Chapter 3 - Open Up Stranger

78 2 0
                                    

Chapter 3

Open Up Stranger

[Gale’s POV]

“BITAW SABI EH!”

Nandito na kami ngayon sa isang unknown place. Medyo malayo toh sa park. Lokong lalaking toh. San ba nya ko dinala?

Binitawan na ni boy camera yung wrist ko. Pinatong nya yung kamay nya sa tuhod nya. Hingal na hingal ang isang toh. Sino ba namang hinde?! Maski ako hingal eh.

>.<

Loko sya! Kasalanan nya yan kung bakit sya pagod. Topak sya! Saltik!

“Kala ko mahuhuli na ko ng babes ko”

Babes?! Crush lang nya babes agad?! Sira pala toh eh.

Tiningnan nya yung mga pictures nung babae dun sa camera nya. Grabe! Lahat talaga ng angles meron. Lahat ng scenes meron. Merong kumakain yung girl, merong tumatawa, nakangiti, umiinom, simpleng nakikipag kwentuhan lang, lumalakad papasok ng university, nakasakay sa tricycle…

Teka. Pano nya nakunan yun ng hindi blurred?!

=___=

Bilib ako sa kanya. Lahat kayang gawin para sa mahal nya. Kahit ata patamblingin mo toh eh ayus lang sa kanya. Kahit imposilble nagawa nya. Kunan daw ba yung girl habang nagzi-zip line! Panu nya nagawa yun? Buwis buhay na toh pre!

Ang totoo, maganda naman yung babae. Mahaba at kulot ang buhok. Maputi at makinis. Yun nga lang…..

Wala pa rin tatalbog saken. Bwahahahah… pagbigyan nyo na ko. Ang kumontra mukhang tropilo!

“Buti marami-rami na rin akong nakuhang pictures,” bulong nya.

“Ano ka ba? Bet mo ba inii-stalk yung babaeng yun?” alam ko naman talaga kung ano isasagot nya eh, nagtanong pa ko. >.<

“Mahal ko eh. Pagmahal mo lahat handa mong gawin. Magpapakatanga ka. Magpapakabaliw. Magpapaka-alipin. You’ll do stupid things. Kahit nga kalabanin ang mga Mogadorians gagawin mo eh.” Nakangiti nyang sabi habang nakatinging sa malayo at hinihingal pa rin.

Napangiti naman ako. “Napanuod mo rin pala yung I am Number Four?”

“Eh?” Napatingin sya bigla saken. “Ah. Oo. Ganda nun di ba?” nakangiting tanong nya.

“Naman! Nabasa mo rin ba yung book?” tumango sya. “nabasa mo yung book 2? Yung The Power of Six?”

“Oo naman.”

“Kaya lang ayaw ko yung nangyari sa book 2 eh. Ayaw ko sa love team nila John at Six. Gusto ko sana sila Six at Sam.”

Tumawa sya ng malakas. “Sang-ayon ako dyan.”

Natahimik kami sandali. Luminga-linga ako. Teka nasan na nga ba kame?

Tumingin ako sa kanya.

Gwapo naman tong isang toh eh. Matangkad pa. Nasa 6'0” siguro ang height. Tall, dark, and handsome kumbaga. Nag papaka-obsess nga lang sa isang babae.

“Gutom ka?”

“Ay gold fish!”

Nagulat naman ako nung nagsalita si… si…

Teka. Sino nga toh? Hala! Di ko pa pala kilala tong taong toh.

“Teka lang. Sino ka nga pala?” nagkamot ako ng ulo.

Who Is She? Who Is He? {HIATUS}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon