Chapter 2

26 9 2
                                    

Ang Enfanasia ay puno ng kasiyahan
Dahil sa unang kaarawan
Ang sanggol na si Aethan
Infasian ay nagsasayawan
At nag-aawitan

May malaking pagdiriwang ang Kaharian ng Enfanasia para sa unang kaarawan ng saggol na si Aethan. May tugtugan at sayawan. Puno ng kasiyahan at mga tao ay nagsasayawan. Habang ang buwan ay nagliliwanag at kaharian ng Jekorian ay nakabangon na. Paglusob ni Jekori ay handa na. Hindi alam ng Enfanasia ang masamang balak ng Jekori.

Nagsasayawan ang mga Infasian. Habang ang mga maitim na ulap ay bubuo sa alapaap ang maliwanag na buwan ay natatakpan. Ang kaharian ng Enfasian ay binalot na ng kadiliman. Si Haring Lusio ay nagtataka at inisip niya na totoo ang sinabi ng propesiya. Si Reyna Grilena ay labis na natatakot dahil sa kadiliman

Habang ang nagsasayan sila pumatak ang malakas na ulan at nagdulot ng pagtakbuhan ng mga Infasian. Biglang dumating ang mga alagad ni Jekori. Nagdulot ito ng isang malaking kaguluhan. May pumuntang isang Infasian sa Trono ni Haring Lusio. Sinabi ng isang Infasian kay Haring Jekori ay nagdulot ng kaguluhan. Ini-utos agad ni Haring Lusio na makipaglaban ang kanyang mga kawal.

Habang nakaupo  si Priagola sa kanyang Trono sa buwan. Pinagmamasdan niya ang mga nangyayari sa kalupaan. Ngunit ang kanyang buwan hindi maliwanagan ang buong kalupaan sapagkat natakpan ito ng kaulapan. Habang siya ay naka-upo ay nakita siya ayon sa Propesiya

Magiging madugo ang labanan
Diyan sa kalupaan
May isang tao makakamtan
Ang kanyang kamatayan
Sa loob ng maikling panahon
Maraming buhay ang mawawala ngayon

Tumungo agad si Jekori loob ng palasyo at hinanap niya si Haring Lusio. Sinira niya ang pinto at nagsigaw ito.

"Haring Lusio! Nasaan ka na ngayon! Ako ay harapin mo! Tikman mo ang mabangis kong mahihiganti! Haring Jekori

Ngunit hindi pa lumalabas si Haring Lusio sa mga pagsisigaw ni Jekori. Naririnig ng mag-asawa na si Jekori ay na sa palasyo na. Nag-uusap ang dalawa ng masinsinan.

"Aking Asawa, Tumakbo ka. Iligtas mo ang ating anak. Tumungo sa balintataw at humingi ng tulong ka kay Priagola, umalis ka na at ako na ang bahala rito" Haring Lusio

"Pero, mapanganib ang iyong gagawin" Reyna Grilena

"Bilang Hari, Kailangan kong ipagtanggol ang aking kaharian, wag ka mag-alala aking mahal" Haring Lusio

Umalis na si Reyna Grilena. Tumungo na siya sa balintataw.
At nagpakita si Haring Lusio kay Haring Jekori

"Haring Jekori! Nandito ako, ilan ba talaga ang buhay mo! At aking uubusin na ngayon!" Haring Lusio

"Haring Lusio ang Enfanasia, tingnan mo ang iyong kaharian,  pagmasdan mo kung paano ito babagsak kasabay ng pagbagsak ng iyong tuhod sa aking harapan wahaha" Haring Jekori

"Tingnan nating dalawa, kung sino ang babagsak sa ating harapan" Haring Lusio

"Gusto ko yang makita, kung sino talaga ang babagsak pero hindi ko hahayahan na ako ang lumuhod sa iyong harapan" Haring Jekori

"Hindi ko rin hahayaan na ako ang bumagsak at ang aking kaharian" Haring Lusio

Naglabanan na ang dalawang Hari. Gamit ang kanilang espada at mahika. Ang buong kaharian na puno ng saya ay naging madugong labanan.

Habang si Reyna Grilena ay pumunta sa Balintataw. Upang makausap si Priagola

Propesiya ng Buwan
Aking tinawagan
Bumaba ka rito sa kalupaan
Upang ika'y kausapin
Sana aking hiling
Ay iyong tanggapin

ENFANASIAWhere stories live. Discover now