kabanata 4

3 1 0
                                        

nang makauwi na kami agad akong sinalubong ni mama kasama ang ngiti nyang di mapaliwanag nanaman..

"hay nako si mama, kinikilig nanaman kay papa.." sabay ko pa at binaba ang bag ko..

"ako ba talaga ang kinikilig anak?.. heto baka ikaw ang kiligin.." Agad namang inabot sakin ni mama yung Papel na puti agad kong binuklat ito..

galing kay Karlos...

"ano yan ah? ikaw ina?! may boyfriend kana?" galit na tanong ni kuya jetro sakin..
"w-wala" sagot ko habang namumula na ang pisnge ko parang sasabog sa kilig..

nagkulong ako sa kwarto at binasa ang sulat mula kay karlos.. 

Magandang gabi, katrina

nais ko sanang humingi ng tawad sayo sa nangyari kanina, hindi ko sinasadyang mahawakan ang kamay mo alam kong nahihiya ka dahil narinig ko ang dapat di ko marinig dahil masyado itong personal.. pasensya na alam kong nagagalit ka ngayon dahil sa ginawa ko.. gusto ko lang malaman mong jxjsdjajdj

nagmamahal, Karlos Alonzo

Hala?? bat basa Yung huli na part ng papel? Bakittt????

Taeng tae na akong malaman kung ano tong huling salita na sinulat nya! napasimangot nalang ako dahil sa nangyari..

naghahalong kaba, lungkot, kilig at saya ang nararamdaman ko ngayon..

pero isa lang ang tanong ko, Bakit nya naisipang sulatan ako Sa konting pagkakamali lang? bat hindi nya nalang ako i chat sa Fb? hmp!

"walang fb si karlos lola.." wika ni Kuya jetro.. nagtataka naman ako kung paano nya nalaman yung tanong sa isip ko? wow mind reader na pala si lolo ngayon.

"Kaya di ka nya ma memessage, kahit sila Rex na kaibigan ko, sinusulatan nya din.. huwag kang kiligin! sulat lang yan!" Epal naman tong kuya ko!

pero iba padin yung dating kapag sulat kamay, di ko din alam kung bakit. parang mas sincere ba, dahil alam mong nag effort syang magsulat para ipadating sayo yung nararamdaman nya..

"o sya, matulog kana bukas may lakad pa tayo.." paalala sakin ni kuya, Hays medyo tinatamad ako sa debut ni althea pero sige na baka mag tampo.

ipinikit ko na ang mga mata ko....

"Ikaw padin, Ikaw at ikaw padin ang hanap ng puso kong ligaw, katrina." kinuha nya ang kamay ko at Tinapat ito sa puso nya..

wala akong ibang magawa kundi Tumitig lang sakanya..

"mahal ko si Karlos, sergio pasensya na.." yan lamang ang nasabi ko habang namumuo ang luha sa mata ko..

muli kong minulat ang mata ko..

time check 3:50 am.. Magaalas kwatro palang, nakapatay na ang ilaw dito sa kwarto namin.. binabagabag padin ako ni Karlos hanggang panaginip.. "s-sino si sergio?" bulong ko sa sarili ko..

binaliwala ko to hanggang sa makatulog ulit..

umaga na sikat na sikat ang araw mula sa bintana, napatayo ako at 9:17 na ng umaga.. nagluluto na si mama ng turon!

"ma.. wait.." lumabas ako ng madatnan ko si Mama na nagluluto padin ng turon na lalakuin ni Bebang mamaya..

"gising ka na palang ina, Tara tulungan mo na ako.." sabi ni mama sakin. "balita ko pupunta kayo sa debut ng kaibigan ng kuya mo mamayang gabi?" tanong ni mama.. napatango naman ako sakanya..

"ma alam mo bang si kuya ang mr. ambassador ng school namin?" napangiti naman si mama saakin at tumango sya..

nakikita ko na proud na proud sya sa mga ngiting pinapakita nya sakin.

"ano nak? ano ba yung naka sulat doon sa liham na iyon?" nagulat naman ako ng biglang tinanong ako ni mama ng ganon..

"ah.. wala yun ma.. trip lang ni.. ni.. Karlos yun kaibigan ko" palusot ko pa kay mama..

"Talaga? close kayo ni karlos ina?" nagulat naman ako nang biglang tinanong ni kuya sakin yun, grabe i feel trapped #Ayawkona!

"ah hindi naman masyado.." sagot ko..

"bakit?? labis kitang mahal?" kanta ni mama habang nag piprito ng turon.. agad naman akong napatulala ulit nang marinig ko yung awit ni mama..

gabi na, handa na ako para pumunta sa Debut ni althea..

nandito na kami sa venue, talagang napaka ganda dito, mayaman talaga ang mga Rosette..

nagsimula na ang pagtatanghal sa harap.. may pa speech ang mommy at daddy ni althea ngayon sa harapan..

"Our baby girl is now a lady.. Habang tumatanda sya.. tumatanda din kami.." panimula ng daddy nya..

"Ang pagmamahal ay walang pinipili.. Natuturuan ang puso, napipigilan, napapakiusapan.. At ngayong tayo'y matanda na.. hayaan mo akong isayaw ka muli.. Faustina.." sunod ng daddy ni althea.. ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon..

Itong awiting ito
Ay alay sayo
Sintunado man tong
Mga pangako sayo
Ang gusto ko lamang
Kasama kang tumanda

Patatawanin kita
Pag hindi ka masaya
Bubuhatin kita
Pag nirayuma ka na
O kay sarap isipin
Kasama kang tumanda

At nangangako sayo
Pag sinagot mong oo
Iaalay sayo buong puso ko
Sumang-ayon ka lamang
Kasama kang tumanda

habang nagaaliw ang dalawang magkasintahan sa ilalim ng musika.. hindi ko alam kung bakit ako naiiyak, nadadala lang siguro ako pag iibigan nilang dalawa.

natapos ang Sayawan, oras na para sa kainan... masasarap na putahe ngayon ay nakahanda sa mesa nilang mahaba..

mag c-cr ako ngayon, habang naglalakad ako biglang may nagsalita sa gilid ko..

si karlos..

Until the music ends Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon