Chapter 4

18 5 1
                                    


Leigh's POV

So, this is my first POV. Kaya magpapakilala muna ako.

I am Normeleigh Monterial, you can call me Leigh. Ako ang astigin na kaibigan ni Keisha. Hindi nagpapatalo, warfreak kung minsan. Kasi naman, Some people here are baduy and engot. Grr. Isa ako sa malinis at syempre magandang tao dito sa school. Ayoko sa madudumi kasi Just eww.

Papatalo ba naman ako? Syempre may boyfriend ako. He's so damn cool. And I love him so much. Siya lang naman ang nag-iisang Jan Kiefer Cruz.

So back to reality.

Nandito ako ngayon sa aming room. Kakatapos lang ng 3rd period namin ngayong umaga. Kasama ko si Ate Caye pero pansin ko lang para siyang balisa.

"Ate Caye are you okay?" Nag-aalalang tanong ko.

"Kanina pa kasi wala sila Keisha. Ano kayang nangyari sa kanya?" Nag-aalalang sambit niya.

Kanina, pansin ko lang ulit hehe andami ko kasing napapansin eh. So kanina nga parang may something kay Gabby? He's so OA haha yun lang.

"Kasama naman niya si Gabby,
Speaking of Gabby may napapansin kaba sa kanya kanina? Parang alalang alala siya kay Keisha eh. May something ba sa kanilang dalawa, hmm?" Sunod-sunod na tanong ko.

"Wala naman akong napapansin, baka sadyang nag-aalala lang siya. Kahit naman kasi ako mag-aalala sa kinikilos niya. Mukha siyang balisa" Nag-aalala ulit na sabi niya.

Bakit parang ako lang ang nakakapansin ng something na yon?. Hays hayaan na nga lang.

"Wag kana mag-alala dyan, mamaya pupuntahan natin sila sa clinic para hindi kana mag-alala" Nakangiting sabi ko.

Ngumiti lang siya sakin at sabay naming inantay ang sunod na teacher namin. Lumipas ang ilang minuto at dumating na din ito.

Tiktok•tiktok• tiktok (Orasan)

Isang oras na ang lumipas at pupunta na sana kami sa Clinic ng harangan kami nila Ryan, Annie at Riona.

"Nakita niyo ba sila Keisha at Gabby?"  tanong ni Ryan. Isa pa tong OA.

"Kanina pa sila wala eh. Nag-aalala na kami" Nag-aalalang sabi ni Annie.

"Ang OA nyo, baka pinatawag lang ng Teacher" Walang pakialam na sabi ni Riona.

"Nasa clinic sila" Nag-aalalang sagot ni Ate Caye.

Tsk. Riona I feel you. Ang OOA nga talaga nila.

"HA!? CLINIC!?" Sigaw ni Annie at ni Ryan.

"Bakit anong nangyari?" Tanong ni Riona.

"Pupuntahan nga sana namin kaso humarang kayo. Tara na lang kasi don hindi yung tanong kayo ng tanong" Sabi ko at nagpauna na akong maglakad. Ramdam ko namang sumunod na sila kaya hindi na ako nag-abalang lumingon pa.

Third Floor
~
Second Floor
~
Sawakas nandito na kami.

Wait, sarado?

Sarado yung clinic.

"Sarado naman yung Clinic" Bored na sabi ni Riona.

"Try nyo kayang ichat" Suhestiyon ni Annie.

"Nasakin yung mga cellphone ni Gabby eh" Sagot ni Ryan.

"Nasakin din yung kay Keisha,, Paano na yan?" Sabi ni Annie.

"Baka nga may inuutos lang yung teacher sa kanila" Dagdag na ani ni Riona.

"Antagal naman yata?" Nag-aalala na talagang ani ni Ate Caye.

"Baka madami kasing inuutos" Sabi ko.

"Oo nga, tamana yang pag-aalala niyo. Tara nalang sa Canteen" Sang-ayon sa akin ni Riona.

