"alam mo bang Nagusap kami ni Jp?? wahh!! kagabi sabi nya magkita daw kami sa May canteen!!" sabi nyang kinikilig saakin habang niyuyugyog ako at noon ko lang nalaman na..
papalapit si Karlos samin!
"ah e oo bakla nakakakilig kayo, eh ano.. ah tara na!" sabi ko sakanya ng parang nawiwindang At Hinatak sya papasok sa School..
"b-bakit parang kinakabahan ka?" nagtatakang tanong ni alexandra saakin, napalingon ako ng biglang May nagsalita sa likod ko..
"Ms. Limbaro right?" naka ngiting sabi sakin ni karlos, wala akong magawa ngayon dahil nasa harap ko na sya, para akong kalansay dito na di makagalaw, para akong yelo na unti unting nalulusaw nang masilayan yung mga ngiti nya habang Bitbit bitbit nya yung gitara nya sa likod nya.
"aahh e.. oo karlos sya si.. Katrina limbaro" mabilis na salita ni alexandra, doon lang ako natauhan dahil napa tingin ako sakanya..
"ah good. katrina, pwede kaba mamaya? Tara jam tayo, pwede kading sumama alexandra!" sabi ni karlos, ang ganda ng Mata nya Kapag naka ngiti!!
"ok" tanging yang salita lamang yan ang lumabas sa bibig ko, naistatwa ako sa kinakatayuan ko.. agad namang lumayo saamin si Karlos at napa buntong hininga ako.
"alam ko nayan katrina.. tsk. ako lolokohin mo? babae din ako alam ko kaya pakiramdam ng Inlove, parang naramdaman ko kay Jp! ekk" Sabi ni Alexandra.. di na ako nag deny at umiling nalang habang di padin nawawala yung ngiti ko sa labi ko.. okay lang yun kase iniba nya naman yung topic sa huli naging si JP hahaha!
wala kaming teacher ng 1st class kaya nag stay kami dito sa garden..
"alam mo ba sabi nila, kapag daw inlove ka tumitigil ang mundo mo, bumibilis ang tibok ng puso mo...." sabi ni alexandra saakin habang naka tingin kami sa ulap..
"wehh! porong norinig ko no yon oh!" sabi ko Dahil kakasubo ko lang Baon kong turon... nilunok ko ito agad at nagsalita pa..
"ahh doon sa she's dating a gangster yan no!" habol ko pa bago pa sya magsalita.
"oo, totoo naman diba? ganon naman talaga nangyayari kapag inlove ka.." napatango nalang ako sa sinabi ni alexandra..
"Ano game na ba??" salita nung isang lalaki na nasa gilid namin..
"wait, heto sila pupuntahan ko.." narinig kong sabi pa ng isang lalaki, si Karlos yun. naglalakad na sya sa garden papunta samin, aayain ko na sana si Alexandra na tumayo na pero huli na..
"Alex! ina!" sigaw ni Karlos, agad namang napa tingin si alexandra sa likod at inaya na akong lumapit kay karlos.
wait.. tinawag nya akong ina? Wahhhhh Inlababo talaga lola nyo! assdfgglkl
pagharap ko bigla syang nag bow saakin.. wait ha???!!!
"m-magandang umaga mga binibini, nandito lang pala kayo" Sabi nya ng hinihingal..
wait..
hala..
bakit?
jusko.
puso ko..
ah oonga pala, Buwan ng wika ngayon.. pero kailangan talaga na mag bow saamin? wiee kilig.
"tara na bakla!" hinila ako ni Alexandra kasabay nila karlos.
nang marating namin yung room na puno ng instrument agad akong napa stop doon sa pinto nakita ko na Ang daming tao kaya act normal.
pumunta kami ni Alexandra sa may gitara, Electric to kaya kailangan ko pang ayusin yung mga saksakan.
ng maayos ko to, napa tingin ako kay karlos na ngayon ay Nag gigitara sa gilid at walang kasama..

BINABASA MO ANG
Until the music ends
AcakMusika lang naman ang nagpapa ibig sa babaeng Si Katrina limbaro. mula ng mawala ang tatay nya wala ng iba pang dahilan para sumaya sya sa pamamagitan ng musika ngunit mayroong isang lalaki na bumabagabag sa puso nya, hanggang panaginip ito nagpapak...