Chapter 26 - Nighttime (Part 1)

50 1 0
  • Dedicated kay all na nagtsagang maghintay
                                    

Chapter 26

Nighttime (Part 1)

[Gale’s POV]

“NO BOYS ALLOWED DITO!” sigaw ko sa dalawang lalaking nakahiga na ngayon sa kama namin. Linchak talaga! Trespassing ang mga toh ah! Meron naman kasi silang sariling kwarto!

But oh well, sabi nga nila nandun sila Anya. Ayaw rin naman naming istorbuhin yung dalawa. Malay nyo, chance na nilang magkabati ni Kyle. TIWALA LANG!

“San nyo kami balak patulugin? Sa labas? Sa dalampasigan?” tanong ni Harold. Pilosong lalaking toh!

“EWAN! Basta hindi dito!” sigaw ko naman.

“HOY TOMBOY NA GEEK! KUNG MAKAASTA KA PARANG IKAW MAY-ARI NITONG HOTEL AH!” he shouts back. Wala talagang galang sa babae toh! Asar!

“Oh hinay pre, hinay. Maghunos dili ka. Chillax,” sabi naman ni Toby kay Harold.

Yan! Ganyan! Pigilan mo yang kaibigan mo! Baka di ako makapagpigil masipa ko yan sa lugar na pinaka-iingatan nya. *evil grin*

“Ok. Ok. Relax lang guys ok,” humirit na po si Commander Rani. At pag si Commander ang nagsalita, BATAS! Sya tiyak ang masusunod.

Oh Rani, please be good to me! Kampihan mo naman ako oh. Wag mong hayaang dito matulog ang mga lalaking yan. Lalo na ang pervert na si Harold. Please, please! Wag kang pumayag! *sign of the cross*

“Lahat naman tayo dito ayaw maistorbo sila Anya kaya nga dito tayo nagsisiksikan sa iisang kwarto eh,” sabi ni bespren. “So baka kahit ngayon araw lang sakripisyo muna. Jam, hayaan na lang natin sila dito matulog. Kilala ko yang mga yan. Di yan mga rapist. Kaya –”

“Tss. Kahit rapist ako, di ko pag-iinteresan yang geek na yan. Ini-imagine ko pa lang na katabi ko yan sa kama naduduwal na ko. EEK!” pabulong sa sabi ni Harold pero rinig na rinig naman namin. Sarap nya talagang patayin. =___________=

“Shut up, Harold. Can’t you see? I’m explaining something here,” sabi ni Rani.

Belat! Pahiya ka ngayon. At anong sinasabi nitong nakakaduwal?! Sino?! AKO?! KAPAL AH! MAS MAKAPAL PA MUKHA NYA KESA SA KURIKONG KO SA PAA! And for his information, MAS AYOKONG MAKATABI SYA! PERVERT YAN EH!

“Ok. So where was I?” tanong ni Rani.

“Sa puso ko,” banat naman ni Toby sabay kindat.

“CHE!”

Alululu~ Is it just me or talagang nagblush si Rani? OMY! Parang may something na nangyayari ditong di ko alam ah. Bakit di kami informed? :”>

“So, ayun nga. AY NAKO TOBY! ISA KANG MALAKING DISTRACTION!” sigaw nya nung napatingin ulit sya kaya Toby. Nakangiti kasi ito ng nakakaloko sa kanya.

Is there something going on between those two? I wonder.

“So ayun,” pagpapatuloy ni Commander. “Para sa mga kaibigan nating may problema baka naman pwedeng sacrifice oh. Kahit ngayon lang. Jam, dito na lang sila matutulog. Wala namang ibang pupuntahan ang mga yan eh. Kawawa.”

“Nice one!” sigaw nila Harold at Toby sabay talon sa kama.

HUWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAT?!

I thought Rani is my friend? Bakit nya ipapahamak ang pagkababae KO at PATI NYA dito sa mga lalaking mukhang manananggal na toh?! I mean, seriously?! Dito talaga matutulog ang mga yan?! The heck! I’d rather not sleep. Parang kwago lang, di matutulog. KRUU KRUU! 0.0

Who Is She? Who Is He? {HIATUS}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon