Keisha's POVNapatingin ako sa orasan na nasa gilid ng kama ko at laking gulat ko nang malaman ko na alas-tres na pala ng hapon.
Bumangon ako para kuhanin ang cellphone ko at nung kinuha ko yon ay dead batt na pala. Hindi ako nakapag dala ng charger ng pumunta kami sa resort at napasarap ang pag pipicture ko sa dagat.
"Arghhhh!" Naihagis ko ang aking unan dahil sa frustration.
'bakit mo kasi kinalimutan?!'
Madali kong sinaksak ang phone ko at binuksan yon. Binuksan ko ang Wi-Fi kaya naman tunog ng tunog ang notifications ko.
Pumunta ako sa messenger at nakita ko ang 15 messages ni Leo.
'sheeeeeet!'
Leo Tan Halston • active now
~Good morning Keisha.~ready for our first date?
~mag bibihis na ko ha chat nalang kita pag susunduin na kita.
~hi baby girl, bakit hindi ka pa din nag rereply?
~nakalimutan mo ba? 🙁
~mag aalas-syete na Keisha.😖
~I'm still waiting for your reply hihi baka kasi nag-aayos ka pa.
~pupunta na ko dyan sa inyo para sunduin ka ha, wait for me baby girl.
~Keisha nandito na ko sa inyo.
~Keisha?🙁
~You missed a call from Leo Tan.
~You missed a call from Leo Tan.
~You missed a call from Leo Tan.
~ Sige, uuwi nalang ako.
~ Chat mo nalang ako pag gising mo ha?🤗❤️
That's it. 15 messages at pumunta pa siya dito sa bahay. Aish! Nakakahiya!
Agad ko namang nireplyan si Leo.
Keisha Zyn Farrah
~ uhm Leo? Sorry ha kakauwi ko lang kasi. Siguro this afternoon mass nalang tayo mag simba?Leo Tan Halston
~ Ahh wala ka ba sa inyo kanina? Pumunta kasi ako don hehe siguro sunduin nalang ulit kita dyan sa inyo.Keisha Zyn Farrah
~ Ah no wag mo na ko sunduin. Magkita nalang tayo dun sa West Hall. ☺️Leo Tan Halston
~ You sure?Keisha Zyn Farrah
~Oo naman, sige na mag bibihis na ko.☺️Ni off ko na ang phone ko para makapag charge.
Iyon na ang last reply ko sa kanya bago ako nagtatakbo sa Cabinet ko.
Ano kayang magandang maisuot? Hmmm gusto ko naman mag mukhang presentable sa harap ni Leo.
After all crush ko pa rin naman sya eh. AaaAaaaaaaaaA.
Simple Lacoste Polo Dress lang ang suot ko na ni-partneran ko ng Marc Jacobs Hip shot na may Tartan Webbing strap at Keds triple kick canvas na sapatos.
***
Nakita ko na si Leo na nag-aantay sa gilid ng West Hall.
Binilisan ko na ang paglalakad dahil nakakahiya. 3:45p.m. na at hindi ko alam kung anong oras mag sisimula ang misa.
Mukhang nakita naman ako ni Leo dahil tumgin at ngumiti siya sa direksyon ko.
"Sorry I'm late" nahihiyang ani ko.
YOU ARE READING
Starting to Fall
Teen FictionFall in love to the one who loves you more :) One- Sided love hurts unless you see your worth ❤️