Keisha's POV
Nakaupo ako ngayon sa upuan ko sa room habang nagkaklase ang una naming teacher ngayong araw. Kahit anong sinasabi nya ay wala akong maintindihan ang tanging nasaisip ko lang ay ang matulog.
INAANTOK AKOOOOO!
Hindi ako pinatulog ng utak ko kagabi dahil dyan kay Leo. Ano ba kasing nasa isip nya? Bakit nya ginawa yon?
'ganyan din sya sa ibang babae'
'pero ikaw palang ang niyaya nya'
'imposibleng ako palang. Friendly syaaa!'
Nagtatalo ang utak ko simula pa kagabi hanggang ngayon. Pero may part na nagsasabi na kailangan kong matulog kasi wasted na wasted talaga ako.
May klase pa si Miss baka mapagalitan ako, kahihiyan nanaman.
'Mag paalam kaya ako mag CR tapos doon ako tutulog?' Kaya lang ang baboy naman kung doon ako tutulog.
'sa canteen nalang kaya?' kaya lang May teacher na napunta din doon eh baka mapagalitan ako lalo at mapunta sa guidance. Time ng klase eh.
Ah alam ko na!
"Nika ang sakit ng ulo ko" hinawakan ko ulo ko para mukhang totoo. HAHAHA.
"HA? wait sasabihin ko kay mam dyan ka muna" nag-aalala na wika ni Nika. Lumapit sya kay miss at may binulog alam ko na naman ito kaya nagsimangot ako kay mam hahaha.
"Gusto mo ba umuwi o sa Clinic nalang Keisha?" Nag-aalala na tanong ni Miss.
"Sa Clinic nalang po Miss" sagot ko.
"Sino ang pwedeng sumama kay Keisha sa Clinic?" Tanong ni Miss sa mga kaklase ko.
"Ako nalang Miss!" Sabay na tumayo at nagsalita si Leo at Gabby.
Nagkatinginan sila sa isa't-isa na tila mo'y naghahamon. Napatingin din naman si Ryan at napairap
'weird'
"Miss si Gabby nalang po" tila may gumuhit na ngiti sa labi ni Gabby dahil sa sagot ko.
Ayaw ko na kasama si Leo lalo lang dadagdag yan sa iniisip ko. Siya na nga ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito eh Aish!
Tumabi sakin agad si Gabby at inalalayan ako. Hanggang sa paglabas namin ay nakaalalay sya sa akin at palihim na nginitian si Leo na parang nang-aasar. Isinarado nya agad ang pinto.
Psh. Baliw talaga to hahaha.
"Alam kong wala kang sakit" pabulong na sabi nya sakin at nagulat naman ako don!
"H-ha?" Nauutal kong sagot.
"Kanina pa ako nakatitig sa'yo at nakita ko ang pabago bago ng ekspresyon mo. Baliw kana ba? Hahaha" natatawa nyang sagot kaya binatukan ko sya.
"Sana hindi ka nalang sumama kung aasarin mo lang rin naman ako" naglakad na ko palayo kasi naiinis lang ako sa kanya. Pagkaganitong inaantok ako nako.
"Biro lang, gusto ko talaga sumama kasi gusto kitang makasama at bantayan" hinabol niya ako at inalalayan ulit.
Hindi ko nalang binigyan ng pansin ang sinabi nya kasi alam kong nang-aasar lang to.
Naglakad lang kami hanggang makapunta sa Clinic. Siguro naman ay hindi na sira to. Naalala ko tuloy nung na lock kami hahaha.
Pagkapasok namin sa clinic ay sinalubong agad kami ng nurse. Tumitig siya samin at parang inaalala ang mukha naming dalawa ni Gabby.
"Kayong dalawa yung nakulong dito diba?" Tanong niya kaya tumango na lamang kami bilang sagot. "Anong ginagawa nyo dito ngayon? Diba oras ng klase?" Sunod sunod na tanong niya.
"Eto po kasing kasama ko masakit ang ulo, kung pwede po sana dito muna kami, nagpa-alam naman po kami sa teacher namin" si Gabby ng ang sumagot.
