Chapter 27 - It's Her

46 1 0
                                    

Chapter 27

It’s Her

[Toby’s POV]

Umaga na at nagpunta na kami dito sa lugar ng debut nung apo ni Mr. Lolo (tawag yan Jam dun eh, nahawa tuloy ako xD) Nag-aayos na kami ng mga instruments at sound system. Bukas pa talaga yung debut pero ngayon yung general practice namin kumbaga.

“Good morning mga hijo’t hija,” bati ni Mr. Lolo pagdating nya dito.

“Good morning po,” bati naming lahat.

“Pupunta nga pala dito yung apo ko, may pinuntahan lang sadali pero parating na rin yun. Hintayin nyo na lang. Sasabihin nya sa inyo kung may ipadadagdag syang kanta. Aalis lang ako sadali, kayo na bahala dito ah.” At pagkatapos ngang sabihin yun ni Mr. Lolo umalis na sya.

Sa totoo lang, di pa namin name-meet yung apo nya. Pinasabi lang samin yung mga request nyang kanta. Never pa namin nakita, naka-usap, o nakilala yun. Ni di nga namin alam pangalan nya eh. Gara di ba? After ilang minutes, may dumating na kotse.

“Ey, guys! Eto na yung apo ni Mr. Lolo,” sigaw ni Jam. Lahat naman kami nagtakbuhan papunta dun sa kotse.

Bumukas yung pinto nang kotse at lumabas ang isang magandang babae. Nakasuot lang sya ng orange skirt, black leggings, checkered shirt, at cardigan, pero bakit sobrang ganda nya? Parang dyosa ang babaeng toh. At nung makita ko yung mukha nya…

O____O

“J-JASMINE?!”

Ngumiti sya. “Hello. Mukhang napakilala na ata ako ni Lolo. So, kumusta kayo? Ako si Jasmine Cruz. Lolo ko si Lolo Ricardo. Anak nya si mom. And I’ll be having my debut on August 25. Salamat talaga sa pagpayag na kumanta sa debut ko.”

Si Jasmine? Sya yung may birthday bukas? Sya yung mag-ddebut? Sa debut nya kami kakanta? bakit ngayon ko lang na-realize na pareho ng birthday ang apo ni Mr. Lolo at si Jasmine? Bakit ba ngayon ko lang narealize nab aka iisa lang sila? Shet, man!

“Jasmine,” wala akong nasabi kundi yun.

“Hi. You are?”

“Hah?” Natutulala ako. Sa sobrang gulat at sa sobrang ganda nya. Never pa kong naging ganto kalapit kay Jasmine. Ngayon ko lang sya nakita ng ganto kalapit. At higit sa lahat, ngayon ko lang sya naka-usap.

“I’m Rani. That’s Toby. Pagpasensyahan mo na kung natutulala.”

“Ako naman si Jam.”

“Anya.”

“Kyle.”

“Harold.”

“Nice meeting you, guys. Onga pala. Pasensya na kung di ko nasabi agad, pero gusto ko sanang tugtugin nyo yung kantang Secrets by One Republic para bukas.”

“No prob,” sabi naman ni Rani.

Di ako makapaniwala. Si Jasmine, ang babaeng matagal ko nang kinababaliwan, kasama ko ngayon. Kausap ko at kaharap ko. Tama ako, mabait nga sya. Kinakabahan tuloy ako. Di ko alam ang sasabihin ko. Maski nga hello di ko masabi ngayon. Ganto ba ko katorpe?

Gabi na. Tapos na kaming magpractice. Umalis na rin si Jasmine. Buong time na kausap sya nila Rani hindi ako nagsalita. Wala akong maisipang sabihin. Tsaka hindi naman kasi close ni Jasmine eh. Di nya rin ako personally kilala. Baka isipin pa nun napaka-FC ko.

Who Is She? Who Is He? {HIATUS}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon