"masarap ba yan binibini?" Sabay tingin nya sa bilao sa tagiliran ko na naglalaman ng turon..
"Oo, n-naman.." Sabi ko, habang si bebang naman ay papaaalis na dahil Sabi ko sakanya bago pa kami magkita ni karlos, kapag naguusap na kami ni karlos tumuloy nalang sya sa pag lalako..
"pagbilan nga, tig isa na tayo" sabay abot nya saakin ng Bente pesos.. Kinuha ko ito..
dahan..
dahan...
dahan..
dahang......
nagtagpo nanaman ang mga kamay namin, Sa totoo lang sa mga pagkakataong yun ayoko nang Mag takip silim pa, ang tanging hiling ko lamang ay huminto ang oras kapag magkasama kami.. ayoko nang umalis pa muli sa piling nya..
nilibot ko ang mga mata ko, Tinupad ang aking kahilingan, lahat ng tao ay huminto at naglaho bigla.. Heto na..
"a-anong nangyayari??" nagtataka kong tanong kay karlos..
"nasagot ang kahilingan natin, Ang sabi nila kapag daw ang dalawang taong parehas ng tibok ng puso ay parehas ding humiling sa parehas na oras.. ito ay magkakatotoo.." sabi nya sabay yakap sakin.. naistatwa naman ako sa kinakatayuan ko ngayon..
niyakap nya ako ng dahan dahan.. at nilapit ang bibig nya sa Tenga ko.. "huwag kang matakot, hangga't nandito ako walang mangyayari sayong masama" istatwa padin ako sa kinakatayuan ko at inalis nya ang yakap nya saakin..
napatango naman ako sakanya, nandito padin kami ngayon sa tapat ng simbahan..
hinawakan nya ang kamay ko at hinatak ako papunta sa lumang bahay nila.. mala mansyon ito..
nanginginig naman ako sa takot at kaba dahil di padin ako makapaniwala na Nangyayari to..
pumasok kami sa isang lumang kwarto doon sa bahay nila.. maganda to.. punong puno ng mga gitara, piano at bayolin.. Namangha naman ako at napangiti..
kinuha ni karlos ang isang gitara at tumutog kami sa harap ng bintana habang naka upo.. malalanghap mo ang maaliwalas na hangin mula sa bintana nila..
"itong awiting ito, ay alay sayo.. Sintunado man tong mga pangako sayo.. ang gusto ko lamang.. kasama kang tumanda." kanta nya pa.. Kung panaginip to pakiusap huwag na sana nila akong gisingin, Kahit isa pa tong bangungot..
sinandal nya naman ang ulo nya sa balikat ko.. at hinawakan ng dahan dahan ang kamay ko..
"Pasensya na.. mahal kita" Sambit nya pa.. tulala padin ako hanggang ngayon..
heto na ang pagkakataon na itanong ko kung ilang taon na sya, nagaalinlangan man ako pero.. bahala na.
"Karlos?..." nang marinig nya ako, agad nyang tinapat yung mukha nya sa Mukha ko at tinaas ang kilay nya.
"ilang t-taon kana?" Tanong ko sakanya..
"19" sabay ngiti nya at sumandal ulit sa balikat ko, Ngayon naman medyo nasisilaw na ako dahil sa sikat ng araw sa bintana.. pero ayos lang..
"kelan ka mag tu-twenty?" tanong ko pa sakanya.. "next year pa huwag kang magalala.." napa buntong hininga naman ako dahil baka mag katotoo yung sinabi ni sergio sa panaginip ko..
"ako'y alipin mo kahit hindi batid.. aaminin ko minsan ako'y-----" napahinto sya sa kanta nya dahil Sumabay ako.. "manhid.. sana ay iyong naririnig sayong yakap ako'y nasasabik" sunod ko pa.. bigla nyang hinigpitan pa yung pagkakahawak nya sa kamay ko.. pumikit ako at nang maka dilat ako nandito na ulit kami sa simbahan..
"ang saya ko ngayon.. napaka saya ko.." huling sabi ko sakanya, nakakatuwa lang kase hanggang ngayong umandar na ulit ang oras.. hawak hawak nya padin yung turon na sarap na sarap sya haha.
"o sya na, magbenta kana.. ina.." paalam nya sabay ngiti sakin. hinawakan nya ulit yung kamay ko "pangako mo sakin na magkikita pa tayo.. at magsasama tayo hanggang pagtanda.." napatango naman ako sakanya..
medyo nalulungkot ako kapag sinasabi nya na "hanggang pag tanda" dahil hindi ko alam baka totoo yung sa panaginip ko na Mamamatay sya pag dating nya ng 20 years old..
umuwi na ako ngayon mag tatakip silim na.. ubos nadin yung paninda kong turon, hanggang ngayon di padin naglalaho yung mga ngiti ko mula kaninang umaga..
"nak, nandyan kana pala.. tara kain na tayo" aya sakin ni mama, agad akong naupo at Kumain na..
"nak, Alam mo ba sa tuwing may nagpapadala sayo ng sulat, naaalala ko yung papa mo.." napahawak sya sa kamay ko..
"hayaan mo ma, tutugtog ako mamaya para sayo.." naka ngiti naman ako kay mama ngayon dahil alam kong miss na miss nya na si papa..
pagtapos kong kumain kinuha ko na agad yung gitara ko at tumugtog sa harap ni mama..
~ and you, decorated my life.. ~
maluha luha naman si mama ngayon, agad akong napa yakap sakanya ngayon..
"oy sali naman ako dyaan!" Naka ngiting sabi sakin ni kuya jetro.. lumapit sya kay mama at kinuha ang kamay neto..
"ma.. papakilala ko sayo si althea. girlfriend ko po" agad pumasok si althea at nag goodevening samin. napa ngiti naman ako sakanya dahil ngayon, natauhan na si kuya na masama talaga ang ugali ni ate anne.
Gabi na at di padin talaga mawala yung nangyari kanina sa isip ko, ayoko nang Umalis pa sa yakap ni Karlos..
"karlos? karlos??!!" sigaw ko pa habang hinahanap sa dilim si karlos..
"bat hinahanap mo padin sya hanggang ngayon? diba sabi ko tigilan mo na sya? iiwan kadin nyan!" sigaw ni sergio sa likod ko..

BINABASA MO ANG
Until the music ends
RandomMusika lang naman ang nagpapa ibig sa babaeng Si Katrina limbaro. mula ng mawala ang tatay nya wala ng iba pang dahilan para sumaya sya sa pamamagitan ng musika ngunit mayroong isang lalaki na bumabagabag sa puso nya, hanggang panaginip ito nagpapak...