Part 8

7 2 0
                                    

Napayakap naman nang mahigpit si Daniella sa kanya.

"W-Wag mo kong bibitawan" takot na sabi ni Daniella.

"Ba't ka tumalon? 'Di ka naman pala marunong lumangoy?"

Akma siyang bibitawan ni Hendrix.

"Rocky!!"

Napayakap siya rito ng mahigpit.

"Sira ka ba? Pa'no kung nalunod ako? Pa'no kung namatay ako ha?!"

Tumawa naman si Hendrix.

"Tatawanan mo na lang ba ako?" maluha-luhang sabi ni Daniella.

Nang umahon sila hindi na kumibo si Daniella.

"Hoy! Galit ka ba sakin?" tanong ni Hendrix.

Umalis si Daniella at nagbihis.

"Psh! Bahala ka diyan."

"Aray!" daing ni Hendrix.

Napalingon naman si Daniella sa direksyon ni Hendrix. Nakita niya itong nakangisi.

"Wala ka na talagang nagawang matino ano?" nagmartsa papalayo si Daniella.

Hinabol naman siya ni Hendrix.
At dahil mas mabilis tumakbo sa kanya si Hendrix ay naabutan din siya nito.

Pareho silang tumatawa nang ikinulong siya ni Hendrix sa mga bisig nito.

Nakangiting pumikit si Daniella.
Pakiramdam ni Hendrix na parang bumagal ang takbo ng oras.

'Di namalayan ng dalawa na nagkalapit na pala ang mga labi nila.

That was a sweet kiss na unang naranasan ni Daniella sa buong buhay niya.

"Jandi"

Napalitan ng luha ang inakalang saya ni Daniella. Sinampal niya ito at do'n natauhan si Hendrix.

"Si Jandi pa rin pala talaga?!"

Aalis na sana si Daniella nang hablutin ni Hendrix ang braso niya.

"D-Daniella, I'm sorry a-akala ko kasi----"

"Akala mo si Jandi? Sorry...Okay? Sorry that I cannot be Jandi in your eyes. Sorry kung si Daniella ako. Ano ba naman ang panama ko kay Jandi, siya matagal mo ng nakilala. While me? I'm a just a stupid stranger who happened to came in your life"

Kumaripas ng takbo si Daniella.

Napasabunot na lang si Hendrix sa sarili niya.

----------

Pagdating ni Daniella sa bahay nila, sinalubong siya ng kuya niya.

"Oh, ang aga mo atang umuwi. Kumusta ang lakad niyo?"

Nilampasan niya lang ito at umakyat sa kwarto niya.

Umiyak lang siya ng umiyak. Maya-maya pumasok siya sa kwarto ni Kyle.


"K-Kuya..."

"Akala ko wala ka ng planong kausapin ako"

Agad niyang niyakap ang kuya niya.
Pinaupo siya ng kuya niya sa kama.

"Anong problema mo? Sabihin mo sakin, makikinig ako"


"Mahirap ba talagang magmahal kuya?"


Natigilan naman si Kyle sa sinabi ng kapatid niya.

"A-Ano bang klaseng tanong 'yan?"


THAT DARK BROWN EYES (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon