Chapter 12 - New Feeling? (Part 3)

73 2 2
                                    

[A/N: eto na po ang UD.. salamat sa mga naghintay...

dedicated to sayo, my friend... salamat sa pagbabasa :)))

Good bless! Kamsa hamnida! :DD :*

eto na nga po pala yung nangyari kela Gale/Jam at Harold...

ENJOY EVERYONE!

mahaba-haba po toh.... :)))

check out the multimedia, guys]

---------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 12

New Feeling? (Part 3)

[Gale’s POV]

Ni-lock ko yung pinto. Niladlad ko yung t-shirt. Ano ba toh? Masyadong malaki. Ano ba size ng isang yun? Pinahiram nga ako pero para naman akong lalamunin ng buhay ng t-shirt nya.

Pero walang magagawa. Baka lalo pa nya kong manyakin pag sinuot ko pa rin tong t-shirt kong basang basa.

Lumabas ako ng CR. Wala na si Harold kaya pumunta ko sa sala. Nakahiga sya sa sofa. Nakataas yung paa at yung dalawang braso nya yung ginawa nyang unan.

“Harold. Harold. Uy. Harold, gising. Uy. Ham roll. Gumising ka. Uy.” Yinugyog-yugyog ko yung braso nya. “Harold. HOY!”

“WAH!”

“WAAAAH!” Sa sobrang gulat ko napatalon ako at napaupo sa floor. Yung eyeglass ko tumilapon. Agad agad kong ginulo yung buhok ko at tinakip sa mukha ko. Baka makilala ko ni Harold! >____<

“Uy. Anong nangyari sayo? Bet ka naka-upo dyan?”

“H-hah? Ah… Wala… Yung salamain ko… Nakita mo ba yung salamin ko? Tumilapon eh… Nandyan ba? Yung salamin ko nga… pakihanap naman… uy… baka nakita mo.”

“Anong salamin? Ah… Oh…”

Inabot nya sakin yung salamin. WAH! Muntik na yon! >______<

Mabilis pa sa alas kwatro kong sinuot yung eyeglasses at tumayo.

“Nasan na sila Rani?” tanong ko nung napansing parang wala ng tao sa apartment bukod saming dalawa.

“Ah. Si Kyle nagtext na dederesto uwi na daw sila ni Anya. Si Toby naman umuwi kasabay si Rani.”

“WAH! Anong umuwi na? As in umuwi na talaga. Umuwi na silang lahat? Pati si Rani?”

“Oo.”

“WAH! Anak ng pancake! Bakit naman ako iniwan ng isang yon?! Patay sya sakin! Patay talaga! Totally dead! Excuse me.” Lumayo ako kay Harold at kinuha ko yung cell phone ko at tinawagan ang aking BESPREN!

kring... kring

Naka-ilang ring na pero walang sumasagot. Naku, Rani! Pag di ka sumagot talagang papaslangin na kita! Lagi nya kasi akong hinahatid malapit sa bahay namin, syempre patago na lang akong naglalakad papasok. Sya lang naman kasi ang may alam ng true identity ko. Ayoko ko namang mamasahe. Marami kayang nababalitang nire-rape. Mahirap na. Tapos, tapos…

TAPOS NGAYON IIWAN NYA KO DITO?! pano ko uuwi?

“Hello?”

“RANI!”

Who Is She? Who Is He? {HIATUS}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon