Chapter 3

15 5 0
                                    


Keisha's POV

Paulit ulit. Paulit ulit kong syang naiisip. Apat na taon hanggang ngayon ay ito pa rin ang nararamdaman ko.

Dalawang buwan na ang nakakalipas simula noong unang pasukan, Sa tuwing mapapalapit ako sa mga kaibigan ko ay gumagaan ang pakiramdam ko at nawawala sya sa isipin ko.

'tama yan Keisha, apat na taon na yon'

Bigla akong nalungkot dahil sa naisip ko.

'Apat na taon pero nandito pa din yung lamat sa puso ko.'

"Huy Keisha! Ang lalim ng iniisip mo ah?" Patanong na sabi sakin ni Ate Caye.

"H-huh?" Gulat na sagot ko.

Bigla ring napatingin sa akin si Leigh.

"Anong nangyayari?" Takang tanong niya.

"Eto kasi si Keisha ang lalim ng iniisip, Ok ka lang ba?" Nag-aalalang tanong sakin ni Ate Caye.

Pagkatanong na pagkatanong non ni Ate Caye ay biglang bumukas ang pinto sa harap namin. Niluwal ng pintong iyon si Gabby.

Dugdug•Dugdug•Dugdug•Dugdug

Pagtambol ng malakas ng puso ko---- sa gulat ng biglang sumulpot si Gabby.

"Anong nangyari?" Nagtatakang tanong niya.

Ang lakas naman ng pandinig niya? HAHAHA

"Eto kako si Keisha ang lalim ng iniisip, Baka kako may nangyaring kung ano man?" Hindi siguradong ani ni Ate Caye.

"Masakit ba ulo mo?" Nag-aalalang tanong sakin ni Gabby.

"Hindi ah!" Malakas na sagot ko.

"Sus Patingin nga!" Dahan dahan niyang kinapa ang leeg ko.

Nagtaka naman ako sa inasal niya. HAHAHA ang OA.

"Hindi pala ako marunong tumingin kung may sakit hehe" Nahihiyang sabi niya.

'Haha ang cute'

Wait, What!? Erase Erase! Psh.

"Tara nalang sa Clinic!" Yaya niya sakin.

Mabilis naman akong umiling.

"Nako wag na! Mangbubulabog pa tayo don hahaha wala namang masakit sakin eh atsaka hindi rin naman masakit ulo ko" natatawang sabi ko.

"OA kalang talaga" mahinang ani ko haha mukhang hindi niya narinig.

"Tara na! Wag kanang mag inarte" pagpupumilit  na sabi niya at hinila ako palabas.

Taka naman akong lumingon kila ate Caye at Leigh at taka din silang tumingin sakin.

'Ano ba kasing nangyayari dito?'

~

Lakad takbo niya akong hinila sa Clinic kaya't pagdating don ay naupo muna ako kasi syempre nakakapagod Fourth Floor pa yung room namin at Ground Floor naman itong clinic. Si Gabby naman ay naupo din sa tabi ko.

"Nurse?" Tawag niya sa nurse. Ngunit walang nalabas na Nurse.

Biglang sumarado ang pinto ng clinic pero hindi na naming ito binigyan ng pansin.

"Nuuuurse" Tawag niya ulit dito ngunit wala pa ring nasagot. Kaya naman tumayo na siya at tinignan ang isang room sa clinic. Dalawa kasi yon may pader lang na hati sa gitna bilang harang at may isang pinto.

Starting to FallWhere stories live. Discover now