Part 6

10 2 0
                                    

Nakatitig lang si Hendrix sa kalangitan.

"Mali bang pangarapin kong maging masaya? I've never dreamed for wealth, All I want is to be happy with whom I love. Mahirap ba talaga 'yong ibigay sakin?"

Narinig niya ang mga mabibigat na yabag na papalapit sa kanya.
"Baliw ka na ba talaga?!" anas ni Daniella.
Napabuntong-hininga na lang si Kyle.

"Ba't ka umalis ng ospital? Alam mo bang sariwa pa ang mga sugat mo, gusto mo ba talagang mamatay?!"

Bumangon naman sa pagkakahiga si Hendrix.
Tinitigan ni Hendrix ang lapida sa puntod ni Jandi.

"Masama bang dalawin siya?"

"Rocky, alam mo naman na hindi ka pa tuluyang gumagaling. Don't be to numb, matuto ka namang makiramdam" unti-unting nababasag ang boses nito.

"Wala kang pinagkaiba sa kanila..." mahinang sagot ni Hendrix.

"Oo!...pare-pareho lang kami. Pero ni minsan ba inisip mo na ang lahat ng 'to ay para sayo? Iniisip lang namin ang kapakanan mo"

"Then don't. Wag mo kong isipin."

"Kung kaya ko lang.... Kung kaya ko lang buhayin si Jandi para sayo ginawa ko na!... Dahil alam ko, siya lang ang pakikinggan mo. Kung kaya ko lang baliktarin ang lahat ng nangyari sana ako na lang ang namatay...sana siya ang kaharap mo ngayon at hindi a----"

"Daniella enough!"

"Sinabi mo na ang dapat niyang marinig. Mauna ka na sa kotse, susunod ako."

Matalim na tinitigan ni Kyle si Hendrix.

Agad namang umalis si Daniella. Hinablot nito ang kwelyo ng binata. Nanlilisik ang kanyang mga matang nakatitig kay Hendrix.

Ngumisi naman ito. Agad naman niya itong binitawan.

"Bulag ka ba, o sadyang nabubulag-bulagan ka lang?"

"Psh!"

"Alam mong nahuhulog na ang kapatid ko sayo hindi ba? Pero bakit mo siya sinasaktan?"

"Alam mong ikaw mismo ang dahilan kung bakit siya nasasaktan nang ganito."

Nakaamba ang suntok nito sa mukha ni Hendrix.

"Wala kang karapatan para sabihin 'yan, wala kang alam"

"Bakit sa simula pa lang hindi mo sinabi sa kanya na ako ang lalaking dahilan ng pagkamatay ng kaibigan niya? Bakit 'di mo sinabing ako ang gagong duwag na hindi kayang tanggapin na hindi kami para sa isa't isa? Bakit hindi mo sinabi? Bakit?!"

"Dahil mahal ko siya! Mahal ko ang kapatid ko. Masama bang mangarap ako na maging masaya siya? Masama bang sa pagkakataong 'yon hindi ko inisip na kamuhian ka? Mas pinili kong hayaan siyang mapalapit sayo, kahit na alam kong galit siya sayo. Unang beses ko siyang nakitang sumaya magmula ng pagkamatay ni Jandi..... At dahil 'yon sayo. Ngayon, masisisi mo ba ako kung bakit ko ginawa 'yon? Hindi ko kayang ipagkait sa kanya ang kaligayahang naranasan niya mula sayo."

"Ginawa mong mas komplikado ang lahat. Kung sana hinayaan mo na lang siyang kamuhian ako, hindi na sana aabot sa ganito."

"'Di magtatagal, malalaman at malalaman din ni Daniella ang katotohanan. Pero bago pa mangyari 'yon, sana, sana maayos mo na ang lamat na iniwan mo sa kapatid ko, ayokong nakikitang nasasaktan siya nang dahil lang sa nararamdaman  niyang hindi masusuklian dahil sa isang unang pag-ibig na pilit mong binubuhay."

Tahimik lang nakatungo si Hendrix at nakikinig sa bawat salitang sinasabi ni Kyle.

Unti-unti niyang binubuksan ang talukap ng mga mata niya.

*starts engine

Alam niya ang nararamdaman ni Kyle ngayon. He just want her sister to be happy. Pero bakit sa kanya pa?

"Jandi, anuman ang mangyari. Tatanggapin ko ang ipaparusa ng kaibigan mo. Kaya kong tiisin ang lahat. Umaamin ako sa mga pagkakamali ko. And God knows how I regretted it so much. Halos gusto ko na ngang tapusin ang buhay ko. Pero alam ko, hindi 'yon ang tama kong gawin."

Napasabunot nalang siya ng buhok habang nakapikit ang kanyang mga mata.

THAT DARK BROWN EYES (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon