kabanata 6

5 1 0
                                        

nakauwi na kami sa bahay.. hanggang ngayon di padin mawala yung galit ko kay kuya.. pumasok sa isip ko na.. di ko pa pala nababasa yung sulat ni karlos saakin..

agad kong kinuha yun sa bag ko..

magandang umaga, Katrina.

nais ko lamang humingi ng pasensya Sayo sa nadatnan mo kanina, alam kong tama ang kutob ko na nasasaktan ka ngayon, magkita tayo sa may Intramuros Bago magtakip silim.

nagmamahal, karlos.

nabigla ako sa sulat nya, inaaya nya akong makipag kita sakanya ngayon bago mag takip silim? agad agad akong bbumyahe papunta sa intramuros. dahil baka magtampo kapag di ako sumipot (gusto ko din naman ekk) naka uniform pa ako ngayon, pagbaba ko ng jeep..

"buti naman dumating ka.." napalingon ako sa narinig ko, bumilis tibok ng puso ko at nag slow mo lahat..

"Katrina?" tanong nya pa, agad naman akong natauhan sa salita nya.. grabe yung puso ko..
bumibilis..

ng

bumibilis..

nasobrahan ata ako sa kape?! Hahaha charot..

"B-bakit ba?" tanong ko sakanya dahilan para mapatingin sya agad saakin, nagtagpo ang mga mata namin ngayong oras na to.

"Diba nabasa mo yung una kong sulat sayo?" tanong nya, Pero basa yung huling salita pano na to? huhu.

tumango lang ako sakanya.. bago pa sya mag salita agad ko syang inunahan "pero...basayunghulingsalita" mabilis kong tugon..

nagtaka naman sya at napa kunot ang Noo nya, "siguro hindi talaga to yung oras para sabihin ko sayo.." sabi nya ng naka tingala..
"ang alin?" tanong ko, agad syang napa ngiti at napa iling..

ayan
nanaman
yung
ngiti
nya
wahhhhhhhh

"s-san ka nga pala natuto mag gitara?" pagbubukas nya ng topic ang awkward kase huhu.

"sa papa ko.." sagot ko.. Pero biglang may nagsalita sa likod namin..

"mukang magandang usapan nyo ah" napatingin kami sa likod at si sergio yun..

"ah.. k-kuya, s-si..---" di pa nya natuloy ang sasabihin nya..

"Alam ko, si katrina" Sagot pa ni sergio.. "tara na, handa ang gabihan natin Karlos.." aya pa ni Sergio..

really? Kailangan pang hintayin sila isa isa?..

"m-mauna na a-ako katrina" sabay ngiti ni karlos, alam kong ayaw nya pang tapusin ang gabing to, pero... palaging may pumipigil kapag magkasama kami..

Bakit pa kailangang magbihis
Sayang din naman ang porma
Lagi lang namang may sisingit
Sa twing tayo'y magkasama~

gitara by: parokya ni edgar

sa huling pagkakataon, Tumingin ulit sya saakin. nakatingin padin ako sakanya kahit malayo na sila, maya maya pa lumingon din sakin si sergio...

paguwi ko agad agad akong natulog..

"Sinasabi ko sayo!, huwag kang sasama o susunod kay karlos.. hindi ka talaga nya mahal!" Tugon ni Sergio habang naka hawak sa braso ko ng mahigpit..

"m-mahal ako ni Karlos?" nagtataka kong sabi sakanya ng naka kunot ang noo..

"nagpapakita lang sya ng motibo kaya lumayo kana sakanya.. pag sapit nya ng 20 years old, mamamatay sya" seryosong sabi sakin ni sergio, ngunit paano? ilang taon naba sya ngayon? kailan nya namang sinabi na mahal nya ako? eh diba may nililigawan sya?

"inaaaa!!" Sigaw ni mama sa labas, wala na akong oras para mag isip kung ano yung napaginipan ko agad agad lang akong tumayo sa higaan at lumabas..

nadatnan kong Lasing na lasing si kuya.. Halos si mama lang yung bumubuhat sakanya..

"ano nangyayari?" tanong ko, agad akong napatingin sa orasan, 12:21 na ng madaling araw.. napa buntong hininga nalang ako at inalalayan si kuya papuntang kwarto..

pagtapos, isasara ko na sana yung gate pero nakita ko na nandon si althea.. Mangiyakngiyak sya habang Papasakay na sana ng Kotse..

"ate althea!, ano pong nangyari?" tanong ko, dahilan para mapalapit sakin si althea..

"nakita ko lang syang lasing sa bar kasama si anne" sabi ni Althea habang humahagulgol
pero gulo gulo yung buhok nya..

"kayo po? anong nangyari sainyo?" tanong ko pa.. "w-wala to, Mahalaga nakauwi si jetro ng m-maayos..." sagot nya saakin..

hinawakan ko yung braso nya na puro kalmot ngayon.. "ate? yung totoo" pagpupumilit ko pa sakanya.. "anong nangyari?!" Sunod ko pa.

"kanina kase dapat magkikita kami ni mia sa bar at nakita ko kuya mo sa loob ng bar pagpasok ko, pinipilit syang lasingin ni Anne at yung iba pa nyang kasamang babae, Nakikita ko yung kuya mo na hilong hilo na, aayain ko na syang umuwi kaso... bigla akong pinagtutulungan n-nila anne" sabi pa nya habang umiiyak ng mahina para di marinig ng tao dito sa street namin.

naawa naman ako sakanya hindi ko alam na mas masahol pa pala ang ugali ni ate anne sakanya..

kinaumagahan... nagising si kuya..

"Katrina??" sabi nya ng hilong hilo.

"ano?"

"s-sino yung Naghatid sakin kagabi?" tanong nya..

"edi si ate althea.." nagulat naman sya agad sa sagot ko.. "Pinainom ka daw ng barkada ni anne.. pinagtanggol ka ni ate althea kaya sya yung nabugbog.." tugon ko pa dahilan para mawindang si kuya..

tumayo sya at Agad agad nagbihis ng pang itaas. "sabihin mo kay mama may pupuntahan lang ako" sabi nya ng mabilis at lumabas.. walang pasok ngayon kaya Naman umalis sya ng tanghali.

maya maya pa lumabas nadin ako ng kwarto, naabutan ko si mama na nagbabalot ng turon ngayon, Since wala naman akong gagawin, edi maglalako nalang ako kasama si bebang ngayon..

"ma..." tumango naman si mama sakin..
"nak, may nagpadala nanaman ng sulat sayo. malaman ko nga lang kung anong pakay nya?" tanong ni mama habang umiiling..
inabot naman sakin ni mama yung papel na yun..

magandang umaga, katrina

sana magandang ang gising mo ngayon binibini, Pasensya na nga pala kagabi ah sinundo na ako ni kuya, magkakilala din pala kayo ni kuya sergio, nakakatuwa naman yon. Kakain na kase kami sa bahay kaya siguro sinundo nya na ako.. magkita ulit tayo sa may simbahan ng san jose sa navotas hihintayin kita doon ngayong umaga.

nagmamahal, Karlos

pero wala akong oras kailangan ko pang maglako ah! alam ko na dadaan nalang kami ni bebang doon sa simbahan at doon kami maglalako.

sumapit na ang hapon papunta na kami ni bebang sa san jose church..

"Turon!! Turon!!!" Sigaw ko pa.. nandito na kami ni bebang sa may harap ng Simbahan..

si bebang ka edad ko lang, katulong lang namin sya sa pag titinda ng turon.. may pagka mestiza sya parang may lahi, ulila nadin sya.. pero alam ko lagi syang kinukuha sa panlaban sa mga beauty contest doon sa lugar namin..

"turon kayo dyan!!!" sigaw ko ulit...

"Pagbilan naman.." Napalingon ako nang makita ko si karlos, ang ganda ng porma nya talaga, parang yung makaluma ba.. ang ganda nya sa paningin..

di ko mapigilan ang ngiti ko kaya yumuko nalang ako..

"buti pumunta ka.." sabay ngiti nya saakin. sabay abot ng rosas, nang kuhanin ko to.. Sa pangatlong pag kakataon, nagkadikit ulit ang mga kamay kamin...

"t-talagang pupunta ako...para sayo.." sabi ko ng naka tulala sakanya, "ah este... oo pupunta ako k-kase....." napahinto ako ngayon dahil hanggang ngayon naka tulala ako sa mata nya. "kase...???" tanong nya pa..
"kase.... ano..."
"ano....."
"ano........."

napangiti sya sakin ngayon, ata agad akong natauhan..

"kasenaglalakokami" mabilis kong sambit sakanya.. Azar na tatameme ako kapag ngumingiti sya... please stop charot...

Until the music ends Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon