Chapter 17 - With Him! With Her! !~~WAH~~! (Part 3)

43 1 0
                                    

Chapter 17

With Him! With Her! !~~WAH~~!  (Part 3)

[Rani’s POV]

Anak ng palaka! Gabi na! Di na kami nakapagpractice at lahat! Nasan na ba kasi yung dalawang yun? Inutusan ko lang naman si Harold na sunduin si Gale dahil itong is Toby eh nangungulit. At isa pa, pilit ko ring pinaaamin tong sila Anya kung bakit parang may World War sila ni Kyle.

“Nasan na ba sila?” tanong ni Toby.

“Kanina ko pa tinatawagan si Jam eh. Cannot be reach eh. Sino ba may number ni Harold?”

“Wala ako eh. Kayo ba guys may number ni Harold?”

Kyle ----> =_____=

Anya -----> ._____.

Ay sus! Wala ito! Wala kaming mapapala sa dalawang toh. Parehong tulala eh.

“May idea ko. Tara, Rani, hanapin natin sila. Dala ko yung kotse ko. Osya, maiwan muna naming kayo. Halika, Rani.”

“Eh?”

Bago pa ko makapagreklamo eh hinila na nya ko palabas ng apartment.

[Gale’s POV]

Malalim na ang gabi. Nakahiga na kami pareho ni Harold. Sya sa right side ng bonfire, ako sa other side.

Grabe tong lugar na toh! Nakakatakot! Parang anytime eh pwedeng may lumitaw na kung anong klaseng halimaw dito. Puro pa naman puno at damo ang nasa gilid ko. Baka may tyanak pa dito or kapre or tikbalang. O baka naman may bampira dito. Kung kasing hot sana sya ni Edward Cullen eh magvo-volunteer pa ko, eh pano kung mukha syang lasing na sanggano. No way!

~crack crack~

WAH! What the hell is that? Parang may tumunog sa gilid ko. Sa may gawi ng damuhan. Brr. Scary!

~brk brk~

AH! Ano ba kasi yun?! Nakakatakot! Baka bigla na lang may dumamba sakin dito.

~krik krik~

Shit! Langya! Ano ba?! Wala namang ganyanan, Mother Nature. Pramis, aalagaan na kita. Di na ko magtatapon ng basura kung saan-saan, wag mo lang akong ipalamon sa mga wild animals. Please!

~bam bam~

“WAAAHH!” 

Tumayo ako at nagtatatakbo papunta kay Harold.

“Harold! Harold, gising!”

Niyugyog-yugyog ko sya sa balikat, pero di pa rin sya magising. Aneebeeee…?! Kahihiga lang naming pero nakatulog na sya agad? Eh para palang mantika kung matulog ang isang toh eh. =________=

“Harold!”

Mas lalo ko pa syang niyugyog. Kaya lang, waepek.

~crack crack~

“WAH! HAROLD! ANO BA?! GISING!”

“Manahimik ka nga? Pagod ako. Matulog ka na nga lang dyan.”

“Eeeeehhh… di mo ba naririrnig?! MAY KUMAKALUSKOS! WAAAAAH! May kung ano dun!”

“Pano ko naman maririnig yun eh puro bunganga mo langa ng naririnig ko. Ang ingay!”

!~~BAM~~!

Binatukan ko nga. Nanginginig na nga ako sa takot dito tapos pipilosopohin pa nya ko. Mas lalo akong naaasar.

Who Is She? Who Is He? {HIATUS}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon