Chapter 18 - The Leaving

57 1 0
                                    

Chapter 18

The Leaving

[Anya’s POV]

Nandito kami ngayon sa isang park. May playground. May mga bench. May fountain na sa sahig lumalabas yung tubig. Maraming mga halaman sa paligid. Pero walang katao-tao. Gabi na kasi.

Time check: 11:00 pm

Naglalakad lakad kami ngayon. Napaka-awkward. Neither of us dares to speak. Nakakailang sya.

Naalala ko tuloy dati, nung di pa kami ganto. Noong wala pang complications. Noong di pa nya sinabing mahal nya daw ako.

Madalas kaming magkasama noon. Actually, mas madalas ko pa nga syang kasama kesa kela mama, papa, at mga kapatid ko. Partners in crime kami nyan. Lahat ng kalokohan alam namin. Pero mas maloko nga lang sya.

Naranasan pa nga namin dati na di umuwi sa kanya-kanyang bahay for three days dahil sinusundan kami ng stalker nyang may pagka-psycho. Baliw ata yung babaeng yun eh.

~Flashback~

Tumunog ang bell, senyales sa tapos na uwian na. Agad nagsilabasan ng classroom ang mga kaklase ko bago pa man mag-goodbye ang teacher namin. Ganun talaga sila. Nakaugalian na eh, lalo na tuwing Friday. Nag-uunahan sila sa paglabas. After class kasi eh magdo-dota pa daw sila.

Paglabas ko, nakita ko si Kyle na naghihintay na sakin sa school gate, nakasandal sya sa wall. Tumakbo ako papunta sa kanya.

“Tara na?” pambungad na tanong nya.

Lagi kasi kaming sabay umuwi. Madalas eh bago kami umuwi eh kung saan-saan pa kami dadaan. Sa 7/11, mall, shops, park, at kung saan-saan pa. Hinhatid nya rin naman kasi ako pauwi.

“Tara,” sabi ko.

Nagsimula na kaming maglakad. Wala pa kasi syang kotse kaya naglalakad lang kami or nagko-commute.

“Daan muna pala tayo sa school supplies store sa may kanto,” sabi nya.

“Ok.”

~sa school supplies store~

Bumuli sya ng mga gamit para daw sa project na gagawin nila. Pagkatapos nyang magbayad eh umalis na rin kami.

Habang naglalakad…

“Anya, napapansin mo ba yung babae sa likod natin?”

“Sino?”

Pasimple akong lumingon sa likod at may nakita akong babaeng naka-hat at may haway na camera. Tsk. Kaduda-duda ang kinikilos. Kaduda-duda din ang suot. Kapareho ng uniform naming ang suot nya pero may hat sya at leather jacket na may fur.

“Kanina pa yan sumusunod sa’tin eh.”

“Anong sa’tin? Ikaw lang ang sinusundan nyan.”

Masakit mang isipin pero heartthrob ang ungas na toh sa school. Marami syang stalker. Maraming nagiging girldfriend pero madalas eh di seryoso. Laru-laro lang. Gago rin talaga tong kaibigan ko eh.

“Nakaktakot sya. Parang mananakmal. Brr. She gives me chills.”

“Tss. Chills ka dyan. Buti nga nag-aabala yung taong i-stalk ka eh. Kung ako dyan baka mas pinagka-abalahan ko pa ang pag-assassinate sayo.”

“Tss. Talaga lang hah.”

Lumingon ulit sya sa likod.

“WAAAH!” bigla syang sumigaw.

Who Is She? Who Is He? {HIATUS}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon