Part 4

9 2 0
                                    

"Nasa'n ako?" Nakita ni Hendrix ang pigura ng isang babae
"J-Jandi?" Unti-unti itong humarap sa kanya.

"Hendrix"

Matatamis ang mga ngiti nito. Kaagad niya itong niyakap nang mahigpit.

"Jandi, ikaw nga."

Sa pagkalas nila'y ngumiti ito sa kanya.

"Patawarin mo ako mahal ko. Pangako, hinding-hindi na kita sasaktan. Tatanggapin ko na ang lahat. Naintindihan ko na"

"Matagal na kitang pinatawad."

"Ano pang hinihintay mo, sumama ka na sakin. Siguradong matutuwa ang nanay mo kapag nakita ka niya."

Hahawakan sana ni Hendrix ang kamay ni Jandi nang bigla na lang naging parang hangin ang mga ito.

"J-Jandi..."

Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata nang maalala niya ang nangyari.

"K-kung gano'n patay na ko?"

Ngumiti ito sa kanya.

"Bumalik ka na Hendrix. Marami pang mangyayari, hindi pa matatapos ang lahat"

"P-pero Jandi. Ayaw mo ba non?Ito ang perpektong lugar kung saan walang tututol sa ating dalawa."

"Wag kang malulungkot Hendrix. Dadating na siya. Siya ang hihilom sa sugat na iniwan ko. Buksan mo lang ang puso mo, mararamdaman mo siya."

"Mahal na mahal kita Jandi"

Ngumiti ito sa kanya sa huling pagkakataon habang unti-unting nahuhulas ang katawan nitong tinangay ng hangin.

------

Nakita ni Kyle na gumalaw ang daliri ni Hendrix.

"Hendrix? G-Gising ka na"

"Dok! nurse! ang pasyente, nagigising na" sigaw nito sa intercom ng hospital room.

Pagkatapos naasikaso ng mga doktor at nurse si Hendrix dumating naman si Daniella.

"Salamat" niyakap niya ang lalaki.

"Niligtas mo ang buhay ng kapatid ko."

"K-Kyle?" Maluha-luhang sabi ni Hendrix. Tinapik ni Kyle ang balikat nito.

"T-teka...Ano bang pangalan mo?" tanong ni Daniella.

"Ako si---"

"Ahhh... Siya si Rocky" singit ni Kyle.

"Rocky? hahah ang cute naman ng pangalan mo" nagkrus ang kilay ni Hendrix. Binigyan naman siya ni Kyle ng 'hayaan mo na' look.

"Nice to meet you" sabi ni Daniella. Ngumiti naman si Hendrix at inabot ang kamay nito.

Pagkaraan ng maraming mga araw, palaging dinadalaw ni Daniella ang binata sa ospital.

"Oh, sa'n ka pupunta?" tanong ni Kyle. "Bibisitahin ko si Rocky"

"Okay...uwi ka agad dito mamaya ah"

"Sure" Napabuntong-hininga na lang si Kyle.

Pagdating ni Daniella sa ospital, agad niyang binati ang binata.

"Hi!"

Tumingin ito sa bintana.

"Ang aga pa, ba't ka nandito?"

"Bakit, bawal ba? o di sige... aalis na lang ako"
tatalikod na sana siya nang biglang nagsalita si Hendrix.

"Ano ka ba, nagbibiro lang ako"

"Parang napilitan lang eh" Bumusangot pa ito sabay napatawa. Tinitigan ni Hendrix ang mga mata nito.

"Rocky...Hoy! Baka matunaw ako sa titig mo niyan" pang-aasar pa nito.

Agad namang natauhan ang binata at hindi na makatingin ng diretso sa dalaga.

"M-may... May naaalala lang kasi ako sayo"

"Ahhh.. si Jandi." Natigilan naman siya nito.

"Siguro super close niyo ano?"

"Ba't mo naman nasabi?"

"Eh kasi,naririnig kitang binibigkas mo ang pangalan niya, kahit pa tulog ka"

"Mukhang gano'n na siguro"

Sinubuan ni Daniella si Hendrix.

"Kumain ka na"

"Alam mo kung nakikita lang tayo ng boyfriend mo, baka binugbog na ako no'n." Natigilan naman ang dalaga.

"Wala akong boyfriend. Magkaroon ka ba naman ng kuya na sobrang strikto. Naku! aasa pa ba ako. Baka nga tatanda na lang akong dalaga"

"Mahal ka lang ng kuya mo. Miski naman ako, kung may bunso pa akong kapatid, lalo na kung babae? Sisiguraduhin ko munang dadaanan siya sa mga kamay ko." sagot ni Hendrix.

"Sabagay, nagpapasalamat din ako na nagkaroon ako ng kapatid na overprotective. Minsan nga lang, naiinis ako sa pagiging madrama niya minsan. Pero kahit gano'n, mahal ko pa rin ang kuya ko" Ngumiti naman si Hendrix sa kanyang narinig.

"Rocky, nagagandahan ka ba sakin?"

Natigilan naman ang binata. Tinitigan niya ang kabuuan ng dalaga hanggang sa tumigil ang kanyang paningin sa mga mata nito.
Unti-unting nagkalapit ang kanilang mga mukha hanggang sa isang dipa na lang ang pagitan nila.

Biglang naitulak ni Daniella ang mukha nito.

"P-Pasensya na.. may ano kasi... May lamok, oo may lamok. S-Sorry kung naitulak kita."

"Pasensya na rin" sagot ni Hendrix habang ibinabaling ang tingin sa ibang direksyon.

"Wag kang mag-alala, maganda ka"
Nag-init naman ang pisngi ni Daniella sa narinig.

Pinaypayan ni Daniella ang kanyang sarili. Napatingin naman si Hendrix sa ginawa niya.

"W-wag mo kong intindihin. Naiinitan lang ako." pagdadahilan naman nito

"Full ang aircon"

"Ah.. h-ha?...A-ano, lalagnatin ako."

"Diyos ko po, patawarin niyo po sana ako sa pagsisinungaling ko" tahimik na dasal ni Daniella sa sarili.

Nanigas naman siya nang biglang hipuin ni Hendrix ang noo niya.

"Umamin ka nga... kinikilig ka ba?" mas lalong naningkit ang mga mata nito habang hinihintay nito ang sagot ng dalaga.

THAT DARK BROWN EYES (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon