Napadilat ako ng marinig ang sigaw ni liz.
Sunog!!!!!!!!! Sunog!!!!!!!!!!!!!
Pero pagkabangon ko namumulang mukha nya at pinipigilang tawa ang biglang lumabas.
Tsk! Nang-iinis ka ba? Inaantok pa ko eh... Nasan na ba sila?
Haha- Ah. May pinuntahan lang saglit..
.
.
.Pumikit ako ulit at nagtalukbong ng kumot pero naramdaman kong muli ang kamay nito sa paa ko at kinikiliti ako.
Ano ba lizzzzz!!!!!!!!
Sa lakas ng sipa ko sure akong nakahiga na si liz pero---
Troy??? Anong g-ginagawa mo diyan?
Pero napalunok ako ng makitang naminilipit ito sa sakit sa ibabang parte.
Hehehe.. Sorry akala ko kasi si liz yung nangingiliti! Hehe
Pero nanatili itong nakaupo at masama ang tingin sakin.
At anong gagawin mo wife!? Kapag di na kita nalahian??.
Nanlaki ang mata ko yung feeling na punong-puno ka na ng guilty tapos kung ano-ano lang sasabihin.
Tsk! Bagay lang yan sayo!! Halimaw! Mokong ka talaga diyan ka na nga!
Akmang aalis ako ng hilahin nya ako at marahang itulak sa kama.
I was just joking wife...
Nakita ko ang pag-ngiti nito at paglabas ng dimple nya. Impit akong napatili ng paulit-ulit nya kong bigyan ng maliliit na halik na para bang kinikiliti ako.
Kkkyyyyyyyyaaaaaaaaahhhhhhhh!!!!!!!
Natawa ako ng makita sya ulit sa sahig dahil sa hindi ko na mapigilan ang kakatawa at pagod na ko.
S-sorry.. Hehe.. Kasi sabi ko sayo pagod na ko eh hehe
Nang akmang tatayo ito agad akong tumakbo papuntang bathroom at doon nilabas ang malakas kong tawa.
Wife! You will pay for this.
Pagkatapos kong maligo agad akong bumaba at nakita si liz na nakasimangot.
Uy! Anyare sayo? May problema ba?
Ngumiti ito pero halatang pilit.
Tumingin ako sa labas na tanaw dito ang swimming pool area nakita ko si Jiro na may kausap na babae at nagtatawanan sya kung kapatid ni bryan.
Nagseselos ka ba sa kausap ni Jiro Kaya ka nagkakaganyan?
Tumawa ito pero pilit pero mas ikinagulat ko ng may tumulong luha sa mata nya.
Kagabi nya pa ko hindi pinapansin simula nung dumating yung kapatid ni bryan, Siguro nga nag-assume lang ako na may gusto sya sakin...
Pinunasan nito ang luha sa mata nya at pabiro akong hinampas sa braso.
Kasalanan nyo to!! Lagi nyo kaming inaasar na dalawa!! 😓
Best, kung nasasaktan ka ipakita mo dahil mas maganda na yun kesa sa tinatago mo... Pero mukha namang walang gusto si Jiro sa babaeng yun tsaka diba senior high school pa lang yun?
Tumango ito.
Pero best... Isipin mo rin na "Age doesn't matter"
Wala na kong ibang nagawa kundi yakapin sya. Si liz yung tipong pagdating sa salitang pag-ibig kaya nyang maging tanga at itago ang salitang "nasasaktan na ko"
BINABASA MO ANG
Mafia Kings Meet The Hugot QUEEN (Ongoing)
RomanceMafia kings kung ituring sila... Isang grupo nang kalalakihan na mag-mamahal sa iisang babae. Paano kung mag-tagpo ang landas nang isang Hugot Queen at nang Mafia kings. Isa nga bang pag-ibig??? O pagkakaroon lamang ng WORLD WAR 3??? Curiosity can...