kabanata 8

5 1 0
                                        

umaga na, kahit binangungot ako kagabi wala padin akong paki basta alam ko na ngayong araw na to, may bagong padalang sulat padin si karlos sakin..

"nak!" tawag ni mama saakin, agad naman akong napalabas dahil alam kong magluluto na si mama ng turon.

paglabas ko nagkakamot pa ako ng mata at nag tatanggal ng muta, nagulat ako nang makita ko si Karlos na nasa sofa namin habang may hawak na turon..

nang makita nya ako agad syang napatayo at nag bow sakin, Pinunasan nya din yung bibig nya dahil kaka kain nya lang ng turon..

"magandang umaga binibini" pag bati nya saakin, agad akong nagulat dahil...

wala pala akong bra!

hala huhu, napa balik ako sa kwarto at nag bra ako.. bakit ba kase sya nasa labas?! hmp!

"Katrina, bilisan mo! naghihintay si karlos" aya sakin ni mama, nang matapos ako agad agad akong lumabas..

"S-sorry" sagot ko..

Tumayo sya at pumunta sakin, Inabot nya sakin yung isang Papel, nakalagay dito..

para sayo, katrina..

di ko muna ko binuksan kase nandyan si mama. hehe baka mahuli ekkkkkek..

lumabas kami ngayon ni karlos at nangungulit sya saakin na pumunta kami sa bahay nila, doon lang kami at papakilala nya ako sa isa pa nyang kapatid..

"Pumayag kana, pagtapos neto wala na akong hihilingin pang iba mula sayo" napatingin naman ako sakanya agad..

tinignan ko sya ng parang may balak ako.. "sige di na ako papayag na ligaw----" di ko na natapos yung sasabihin ko ng biglang..

"syempre bukod doon" sabi nya sabay kamot sa batok nya habang nakangiti.

"oo na, oo na" Sagot ko pa, abot langit naman yung ngiti nya..

naligo ako at nagayos habang sya naman kumakain sya ng turon saka lugaw na niluto ni mama ngayon, habang nasa kwarto ako at nagbibihis, naririnig kong nag chichikahan sila ngayon sa labas..

"ma.. huwag nyo na pong kwentuhan si Karlos.. hm!" sabat ko at agad silang Napatingin sakin..

habang nag lalakad kami sa kanto, hawak hawak nya padin yung kamay ko..

"wala kana palang tatay no?" panimula nya, napatingin ako sakanya at medyo na disappoint kase ayokong binabanggit si papa lalo na sa mga masasayang pangyayari.

"p-pasensya na ina.." sabi nya at humigpit naman ang kapit nya sakin..

nang makarating kami sa bahay nila, Sinalubong kami ng tatlo nilang kasambahay..

"Ina.. si nanay antonina, nanay flora at nanay fe.." pakilala sakin ni karlos, napangiti naman sakin ang tatlo nilang kasambahay..

bago kami maka pasok sa malaki at makaluma nilang bahay, may malawak silang hardin sa harap.. napatulala naman ako dahil meron silang sunflower sa may garden nila..

"Nandyan kana pala karlos, Ipakilala mo naman sya saamin" Sabi nung isang babae na medyo may pagkaluma din yung dating nya.. agad naman akong napa ngiti sakanya..
"nay, ito si katrina... nililigawan ko po" Pagpapakilala sakin ni karlos sa mommy nya.. agad namang hinawi ng mommy ni Karlos yung buhok ko..

"napaka ganda mo naman iha.. siguro may lahi kayo?" biro ng mama ni karlos sakin.

magandang tong loob ng bahay nila, maraming obra saka gawa sa kahoy yung bahay nila..

"ina, Sya si nay divina.. nanay ko.." pagpapakilala nya naman sakin.. totoo ngang Magaganda ang lahi ng alonzo, sila lang ata yung nag tatanging Maka luma dito sa modernong Mundo..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 03, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Until the music ends Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon