Part 3

11 2 0
                                    

Napagdesisyonan niyang mag-stay sa Pilipinas ng ilang buwan at pagkatapos ay babalik din siya sa Amerika.

Naglalakad siya sa kahabaan ng daan nang maaninag niya ang isang babaeng tumatawid sa kabilang daan, nakita niyang may humaharurot na sasakyan. Walang pag-aalinlangang kanya niya itong hinablot at itinulak sa tabi.

BOOGSH!!! SKREEEETTCCHH!!!

Bago pa man nagdilim ang kanyang paningin ay nakita niya ang pigura ng isang babae.

"J-Jandi"

Maingay ang kalsada dulot ng nangyaring aksidente.

"Isang lalaki ang natagpuang nakahandusay sa daan sa kahabaan ng Del Mundo Street pasado alas syete ng gabi....

-----

Agad na isinilid si Hendrix sa ER. Nanginginig ang tuhod ng babaeng niligtas niya.

"Siya...S-Siya 'yong lalaking nakita ko sa puntod ni Jandi. B-Bakit niya ako niligtas?"

"Daniella? DANIELLA!"

"K-kuya" Iyak ang tanging tugon ng dalaga habang mahigpit siyang niyakap ng kanyang kapatid.

"Okay ka lang ba ha? W-wala bang masakit sa 'yo?" nag-aalalang tanong nito.

"Wala kuya, p-pero 'yong lalaking nagligtas sakin. Malubha ang kalagayan niya."

"Hindi na mahalaga 'yon, ang importante ay ligtas ka"

Maya-maya pa'y lumabas ang doktor mula sa Emergency room.

"Sino po ang pamilya ng pasyente?"

"A-Ahh... wala po. P-pero ako po 'yong nagdala sa kanya rito." sagot naman ni Daniella.

"Kamusta po siya?" tanong ng kuya niya.

Bumuntong-hininga pa ito bago nagsalita.

"Sa ngayon ay nag-aantay pa kami ng ilang oras. We need enough observations lalo na na bigla siyang nawalan ng heartbeat kanina. Tulungan niyo na lang pong ipagdasal na sana makasurvive siya. So far, wala namang kailangang putulin sa body parts niya. He had really suffer severe bleeding sa ulo niya. Ina-undergo pa siya sa ilang test.
Hija, kailangan niya ring lumaban para mabuhay siya."

"K-kuya.... kasalanan ko ang lahat ng 'to."

"Ssssh... Hindi mo kasalanan, okay? Don't worry.
Ahm. Salamat ho dok. Umaasa ho kaming maililigtas niyo siya."

"We will do our best. Sige mauna na ako sa inyo"

Tinapik ng doktor ang balikat ng lalaki bago umalis.

-------

Nang makauwi na sila sa bahay nila. Tulala ang kuya niyang tinitigan siyang umiiyak habang yakap-yakap ang unan.

Pumasok naman ito sa sarili niyang silid. Nagulat na lang siya nang biglang nalaglag sa sahig ang picture frame. Kaagad naman niya itong nilapitan at kinuha ang litrato.

Biglang kumatok si Daniella sa pinto kaya inilapag niya muna ito sa kanyang higaan.
"Bakit?"

"K-kuya... can I sleep in your room? N-Natatakot ako"

"Oh sige, sige. Diyan ka sa kama, ako na don sa sofa. Sanay na man na akong matulog ng ganon"

Nakita ni Daniella ang litrato.

"Kuya sino 'to?"
"Mga kaibigan ko 'yan"

Bahagyang nanlaki ang mata ni Daniella sa nakita.

"K-Kuya...."
"Hmmm?"
Nakita niyang hawak-hawak nito ang litrato sa nabasag na picture frame.
Hindi niya pinansin ang kapatid at nagpatuloy sa pag-aayos ng higaan.
"Kuya, Kuya Kyle siya 'to! Itong lalaking katabi mo. Siya ang nagligtas sakin kanina"

Takang nilapitan ni Kyle si Daniella at kinuha ang litrato.

"S-Sigurado ka ba?"

"Oo, Hindi ako pwedeng magkamali. Tandang-tanda ko pa yong mukha niya at ang singkit niyang mga mata"

Hindi agad naproseso sa utak ni niya ang mga sinasabi nito. Sa dinami-rami ng taong pwedeng magligtas sa kapatid niya ay 'yon pang si Hendrix.

"Kuya, okay ka lang?"
"O-oo ayos lang ako. Siya naayos ko na rin ang higaan ko. Matulog na tayo"

Hindi nakatulog sa kaiisip si Kyle. Bawat saglit, inaalala niya ang kalagayan ni Hendrix sa ospital. Takot siya, takot siya sa maaaring mangyari sa kaibigan niya.

Kinabukasan, maaga siyang nagpunta sa ospital para alamin ang kondisyon ni Hendrix.

"Bibisitahin ko ang pasyente sa room 202"

"Hendrix de la Vega po?"

"O-oo"

"Teka lang ho, iche-check ko muna"

Kinakabahan si Kyle habang nag-aantay sa sasabihin ng nurse.

Pagkatapos nitong ibinaba ang telepono ay humarap ito sa kanya.

"Sir, wala na po ang pasyente sa room 202. Trinansfer ho siya kagabi sa ICU, nawalan kasi siya ulit ng heartbeat. Pero 'wag ho kayong mag-alala, nasa stable condition na po ang pasyente"

Agad na nagtungo si Kyle sa sinasabing ICU ng nurse.

Agad na bumungad sa kanya ang kaawa-awang kalagayan ni Hendrix. Madaming nakakabit na tubo sa buong katawan niya. Tanging ang life support na lang ang nagsisilbing kadugtong ng buhay niya.

"Hendrix...minsan na akong nawalan ng kaibigan. At hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ba na pati ikaw ay mawawala na rin...

I'm sorry. Hinusgahan kita. Hendrix, lumaban ka. Ngayon patunayan mo saking matapang ka."

Lumandas sa kanyang pisngi ang mga luha dulot nang matinding pighati dala ng mapaglarong tadhana.

THAT DARK BROWN EYES (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon