Chapter 12

90 6 2
                                    

Regina's POV

Pinuntahan ko si Ana sa bahay nila para magexplain. Nagsuot ako ng tights at cardigan at tska ko pinatungan ng winter jacket at tinernohan ng brown winter boots ko. Ang lamig na kasi sa labas winter na at may snow na. Unang araw ng pag snow dito sa Toronto ngayon. Panigurado ako nasa labas sila Rachelle at mga iba kong kapatid at nagbabatuhan ng snow balls.

Sumakay ako ng bus at pumunta papunta kina Ana. Malapit lang bahay niya sa building namin. Mga 4-6 stops lang.

Pag dating ko sa bahay ko tinawagan ko si Ana dahil wala akong susi para pumasok sa kanila.

Ring ring ring.....

"Hello??"

"Ana, andito ako sa labas ng bahay niyo. Buksan mo naman yung pinto may paguusapan lang tayo." sabi ko sakanya. Alam kong hindi maganda yung ginawa sakin ni Ana pero di naman tama na magalit ako. Baka ma 911 ako ng trespassing at harrassment. Pati respeto na din sa mga kapitbahay nila at sa sarili ko. Mamaya matulad ako ni Amalayer eh. Mahirap na ang technology ngayon at sobrang advanced na at ang madaming viewers sa youtube. Sa isang minuto eh baka sumikat pa ako ng wala sa oras.

"Oh Regina, at lamig lamig sa labas. Ano paguusapan natin?" sabi ni Ana pagbukas niya ng pinto

"Kasi yung nangyari sa bahay mo kagabi. Bakit mo nilagyan ng pampatulog yung inumin na binigay mo sakin?" kalmadong tanung ko sakanya

"Ano ka ba Regina, diba sabi ko sayo party. Edi malamang may alak." sabi niya sakin

"Eh bakit naman alak binigay mo sa akin. Sabi ko sayo uhaw na uhaw ako at kailangan ko ng maiinom. Bakit yun binigay mo." mahinahon ko ulit na sinabi sakanya"

"Eh sabi mo kailangan mo kaagad ng maiinom. Eh yun yung una kong nakita kaya yun kaagad binigay ko sayo. Pati malay ko ba na light weight ka Regina. Edi ngayon alam ko na. Para next time di na kita bibigyan ng alak." sabi sa akin ni Ana

"Never pa ako sa buong buhay ko nakainom ng alak Ana. Bawal kasi sabi ng magulang ko. Pati wala pa ako sa tamang edad." paliwanag ko kay Ana

"There's always a first time for everything, Regina. Hayaan mo di ko sasabihin sa mga magulang mo na nakainom ka na ng alak." sabi niya sakin

"Eh bakit pag gising ko katabi ko na yung isang lalaki at wala na akong damit?" tanung ko siya

"Ang likot mo kasi malasing eh. Gusto mong hubarin damit mo pero pinipigilan kita. Nung una nilagay kita sa kwarto pero lumalabas ka at hinuhubad mo damit mo. Kaya pinabantayan kita dun sa lalaki. Kuya ko yun. At kaya wala kang damit dahil pag sinuot ko damit mo nag sisisigaw ka ng rape. Kaya hinayaan nalang kita na nakaunderware lang. Wag ka magalala daw nakita si kuya sayo."  paliwanag sakin muli ni Ana. Ganun pala nangyari. Pero ano yung sinasabi ni Rachelle sakin na set up lang to.

"Pero ano yung sinasabi sa akin ni Rachelle na set up---

"Regina, chill. nangyari na ang nangyari. Tapos na wala ka nang magagawa. Done. Di mo na mababago ang nakaraan. Pero pwedi mo pa itong ayusin." pagputol sakin na sinabi ni Ana

"Ayusin? You mean Michael? Oo nga pala. Samahan mo naman akong magpaliwanag sakanya yung ano nangyari." pakiusap ko kay Ana

"Oo ba. Ako bahala sayo. Ako pa gawin mong witness mo." sabi niya. 

"Sige uwi na ako ah. Bye" sabi ko

@ HOME

The TransfereeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon