Part 1

35 2 0
                                    

"Hendrix may sasabihin ako sayo" pagmamakaawa nito sa lalaki.

"Tumigil ka na Jandi, ikakasal ka na sa iba"

"Please Hendrix kahit ngayon lang pagbigyan mo na ako"

Inend ni Hendrix ang tawag ni Jandi.

"Bwisit"

1 message received.

"Hendrix nagtext si Jandi "

Hindi kumibo si Hendrix kaya si Kyle na lang ang nagbasa.

(maghihintay ako rito sa food park)

"Di mo lang ba pupuntahan si Jandi? mukhang importante naman siguro 'yong pag-uusapan niyo eh, siputin mo na"

"Wala akong pakialam" matigas niyang sabi sabay tungga ng alak.

"Hendrix, naiintindihan naman kita pero naghihintay siya sayo. Sana man lang bago siya maikasal eh magkaayos kayo"

Umabot na lang ng alas diyes ngunit di pa rin dumating si Hendrix.

"Excuse me maam magsasara na po kami"

Umiiyak si Jandi habang lumabas sa food park. 'Di nya napansin na may paparating palang bus.

BLACKOUT

KRING.KRING

"'Di ba sabi ko sayong AYOKO! Ano bang hindi mo maintindihan do'n ha?"

Narinig niya ang hikbi ng isang babae.

"Ganyan pala ang trato mo sa bestfriend ko? Well, Hendrix magsaya ka dahil wala na si Jandi, patay na siya!!"

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Hendrix nang marinig niya ang sinabi nito. Ibinaba niya ang cellphone niya.

"Ano raw sabi?"

Nag-aalalang tanong ni Kyle nang makitang napatulala na lang si Hendrix at panaka-nakang tumutulo ang mga luha nito. Kinuha naman ni Kyle ang cellphone kay Hendrix.

"Hello si Kyle 'to Hel---"

TOT.TOT

"Hendrix! ano ba talagang nangyayari?!"

KINABUKASAN...

Hindi makalapit si Hendrix sa kabaong ni Jandi.

"Kung alam ko lang na ganito ang pala ang mangyayari, sana pinuntahan na lang kita kagabi. Ang tanga-tanga ko"

Nakatanaw lang si Hendrix sa malayo habang pinapanood ang mga kamag-anak nitong naghihinagpis sa pagkamatay niya.

"Nandito ka pala"

Tinig 'yon ni Kyle. Napasubsob naman siya sa lupa nang salubungin siya ng suntok nito.

"Kyle"

"Kulang pa 'yan sa ginawa mo. Sana di ko na lang siya hinayaang mapunta sayo. Sana pinaglaban ko na lang ang nararamdaman ko para sa kanya."

Bahagyang natigilan si Hendrix sa narinig mula sa kanyang kaibigan.

"Nagulat ka? Oo, matagal ko ng mahal si Jandi. Matagal na, bago ka pa dumating sa buhay niya. Nakapangako na ako sa kanyang po-protektahan ko siya. Pero tanga rin ako eh. Pinagkatiwalaan pa kita." nag-aapoy ang mga mata nito.

"Alam ko. Kasalanan ko."

"Umalis ka na. Alis!!!"

Wala na siyang nagawa kundi ang umalis. Ikinubli niya ang kanyang sarili sa malaking puno sa hindi kalayuan sa puntod ni Jandi. Hinintay niya lang ang pag-alis ng mga tao roon bago siya lumapit dito.

Mabibigat ang kanyang mga yabag papunta sa puntod ng pinakamamahal niya. Naupo siya sa lupa na mamasa-masa pa at halatang sariwa pa ang pagkakahukay nito sa ilalim. Biglang umihip ang hangin at pakiramdam niya ay parang may yumapos sa kanyang mukha.

"Jandi, patawarin mo ko, naging duwag ako. Kung maibabalik ko lang sana ang oras, sana tinanggap ko na lang na hindi tayo para sa isa't isa nang sa gayon ay hindi mo maisipang makipag-ayos at makipag-usap sakin kagabi. Sana buhay ka pa hanggang ngayon"

----

"Hendrix"

"Pa..." Agad siyang dinaluhan ng kanyang ama.

"It's not your fault Hendrix, aksidente ang nangyari. Walang may gusto no'n"

"But it doesn't change the fact that I'm the reason why she have to go to that food park. She wanted to talk to me and settle everything before her wedding would come. Pero, anong ginawa ko? Hindi ko siya pinuntahan. And that bus. Pa, she was hit by that bus. Pero wala ako ro'n para iligtas siya."

"Come with me to the States, para makalimutan mo lahat ng masasamang alaala mo rito."
Iling ang tanging tugon ng binata.

"Solusyon ba talaga 'yon pa? Tatakasan ko ang lahat?" tanong ni Hendrix.

"I know you feel guilty about what happened to Jandi. Pero sa ngayon, kailangan mo munang lumayo. Saka ka na lang muna bumalik dito kapag kaya mo ng harapin ang lahat-lahat. You need space, ipagpahinga mo muna ang isip mo."
Tumango naman si Hendrix. Mukhang tama ang kanyang ama, baka kung pilitin niyang malutas ang lahat ng problema niya, baka ang katawan naman niya ang bumagsak.

THAT DARK BROWN EYES (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon