Part 2

19 2 0
                                    

5 years later...

Medyo matagal-tagal na rin pero sariwa pa kay Hendrix ang pagkamatay ni Jandi. Siya lang naman ang nagparamdam sa kanya ng pagmamahal liban sa ama niya.

"Uuwi na ho ako sa 'tin"

"Sigurado bang 'di mo na kailangang magpasama?"

Tumango naman si Hendrix at ngumiti.
Mahina ang mga yapak ni Hendrix ng makarating siya sa bahay nila Jandi.

DING DONG.

Pinagbuksan naman siya.
"Magandang araw po" bati niya rito.
Nawala ang ngiti ng ina ni Jandi ng makita niya kung sino ang dumating.

"Bakit ka nandito?" malamig na sabi nito.

"Gusto ko lang ho sanang makausap kayo. Tungkol ho sa anak ninyo.....si Jandi"

"Huh! Ang lakas ng loob mong magpakita sa amin pagkatapos ng limang taon? Hindi ka sumipot sa burol niya, maging sa libing niya umaasa akong darating ka. Pero hindi."

"Mahal na mahal ko ang anak ninyo. Inaamin ko ang kasalanan ko. Naging makasarili ako."

"Alam mo ba, nagmamakaawa siya sa amin na wag ng ituloy ang kasal nila ni Miguel? Gustuhin man naming itigil pero wala na kaming magagawa, baon na kami sa utang ng pamilya Del Fuentes"

Nakatungo lang ang ulo ni Hendrix.

"T-teka... May kukunin ako"

Pumasok ang nanay ni Jandi sa loob ng bahay. Maya-maya pa'y lumabas din ito na may dala ng sobre.

"Hindi ko itatanggi na may pagkukulang din kami sa kanya. Alam kong nasaktan siya nang sobra nong malaman niyang ikakasal na siya. Ramdam ko na mahal na mahal ka rin ng anak ko" Iniabot niya kay Hendrix ang sobre.

"A-ano po 'to?" tanong naman nito.

"Hindi ko alam kung ano ang nakasulat diyan. Pero malakas ang kutob ko na may kinalaman ang sulat na 'yan noong gabing naaksidente siya."

-----

Nang makaalis siya sa bahay nila Jandi, pumunta agad siya sa puntod nito. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan habang unti-unti niyang pinipilas ang sobre.
Nanlamig ang buong katawan niya nang una niyang makita ang ultrasound picture ng isang baby fetus.

"A-anong ibig sabihin nito?" halos wala ng boses ang lumabas sa kanyang bibig.

Hello daddy!
Siguro naman naintindihan mo na kung bakit gusto kong makipag-usap sayo ngayon. Magkakababy na tayo.
Pasensya na kung hindi na mangyayari na ikakasal tayo, pero Hendrix. Hindi ko pinagsisisihan ang araw na nakilala kita.
Siguro nga hindi tayo nakalaan para sa isa't isa pero binigyan tayo ng Diyos ng isang anghel. Walang halagang makakatumbas sa kanya. At nangangako akong mamahalin at aalagaan ko siya. Hindi ko rin ipagkakait sayo ang anak natin. Ikukuwento ko sa kanya ang buhay mo at hindi ako magsasawang paalalahanan siyang mahal na mahal siya ng tatay niya.
Hahayaan kitang humanap ng babaeng muling iibigin mo. 'Wag kang mag-alala. Nandito lang ako sa tabi mo at lagi kitang susuportahan. Hindi ko man dala ang apelyido mo, ngunit asahan mong walang papalit sayo dito sa puso ko. Pasensya ka na at sinulat ko pa talaga. Baka kasi pag harap-harapan ko na itong sinabi sayo, baka hindi ko matapos at iiyak na lang ako sa harapan mo. Mahal na mahal kita Hendrix. Lagi mo yang tatandaan.

P.S.
Jandi

Nanikip ang dibdib ni Hendrix matapos niyang basahin ang sulat. Kinapa niya ang ultrasound picture na nalaglag sa lupa.

THAT DARK BROWN EYES (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon