Part 9

7 2 0
                                    

Ilang araw ng hindi nagpapakita si Hendrix.

"Kahit anong pilit kong kalimutan siya... hindi ko magawa. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mahulog sa kanya." bulong ni Hendrix sa sarili niya.

Tok.Tok.Tok

"Daniella... buksan mo 'to... may dala akong pagkain.... kumain ka na"

Ngunit hindi ito sumagot sa kanya. Kaya napilitan siyang ilapag muna sa mesa ang tray ng pagkain at kinuha ang susi sa kwarto niya.

Nakatalukbong ng kumot si Daniella nang maabutan ito ni Kyle.

"Magkakasakit ka kapag lagi ka na lang nagkakaganyan"

"Daniella.... hindi naman sa itatanggi ko ang kasalanan ko. Alam ko rin sa sarili ko ang mga pagkakamali ko.....

Patawarin mo 'ko kung.... kung hindi ko kaagad nasabi sayo ang totoo. Alam mo, sa totoo lang. No'ng nalaman kong bumalik na siya. Nakatikim siya ng bugbog sakin. Lasing ako no'n, pero hinamon ko pa rin siya. Nagkakaro'n lang kasi ako ng lakas ng loob kapag nakainom kaya 'yon....

Pero paggising ko, bigla ko na lang napagtantong mali ang ginawa ko. Limang taon na rin 'yon eh. 'Di ba parang hindi naman tama kung hanggang ngayon isisisisi pa rin natin sa kanya ang nangyari? Oo nga, may kasalanan siya... pero 'di mo ba naisip na pare-pareho lang naman tayo? May mga pagkukulang din tayo kay Jandi bilang mga kaibigan niya....

Hindi perpektong tao si Hendrix pero kilala ko siya. Mabuti siyang tao, at siguro naman sa ikli ng panahong nakasama mo siya...ay may mga bagay kang natuklasan sa kanya.

Nabulag lang talaga siya sa pagmamahal kay Jandi pero alam kong pinagsisisihan na niya ang lahat. Siguro naman oras na rin para palayain na natin ang ating mga sarili sa galit. Matuto rin tayong magpatawad. Tiyak hindi matutuwa sina mama at papa kapag nalaman nila 'to. Lalo na si Jandi. Daniella..... mahirap oo, pero kapag unti-unti mo ng tinatanggap sa sarili mo ang nangyari.... hindi na magiging mahirap sayo ang patawarin si Hendrix."


Biglang bumangon si Daniella sa pagkakahiga at niyakap ang kuya niya.

"K-Kuya...."

Natawa na lang si Kyle sa inasta ng kapatid.

"P-papatayin mo ba ako sa konsensya kuya" pagmamaktol naman niya.

"Pinapaalala ko lang sayo. Baka nakalimutan mo ang mga pangaral ng mga magulang natin."

"Salamat kuya.."

"Wala 'yon...."

Pinengot naman ni Kyle ang tenga ni Daniella.

"A-Aray!... kuya naman eh"

"Hahaha... Bakit? 'Di naman 'yon masakit ah"

"Masakit kaya..."

"Hahahah"

----------

"Oh Pa'no... mag-iingat ka na lang sa byahe mo Hendrix ah" bilin ng nanay ni Jandi.

"Dalawin mo kami rito paminsan-minsan" dagdag pa ng tatay ni Jandi.

"Makakaasa ho kayo. Hanggang sa susunod ... salamat po ng marami"

Tumungo na siya papuntang airport.

1 message received.

"Hindi na ako nakapagpaalam sayo ng personal pero salamat ng marami.

Pakisabi na lang sa kapatid mo na paalam. Umaasa akong mapapatawad niya rin ako.

Hanggang sa muli kaibigan. Sorry text lang kasi ang load ko. Ubos na ang pantawag ko. Sige bro!"

THAT DARK BROWN EYES (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon