Chapter 2

20 5 0
                                    


Keisha's POV

Hindi ko na napansin kung gaano kabagal o kabilis ang pag-uwi namin ni kuya dahil feeling ko ay pagod na pagod ako.

Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang bunso kong kapatid na si Rein kasama nanaman ang mga kaibigan niyang naglalaro ng video games.

Seriously? 5 years old palang siya pero ang galing na niya sa mga gadgets. Samantalang dati nung 5 years old palang ako ay naglalaro kami ni kuya at mga kapitbahay namin dito sa St.Gabriel Village ng taya-tayaan, tumbang preso, tagu-taguan at iba pang masasayang laro.

Ang malas nila dahil hindi nila yon napagdaanan hahaha. Naaalala ko dati nung third year. Ang laro naming magtotropa sa room ay BINGO yung nag aapakan. Hahahaha ang saya lang alalahanin nung dati.

'Ngayon kaya magagawa pa namin yon?'

May ngiti sa mga labi ko nung pumasok ako sa kitchen namin.

"Keisha, bakit ngiteng ngite ka diyan ija?" Nagulat ako ng biglang sumulpot si Manang sa tabi ko.

"Ah kase manang naalala ko yung paglalaro namin ng mga kaibigan ko last year." Nakangiting kwento ko kay manang.

"Ahh akala ko may lalaki kang iniisip eh" Tatawa tawang ani ni Manang. Hala bat niya naman naisip yon? Hehe.

"Bakit nyo naman nasabing lalaki ang dahilan manang?" Natawa na din ako sa isiping iyon haha. Lalaki? Psh.

"Kita kasi sa kislap ng mga mata mo na parang inlab ka ija." Nakangiting ani ni Manang.

"Manang naman unang pasukan palang oh HAHAHA inlove agad manang? Hindi pa ulit ako ready masaktan manang" Pilit na ngiting sabi ko.

Napasimangot naman si Manang sa sinabi ko.

'Sorry Manang hindi pa ako handang sumugal ulit'

"Siya parin ba ija?" Makahulugang tanong niya.

Binigyan ko lang siya ng malungkot na ngiti at umalis na ako para makapag bihis. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko nung maalala ko yung pag-iwan niya sakin.

May butil ng luha na tumulo sa aking pisngi. Shet eto ka nanaman. Tamana please. Hindi na siya babalik. Pinahid ko ang luha na iyon at humiga na sa kama. Umiyak ako at inalala ang masasaya naming alaala. Nung panahong nasa tabi ko pa siya.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.

ZzzzZzzzzzzZzzzZzzzzzZzzzzzzzzzZzzz

"Keisha anak gising na"  Isang tinig ng babae ang aking narinig.

"Keisha" Niyugyog niya ako at iminulat ko ng konti ang mga mata ko. Umaga na agad?

"Opo mommy, hindi pa naman late eh" Tamad kong saad.

Wait?

Si Mommy?

Hindi ko siya naaabutan sa umaga ah?

"Anong malalate ang sinasabi mo dyan? Baba kana dinner is ready"  Natatawang ani niya.

"Atsaka nandyan na yung Daddy mo. Kanina kapa hinahanap natutulog ka lang pala dito" Pahabol niya bago niya isarado ang pinto. Napangiwi nalang ako dahil alam ko namang hindi kami ganong kaclose ni mommy dahil daddy's girl talaga ako.

Bago ako bumaba ay naghilamos muna ako at nag toothbrush. Syempre ikikiss ko si Daddy eh hahaha tuwing gabi ko lang kasi siya nakikita dahil maaga siyang pumapasok sa trabaho. Hays.

Bumaba na ako sa hagdan at naririnig ko na ang tawanan sa dining room. Lakas talaga ng boses ni Kuya Russell. Psh. Nangunguna nguna sa pagtawa ng malakas eh.

Starting to FallWhere stories live. Discover now