaya ay naging malungkot at nawala ang kulay nito. Sa pagsapit ng araw kasama ang pighating nararamdaman ng Reyna ng Enfanasia. Ang simoy ng hangin ay umiba at ang liwanag ay nawala. Ngayon araw na ito, magaganap ang paglilibing ng namayapang Hari ng Enfanasia na si Haring Lusio.
Lahat ng Infasian ay dumalo para sa kanilang haring namatay. Ngayon ay ihahatid ang kaluluwa ni Haring Lusio sa Kalipreo ang lugar ng mga kaluluwa at makikita niya si Kalipreon ang tagapagbantay ng mga kaluluwa sa Kalipreo.
Ating simulan na ang seremonya sa paghahatid kay Haring Lusio patungo sa kalipreo
Infasian na namayapa
Haring Lusio ang pangalan
Galing sa kalupaan
Ihahatid namin ngayong ka-orasanLabis na kalungkutan
Ang aming naramadaman
Sa iyong pag-alis
Aming kamahalanNgayon ikaw ay tutungo
Sa Kalipreo ay patungo
Sana ang takahimikan
Ang iyong makamtanKalipreon aming tinatawagan
Sunduin mo aming kamahalan
Patungo sa kalipreo
At iyong bantayanSa inyong lakbay
Patungo sa kalipreo
Sana ligtas kayong makarating
Patungo sa KalipreoMaya-maya may dumating na liwanag. Sa liwanag na iyon ay lumabas si Kalipreon.
"Ako ay dumating, para sunduin, ang kaluluwa na inyong hari. Sa isang saglit siya ay mawawala at dadalhin ko ang kanyang kaluluwa patungo sa Kalipreo." Kalipreon
Biglang nagliwanag ang buong kapaligiran. Hindi nakita ng mga infasian ang buong nangyari sapagkat sila ay nasilaw. Pagkawala ng liwanag nawala na ang bangkay ni Haring Lusio. At doon nag tapos ang seremonya sa paghahatid kay haring Lusio.
Sa kaharian ng Jekorian, pinagtitibay muli ni Haring Jekori ang kanyang nasusukupan. Mas dumadami na ang kanyang alagad at mas lalo pa siyang lumakas dahil sa mga bago niyang mahika. Labis na kasiyahan ang naramdaman ni Haring Jekori sapagkat ang buhay ni Haring Lusio ay tapos na.
"Reyna Grilena, Ikaw ang aking isusunod wahahaha. Saan mo kaya tinatago ang iyong anak na si Aethan" Haring Jekori
Nagpatawag si Haring Jekori ng kanyang mga kawal upang maging espiya sa kaharian ng Enfanasia at maghahanap din kay Aethan. Maghihintay na lamang si Haring Jekori para umataking muli sa Kaharian ng Enfanasia kapag ang kanyang kahariam ay masyadong malakas na.
Napagisipan ni Haring Jekori na dumalaw kay Ariosi may kakayahan siyang balikan ang mga nakaraan at nakatira siya sa taas ng araw.
Pumunta si Jekori sa tuktuk ng bundok Apasyi kung saan matatagpuan sa gitna ng kaharian ng Jekorian at Enfansia. Dito matatagpuan ang isang mahiwagang salamin at kung saan bumababa si Ariosi.
Nakarating na si Jekori sa tuktuk ng Apasyi at sinabi ang mga salitang ito.
Ariosi mula sa araw
Kita ay dinadalaw
Bumaba ka rito
Sa tuktuk ng Apasyi
Kita ay tinatawagan
Sapagkat ako ay may kahilingan
Makita ang nakaraan
Na nais kong balikanMay lumabas na hagdan na mula sa araw kung saan dadaan si Ariosi patungo sa Apasyi.
"Ano ang iyong pangalan? Ano ang gusto mong makita sa mga nakaraan na nagdaan" Ariosi
"Ako si Jekori, Gusto kung makita ang pagbasak ng Kaharian ng Jekorian" Jekori
"Ang iyong gustong makita
Ay iyong makikita
Buksan mo lang iyong mata
Ating babalikan
Ang nakaraan
Ang nais mong balikan"
AriosiPinaikot-ikot ni Ariosi ang kanyang kamay sa salamin na parang tubig ito.
"Tingnan mo ang salamin makikita mo na ang gusto mong makita sa nakaraan" Ariosi
Nakita ni Haring Jekori kung paano bumagsak ang kaharian ng Jekorian. Hiniling niyang muli na gusto niyang makita kung paano namatay si Haring Lusio.
Nakita niya kung paano namatay si Haring Lusio at pinagtatawanan niya lamang ito.
"Wahahaha, Kaawa-awang Lusio, nawalan ng hininga wahahaha sa loob ng maikling panahon" Haring Jekori
"Kung wala ka ng hihilingin, ako ay aalis na sa bundok ng Apasyi" Ariosi
"Wala na, Ariosi" Haring Jekori
Umakyat na si Ariosi sa hagdan patungo sa taas ng Araw. Umupo na siya sa kanyang trono ang hagdan ay nawala at pati rin ang mahiwagang salamin.
Bumaba na si Haring Jekori sa bundok apasyi at tumungo ito sa kanyang kaharian.
Habang si Reyna Grilena tinatayo niyang muli ang kanyang kaharian. Nagpatawag pa ito ng isang pagpupulong sa buong Enfanasia. Humarap siya sa buong Enfanasia at nagsalita
"Bilang isang Reyna ng kaharian ng Enfanasia. Aking gagampanan ang mga gampanin ni Haring Lusio na namahinga na. Gagawin ko ang lahat para maprotektahan ang ating kaharian. Dapat tayong maghanda ngayon sapagkat sigurado ako na babalik si Jekori at papatumbahin ang kaharian ng Enfanasia. Ngunit hindi ko iyon hahayaang mangayari. Hangga't naririto ako, patuloy kong lalabanan ang kasamaan at ang katahimikan ay ating makamtan. Maglalaban ako para sa ating kaharian. Kaya mga kawal magsihanda na tayo para sa himagsikan." Reyna Grilena
Habang nasa buwan si Priagola may nakita naman siyang bagong kasulatan sa propesiya
"Simula pa lamang ito
Ng isang kadiliman
Na sisira sa bawat kaharian
Maraming digmaan
Maraming patayan
Ang magaganap
Hindi lamang Jekorian
Hindi lamang Enfanasia
Ang maghahatid ng madugong labanan
Kundi may iba pang kaharian"
Priagola

YOU ARE READING
ENFANASIA
De TodoA fantasy story about saving his Kingdom. And also About Romance Who are they? He will able to save his Kingdom? Who are his enemy? They will lived a happily ever after? Who is his partner? Who is He? You will able to answer that question when you r...