"magandang gabi, ina" sabi nya habang naka ngiti, bat ba kase pamatay yung mga ngiti nya, bat ba kase palagi nalang syang nakangiti kapag kinakausap ako.. teka nawiwindang ako.."nabasa mo na ba ang liham ko sayo?, Sana patawarin mo na ako.." Sabi nya at yumuko.. sa sobrang hiya ko wala akong sinabi at napatango lang sakanya..
naglakad ako ng mabilis upang di nya na masundan.. dirediretso ako ngayon sa Cr at pag pasok ko napabuntong hininga nalang ako..
"Bakit ba kase sya nandito?" Bulong ko habang kabang kaba, ang bilis din ng tibok ng puso ko ngayon.
nang maka lipas na ang limang minuto kong pag ccr.. lumabas ako, naglalakad ako ngayoj papunta kila kuya, maraming tao ngayon na nagkakatuwaan.. sa sobrang lutang ko, hindi ko namalayan na may sa sanggi pala ako..
"s-sorry po.." sabi ko ng kinakabahan.. napatingala naman ako dahil matangkad sya.
"okay lang..." sagot naman nya.. muka syang mayaman talaga, siguro kamaganak to ni althea..
aalis na sana ako pero bigla nyang tinawag yung pangalan ko...
"katrina?" tanong nya, napa lingon naman ako at nagpakilala sya.
"magandang gabi, ako si sergio" teka? parang narinig ko na yung pangalan nya.. saan ba yun? Di ko maalala..
pag uwi namin pinipilit ko talagang Alalahanin kung sino yung sergio na yun, sinesearch ko din sya sa Fb kaso walang lumalabas..
"walang fb si Sergio" nagulat ako ng magsalita si kuya sa tabi ko.. wait pano nya ba nalalaman yung mga gusto kong malaman? hay!
"Walang Social media ang mga alonzo" hala? alonzo din yung sergio na yon?.. Kaano ano nya naman si Karlos?
"kapatid nya si Karlos" sagot ni kuya, aba aba ano to coincidence na shinare nya lang lol. Hahhaa ano ba kaseng meron sa utak neto!
natutulala lang ako sa sulat ni karlos saakin ngayon.. Kinuha ko nalang yung gitara ko at tumugtog..
Sa hindi inaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong,
Damang dama na ang ugong nito
'Di pa ba sapat ang sakit at lahat
Na hinding hindi ko ipararanas saýo
Ibinubunyag ka ng iyong mata
Sumisigaw ng pag-sinta~tadhana by: updharma down
pagsapit ng lunes nandito na kami ni Alexandra sa school.. Ang boring last class na namin pero maya maya pa may tumawag sakanya..
"Ah shige bebe ku, punta nalang ako dyeen ah!" Pabebeng sagot ni alexandra, binatukan ko naman sya at tumawa..
"puro kalandian yang iniisip mo letse ka!" Sagot ko.. agad naman syang tumayo ang nag bye saakin, kabisado ko na na magkikita sila ngayon ni Jp.
tumayo din ako at Pumunta sa may Kabilang building.. habang naglalakad ako sa may hall way, nakita ko si karlos.. sumulyap ako sakanya ng pagunti unti.. nakita ko sya na may kasamang babae.. yung babaeng yung mukhang di mayaman at sobrang simple, para bang dalagang filipina ba..
"Maari na ba akong manligaw, teodora?" Nahihiyang sabi ni Karlos sakanya.. parang nanikip ang dibdib ko.. para bang may naramdaman ako na di ko dapat nararamdaman
"tanggapin mo muna tong sinulat kong kanta para sayo.." tugon pa ni karlos..
maya maya narinig ko na yung boses nya, af bawat pag pitik ng gitara ay parang pinipitik din ang puso ko.
hindi ko na mapigilang umiyak, isang sulyap pa nakita ko si kuya sa hallway kung nasaan sila karlos, nakita din ako ni kuya na nagtatago kaya sumigaw sya..
"katrina!" sigaw nya pa.. lumabas ako nang namumula ang mata ko, naglakas loob akong maglakad sa harap nila papunta kay kuya.. ang bagal ng paningin ko.
Napatayo si karlos ng makita ko agad naman napa tingin din yung babae saakin.
"tara na uwi na tayo.." tahimik kong sabi kay kuya at hinatak ko sya.. napabuntong hininga naman si karlos nang makita ako..
Nag takip silim na at nasa bahay kami ngayon.. hindi padin mawala yung mga iyak sa puso ko.. naalala at naalala ko padin yung nangyari kanina..
"Pakiusap, huwag mong hayaang mapunta ka sakanya.. mahal kita Katrina.." nagmamakaawang Sambit sakin ni sergio, nandito kami ngayon naka tayo sa harap ng garden..
"H-hindi kaya Ng p-puso kong Pagtaksilan si Karlos, U-malis kana.." sagot ko sakanya pero nanatili padin syang naka harap sakin.. "Umalis kana!" sigaw ko pa..
pumunta ako sa likod ng Isang lumang bahay dahil ang sabi ni karlos ay doon daw kami magkikita, magingat daw ako kay sergio na makita ako dito sa likod ng lumang bahay dahil baka isumbong ako kay tatang dado na nakikipag kita padin ako kay Karlos..
"Karlos?" Tanong ko, Habang magtatakip silim na, Madilim na't palubog na ang araw.
"mabuti naman at pumunta ka.." Isang lalaki ang nagsalita sa likod ko.. si karlos..
dumilat ako, Isang panaginip nanaman tungkol kay sergio at karlos.. Bakit ba ako palaging ginugulo nila sa panaginip?
nasa sala ako ngayon at naghihintay na mag alas siyete, nang tinawag ako ni mama..
"ina, may sulat ka nanaman.. mukhang napapadalas ang pagsusulat sayo ng karlos na ito ah?" Nagulat akong tugon ni mama, napapadalas? eh pangalawa palang naman to..
hindi ko agad ito binuksan at bumyahe na ako papuntang school, Yung panaginip ko di padin mag sink sa utak ko..
Ngayong nasa school ako, nakita ko si althea umiiyak sa may gilid ng fountain..
"ate.. bakit po?" Tanong ko sabay himas sa likod nya.. "rebound lang pala ako ng kuya mo ina, Nakita ko sila ni anne kanina magkayakap, parang tinutunaw yung puso ko ina.." sabi pa nya habang umiiyak.. hindi ko alam kung bakit ako nagalit ngayon kay kuya.
kumakain kami ngayon ni kuya sa canteen, di ako umiimik habang sya naman kumakanta lang sa harap ko nasa gilid ko naman si alexandra..
"b-bat mo naman ginawa yon?!" Tanong ko ng galit na galit habang sya chill chill lang sa tapat ko, napakunot naman yung noo nya saakin.
"sagutin mo ko!" sabi ko pa.. sabay hawak ni alexandra sa braso ko para pigilan ako.. wala namang imik si kuya ngayon..
"Ang sakit ng ginawa mo kay althea alam mo ba yun ah?" tanong ko sabay upo.
"malay ko bang aasa sya saakin, Kaibigan lang naman yung turing ko sakanya e." sabi nya, hindi naman ako sangayon sakanya..
"nagpakita ng motibo e. syempre aasa yun" sagot ko pa.. naiintindihan ko yung sakit na nararamdaman ngayon ni althea..
nag klase kami ngayon.. history na ang last subject..
nakaupo ako sa tabi ni alexandra ngayon Habang ang cecellphone, Nang biglang lumapit samin si karlos..
"ina?" Tanong nya saakin.. "nabasa mo na ba?" Tanong nya ulit.. napa iling naman ako sakanya kunwaring ginawang busy yung sarili ko, di ko alan kung magagalit ako o iiyak sa harap nya...
katulad ng ginawa ni kuya kay althea, nagbigay din ng motibo saakin si Karlos.. o ako lang talaga yung assuming?

BINABASA MO ANG
Until the music ends
DiversosMusika lang naman ang nagpapa ibig sa babaeng Si Katrina limbaro. mula ng mawala ang tatay nya wala ng iba pang dahilan para sumaya sya sa pamamagitan ng musika ngunit mayroong isang lalaki na bumabagabag sa puso nya, hanggang panaginip ito nagpapak...