Buti naman para may dulot yang pagsama nya hmp.
"Oo naman pwede, samahan mo nalang siya doon sa higaan para makapag pahinga na sya. Kukuha ako ng gamot na pangpa wala sa sakit ng ulo mo Keisha" nakangiting ani ng nurse. Ang bait namaaaan hahaha. Ngumiti nalang ako sa nurse bilang tugon.
"Sige po salamat po" inalalayan ako ni Gabby papasok ng kwarto na may higaan at humiga na ako don. Hmmm sarappp! Hindi ko na pinansin si Gabby at pinikit ko na ang mga mata ko.
'mukhang mahaba habang tulugan to ah'
Gabby's POV
Ang sarap ng tulog nya ngayon ah. Hindi ba sya nakatulog kagabi? Ano ba kasing nangyari nung magkasama sila?
Sa totoo lang, nagulat ako nung sinabi nya na ako nalang ang isasama nya. Akala ko si Leo ang pipiliin niyang kasama eh. Nung kahapon nga na sabay silang umuwi parang tinutusok na yung puso ko paano pa kaya kung silang dalawa lang magkasama ngayon dito? Nako buti nalang talaga at ako ang pinili nya.
*KNOCK KNOCK*
Napatingin ako sa pinto dahil may kumatok. Si Nurse lang pala.
"Yvan iwanan ko muna kayo dito ah? Bibili lang ako ng pagkain sa labas" nakangiting sabi ng nurse.
"Sige lang po" nakangiti ding sagot ko. Tumango nalang sya at deretso nang lumabas.
Mag-iisang oras na kami dito sa clinic at hindi ko alam kung ano bang oras magigising to.
'psh antukeeen!'
Napatingin ako sa kanya at laking gulat ko nang makita kong nakamulat na sya.
Letse natakot ako!
Umupo siya sa kama at nag inat ng katawan. Sarap kasi ng tulog eh. Tumingin siya sakin at nagkatitigan lang kami.
DUGDUG•DUGDUG•DUGDUG
Kalma ka lang heart. KALMA!
Nagalaw ang bibig ni Keisha ngunit wala akong marinig. Tanging tibok lang ng puso ko ang naririnig ko.
Napakurap ako at nagulat ng pinitik ni Keisha ang noo ko.
"Hoy! Anong tinitingin tingin mo dyan?" Mataray na tanong ni Keisha.
"H-ha?" Mautal-utal na sabi ko.
"Ano kako ang tinitingin tingin mo dyan?" Inis niyang sabi at parang nawawalan na ng pasensya.
Napaiwas nalang ako ng tingin at nag-isip ng palusot. Haaaays nakakahiya ka!
AHA!
"May panis na laway ka HAHAHA!" Tinawanan ko lang siya ng tinawanan at nataranta naman siyang humarap sa salamin.
"Wala naman eh!" Tumakbo sya papalapit sakin at pinaghahampas ako. Sadista talaga!
"Aray! Ano ba masaket Keisha!" Wala parin siyang tigil kakahampas sakin kaya naman hinawakan ko ang kamay niya at sa hindi inaasahang pangyayari ay napalapit ang mukha niya sa mukha ko.
May gulat sa mga mata niya at nagkatinginan kami sa isa't-isa, tila walang umiiwas sa mga tingin na iyon.
DUGDUG•DUGDUG•DUGDUG
"Bakit ba sa tuwing nakatingin ka sakin nalakas yung tibok ng puso ko?" Wala sa sariling sambit ko.
"Ang lakas ng epekto mo sakin" dagdag ko pa.
"Nagugustuhan na ba kita?" Pahina nang pahina ang boses ko.
"O sadyang gusto na talaga kita"
Katahimikan ang bumalot samin dahil sa pangyayaring at biglang -----
__________________________
AUTHORS NOTE:
Sheeeese Ano kaya ang nagyari?
Dumating ba ang nurse?
May bigla bang pumasok?
O baka may iba pang nangyari bukod doon.Abangan sa susunod na kabanata☺️👋
YOU ARE READING
Starting to Fall
Teen FictionFall in love to the one who loves you more :) One- Sided love hurts unless you see your worth ❤️