Naglakad na kami papuntang Canteen. Nagtatawanan. Pero halata pa rin sa mukha nung tatlo ang pag-aalala.

'Nasan na ba kasi kayo Keisha at Gabby?'

Gabby's POV

Nakatulog si Keisha kakaiyak. Halos dalawang oras na din kaming nandito sa loob ng clinic at wala man lang na dating na teacher o kaya naman ay nurse.

Nakatitig lang ako sa maamong mukha ni Keisha Zyn.

Sana pala hindi ko na tinanong. Akala ko tuluyan na siyang naka move on sa kanya. Akala ko wala na lang yun sa kaniya. Pero mali pala ako. Mali kami. Yung tawa niya habang kasama kaming kaibigan niya ay peke. May masakit pa rin siyang nararamdaman.

'Mahal mo pa ba talaga siya?'

Parang pinisil ang puso ko sa isiping iyon.

Napapikit ako at dinama ang sakit.

Nang magmulat ako ay saktong napatingin muli ako sa mukha niyang parang walang pino-problema dahil sa mahimbing niyang pagtulog.

Napatitig ako sa mukha niya. Hindi ko namalayan na kusa na palang gumalaw ang kamay ko para hawakan ang buhok niya, pababa ng kilay niya. Ang ganda niya talaga. Kasunod noon ay sa ilong niyang hitik sa tangos. Ang cute haha. Sumunod ay ang mapupula niyang pisngi.

Napatigil ako at napatitig sa mapupula niyang labi. Dahan dahan akong lumapit doon.

Napatigil ako ng ilang segundo.

Pinagpatuloy ko ang paglapit, Paglapit sa kaniyang tainga at bumulong.

"Sana ako nalang" Mahinang sambit ko sa tainga niya.

"Hinding-hindi kita magagawang saktan" Dagdag ko pa.

Boogsh

Nagulat ako ng may biglang kumalabog sa pinto. Sa sobrang lakas noon ay nagising si Keisha.

Parang nagliwanag ang mga mata namin ng makita namin ang nurse na may kasamang lalaki.

Sa tingin ko ay iyon ang mag aayos ng pintuan.

Salamat naman at makakalabas na kami dito. Mukhang nagulat pa ang nurse ng makita kami.

"Anong ginagawa niyo dito?" Takhang tanong ng nurse.

"Ah nurse na lock po kasi kami dito. Hindi po namin alam na sira po pala yung pinto" Magalang na sabi ni Keisha kaya napangiti ako.

"Kanina pa kayo dito?" Tanong nung nurse.

Sabay kaming tumango ni Keisha.

"Dalawang oras mahigit na po kaming nandito, diba Gabby?" Tanong sa akin ni Keisha.

"Eto nga po at kanina pang gutom itong kasama ko" pabirong ani ko.

"Gutom na kayo. Halina kayo at kumain muna kayo baka malipasan pa kayo ng gutom." Yaya sa amin nung nurse.

Tahimik kaming sumunod sa nurse at hihikab hikab naman si Keisha.

'Ang cute niya'

Masaya kaming kumain at natapos naman agad.

Agad din kaming pumunta sa room at nadatnan namin na magkakasama sila Ate Caye, Leigh, Ryan, Annie at Riona.

At nung nakita kami ni Ryan ay agad siyang pumunta sa amin at hinawakan ang balikat ni Keisha.

Napataas ang kilay ko ng dahil don. Nang tumingin naman sakin si Ryan ay ngumiti din ako agad.

"Saan kayo nanggaling ha?" Mataas ang boses na tanong niya kaya't medyo nagulat pa kami ni Keisha.

Nagkatinginan nalang kami ni Keisha at natawa sa reaksyon ni Ryan.

Pero sa isip isip ko.

'Mukhang may isa pa akong karibal'

_______________________________
AUTHORS NOTE:
Sino ang mas gusto nyo?
Keisha>< Gabby?
Keisha><Ryan?

Thank you for reading my story!
Sana nagustuhan nyo hihi❤️

Starting to FallWhere stories live. Discover now