Chapter 19 - The Finding

44 1 0
                                    

Chapter 19

The Finding

[Kyle’s POV]

*haching haching!*

*ubo ubo ubo!*

“Hay naku bata ka! Bakit ka ba kasi nagpa-ulan kagabi?! Naku! Tiyak pagagalitan ka nila mama!” pagsesermon sakin ni ate.

“Ate, pwede ba, iwan mo muna ko. Sigaw ka ng sigaw eh. Masama pakiramdam ko. Lumabas ka muna, please.”

“Haist! Fine! Ipagluluto na lang muna kita ng mainit na sabaw. Pasalamat ka wala dito sila mama, kung di, naku! Mas marami ka pang sermon na aabutin! Sige na, magpatuyo ka dyan.”

Palabas na sana si ate ng kwarto kaya lang may pahabol pa syang sinabi bago tuluyang lumabas.

“Pasalamat ka rin wala akong balak magsumbong.”

Ngumiti ako and I mouthed thank you.

Yan si ate Kyla. Mas matanda sya sakin ng five years. Ate ko yan, since birth. =_____=

Mabait minsan, may period madalas. Buti nga ngayon wala eh.

*haching haching haching!*

*ubo ubo ubo!*

Haist!

Langya! Magkakasakit pa ata ako. Wag naman! Malapit na gig namin.

Ang sakit ng ulo ko. Para kong lalaganatin. Ang init ng pakiramdam ko. Inuubo ako at sinisipon. Pero ang pinakamatindi sa lahat ng sakit na nasagap ko ngayon, eh yung sakit ng puso. Ganto ko na ba talaga kamahal si Anya at sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon?

Naalala ko yung mga sinabi nya.

Kyle, tama na.

Stop saying you love me!

Kyle, wag na lang ako.

Di kita mahal.

Tell me all you said is a lie.

It is not.

Ang sakit eh! Pota! Ang sakit! Sobra! Di ko alam na masasaktan pala ko ng ganito. Sa simula pa lang, alam ko nang di nya ko mahal, na di nya ko gusto. Pero iba pala kapag sa kanya nanggaling. Masakit. Shit, man!

Dati, pinaglalaruan ko lang ang mga babae, sinasaktan at iniiwan, di ko alam na masasaktan din pala ko ng ganito. I thought I am tough. I thought I am strong enough. Di pala. Kasi ngayon, para pa rin akong batang pinagkaitan ng kendi. Umiiyak at nasasaktan.

Bakit ba, Anya? Anong ayaw mo sakin? Mahal kita eh. Mahal kita. Shit!

Nitong mga nakaraan, din a ko masyadong nakikipagkita sa kung sinu-sinong babae. Di  na ko lumalabas kasama sila. Di na ko pumupunta sa mga bar kahit iniimbitahan pa nila ko. Tinigil ko lahat ng yun. Tinigil ko ang pagiging playboy ko.

Para kay Anya.

Para makita nyang I can change for her. I can change for the better just for us to be together.

Pero wala pa rin. Di pa rin ako nagtagumpay, kasi in the end, nasaktan din ako.

All those things I sacrificed, all those shit, walang kinahinatnan.

Lahat ng sinakripisyo ko, nauwi sa wala. Masakit!

Bigla na lang tumulo ang luha ko.

Bwiset naman eh!

Who Is She? Who Is He? {HIATUS}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon