Keisha's POV
"ano ba yung sasabihin mo ha Gabby?"
Tumingin siya saakin at hinawakan ang kamay ko.
"kung pwede lang sana Keisha" nahihiyang ani niya.
"Alin ba kasi yun?" Nagtatakang tanong ko.
"Pwede bang makapartner ka?" sabi niya sabay kamot sa ulo.
Makapartner saan? May program ba sa school? Acquaintance Party? Masquerade?
Natigil ang pagtatanong sa utak ko ng bigla syang nag salita ulit.
"Kasi bukas na yun, kasal ng pinsan ko bukas. Eh yung kapartner ko sana eh nagkasakit kaya di na siya makakapunta kasi malayo yung lugar na pagkakasalan" mahabang eksplenasyon niya.
"H-ha? B-bakit ako?" Gulat na tanong ko at nanatiling nakabukas ang bibig ko.
"Eh ikaw ang gusto ko ih" nakangiting sagot niya sa tanong ko.
Lalo akong napanganga sa sagot niya.
"H-ha?"
Natawa naman siya sa reaksyon ko.
"Yep, ikaw kasi ang gusto ko-" tumigil siya sa pagsasalita at parang nang-aasar ang tono niya. "ang gusto kong makapartner kasi alam kong hindi papayagan si Annie. May gagawin naman si Riona. Si Angeline naman hindi ko macontact. At nagsabi na rin ako sa mommy mo, pumayag siya kaso magpaalam ka muna sa daddy mo" nakangiting paliwanag niya at tinapik ang ulo ko.
'tss di naman ako aso'
Para namang no choice na sya kasi lahat sa tropa bawal at ako lang pwede. Badtrip ah!
"So eto na yung susuutin mo, try mo kung kasya at dadaanan na kita mamaya dito kasi aalis na tayo. Ihanda mo na yung mga susuutin mo. Wag kana mag tantrum dyan at pumayag ka naman na kanina diba diba?" inabot niya sakin ang hawak niyang paper bag at umalis na.
Kaila ako pumayag? Wala naman akong maalala na may sinabi sya at pumayag pa daw ako? Huhhh?
Ngayon na talaga agad agad? Paano yung school? Paano si Leo? Sabay pout ko at nag papadyak.Wtf yun na yon? Ni hindi pa nga ako umo-oo eh! Bwisit ka Gabby kahit kalian ka talaga!
Nagpapadyak pa ko sa labas bago ako pumasok sa loob ng bahay.
"DADDYYYY!" Tawag ko okay daddy para mag paalam.
Matapos kong magpaalam ay tumakbo nako sa kwarto para sukatin itong binigay ni Gabby na susuutin ko daw sa kasal.
'nakakapagtakang kasyang kaysa ito sakin, para bang sinukat mismo ito sa katawan ko'
Nagtataka ma'y hindi ko na binigyang pansin dahil wala na akong oras. Mamaya ay nandito na si Gabby para sunduin ako.
Nag –ayos na ako ng gamit ko at kakaunting damit lang ang dinala ko. Siguro nama'y pagkatapos ng reception ay uuwi na din kami.
Nag antay lang ako ng ilang minute at may bumusina na sa labas alam kong sila Gabby na yon kaya bumaba na ako kasama ang bag na dadalhin ko. Dumaan muna ako sa kwarto nila Daddy para mag paalam na aalis na ako. Binigyan nila ako ng pera at binilinan ng kung ano ano. Mag-iingat din daw ako. Syempre alangan naman na pabayaan ko sarili ko.
Hinatid nila ko palabas ng gate at niyakap ko sila bago umalis.
Ano ba yan parang alam na nila talaga at ako lang ang clueless? Tsk kainis.
"Gabby ikaw na bahala kay Keisha ha?" makahulugang sabi ni mommy
Para namang buong taon akong aalis na kasama si Gabby eh bukas naman babalik na din kami agad.
YOU ARE READING
Starting to Fall
Teen FictionFall in love to the one who loves you more :) One- Sided love hurts unless you see your worth ❤️