Keisha’s POV
Naramdaman kong hinawakan niya ang braso ko pero wala akong magawa. Nanghihina ako sa presensya niya.
‘akala ko nakalimutan ko na siya’
Napatingin ako sa mga mata niya at may nakita akong kinang doon o baka naiisip ko lang yon dahil sa matinding pagkamiss ko sa mga mata niya.
“Keisha!”
Natinang lamang ang pagtititigan namin ng may biglang tumawag sa pangalan ko.
“Keisha nandyan ka lang pala! Kanina ka pa tinatanong sakin ni Gabby” ani ni Denver ng tumingin ako sa kanya.
“Ay may kausap ka pa pala hehe sorry sa abala” naiilang na sabi niya habang nakatingin sa kamay niyang nakahawak sa braso ko.
“A-ah hindi Denver sasabay na ko sayo” Nakikiusap na sabi ko kasama ng mga mata ko.
‘sana ay na-gets niya dahil gusto ko ng makalayo sa taong nasa harapan ko ngayon’
Tangkang aalis na ko ng higpitan niya ang pagkakahawak sa braso ko. Pilit ko itong tinatanggal ng bigla siyang magsalita.
“Keisha can we talk?” namiss ko ang boses niya.
Hindi na ko nakasagot dahil inaalala ko ang boses nakapag patibok ng puso ko nang napakabilis.
Napatingin sakin si Denver at napatitig saglit kay RC bago umalis.
“Keisha please, Give me atleast 5 minutes of your time. Just 5 minutes.” Nagmamakaawa niyang sabi.
Natauhan lamang ako ng bahagya niyang paghigit sa braso ko. Inagaw ko ito ng mabilis para hindi na niya ko mahawakan pa.
“Wala na tayong dapat na pag-usapan pa RC” buong lakas kong sambit. “At wag na wag mo na kong hahawakan ulit” pagpigil ko noong hahawakan niya ulit ako.
“Keisha please let me explain” Pagmamakaawa niya.
“Ano pa bang ipapaliwanag mo ha!?” Pagsigaw ko sa kanya.
“Malinaw na sakin yon lahat! It’s been 4 years Calix! 4 years.” Madiin kong sambit. Napatigil ako at napatingin sa malayo. Hindi ko kaya ang titig niya. Para akong hinihigop ng mga mata niya.
Mali to Keisha, mali. Dapat wala ka ng nararamdaman sa kanya. Iniwan ka niya dati diba? Wasak na wasak ka non na halos mapabayaan mo na yung sarili mo. Diba nanliligaw sayo si Leo? Siya yung magiging dahilan mo para makalimutan ang taong nasa harap mo.
Akmang hahawakan ulit ako ni Calyx ng bigla itong napatigil. Ilang Segundo ang nakalipas bago ko maramdaman na may umakbay sa akin.
”Love bakit ka pa nandito?” G-gabby?
Napatingin ako sa kanya ng nagtataka at ngumiti lang siya sakin bago tumingin sa kausap ko.
“Wait, parang familiar ka?” Nakangiti pa ding ani ni Gabby. At nilagay ang isang kamay niya sa ulo niya na parang nag-iisip. (Naka akbay pa din kasi siya sakin)
Napatingin ako kay Calix at halata ang pagkagulat sa mga mata niya. Kung kanina ay kitang kita ang lungkot sa mga mata niya, ngayon naman ay wala itong ka ekspresyon ekspresyon.
“Ah naaalala ko na! Ronniel right? Ronniel Calix Gonzaga?” Nakangiti pa ring sabi nito na para bang wala lang sa kanyang makita ang dati niyang kaibigan. “Yung nanak---“
Naputol ang sasabihin niya nang kinurot ko siya sa tagiliran at masama ko naman siyang tinignan.
‘Hayp na yan napakadaldal naman neto’
YOU ARE READING
Starting to Fall
Teen FictionFall in love to the one who loves you more :) One- Sided love hurts unless you see your worth ❤️