Chapter 1

347 10 15
                                    

Today is the day that my family and I arrive Canada. Today is the day my new life begins.

 Nakatulog ako sa flight namin kanina kaya hindi ko nabasa yung The lost Princess. Bigla kasi nagiba yung timezone. Kasi diba  12 hours yung difference ng timezone ng Philippines at Canada.

Bumaba kami sa airplane at pumunta dun kung saan namin kukunin mga maleta at ibang gamit namin. 

"Tulungan niyo naman mommy niyo sa pagbubuhat ng gamit. Take whatever you can bring." - my daddy told us

Kinuha ko yung dalawang hand bags na nilalaman ng mga damit ko at ni Steven.

"Mommy nawiwiwi ako" - sabi ni Roy sa mommy ko

"Sige washroom muna tayo. Sino nawiwiwi?"- tanung ng mommy ko sa mga kapatid ko.

"Ako ako ako!!" -sigaw ni Raisa.

"Daddy pila na kayo ni Regina at Rachelle" - sabi ni mommy kay daddy

Derederetso ako ng lakad at di ko napansin na naunahan ko na pala si daddy at si Rachelle.

Tumingin ako sa paligid. Ang linis ng Toronto International Airport. Puti yung wall. Malawak ang paligid at madaming upuan kung saan pwedi paghintayan ng mga passengers'. Ang kulit nga nung basurahan eh. Nakalabel ang Recycling, at biodegradable.

"Right this way miss"- A flight attendant directed me pointing at the back of a long line. I think this flight attendant is Filipino. He has the "Filipino" features. Average height. Hindi siya kayumanggi baka siguro pumiti na ata dahil dito na siya nakatira. 

"Are you Filipino?"- tanung ko sakanya

"Oo, kamusta kababayan?"-sagot niya sakin

"Okay lang po. Ikaw po?" -  sagot ko sakanya na may pag galang

"Mabuti! Mabuti." - masigla niyang sinagot. "Bakit ka umalis ng Pilipinas?" - tanung niya muli sa akin. Tumingin lang ako sakanya na nakabukas ng konti ang bibig. Hindi ko alam ang isasagot ko. Bakit nga ba ako umalis ng Pilipinas? "Dahil ba no choice ka?" - tanung niya ulit sa akin. Napatango nalang ako at ngumiti siya.

"Regina, kung saan-saan ka nagpupunta. Wag kang humiwalay samin ng kapatid mo. Baka mawala ka. Hindi na ito Pilipinas. Pag nawala ka hindi ko alam kung saan kita pupuntahan at di mo alam kung saan ka pupunta. Wala kang cellphone kasi walang signal yung cellphone mo dito." -pagsuway sa akin ng daddy ko. Mukang nagaalala siya sa akin. Sorry daddy.

"Daddy, sabi nung pilipinong flight attendant na nakausap ko kanina dun daw tayo pipila para magcheck out" -sabi ko sa daddy ko

"Sige hintayin na muna natin ang mommy at mga kapatid niyo dito ng sabay-sabay na tayo pumila. Mahirap nang magkahiwalay-hiwalay. Di na ito Pilipinas." -sabi ulit ng daddy ko

"Ate, excited ka na ba pumasok sa school dito?" - tanung sa akin ni Rachelle. Oo mejo excited na ako magschool dito. Curious ako kung paano ang education system nila dito.

"Medyo, pero kinakabahan ako. Diba kasi napanuod natin sa Karate Kid, yung kung saan starring si Jackie Chan at Jaden Smith. At nung lumipat sa China si Jaden Smith ay binully siya ng mga Chinese na kaklase. Natatakot ako na  baka ibully ako ng mga puti dito eh. Paano ako lalaban sakanila. Hindi pa nga ako masyadong magaling magenglish." - sabi ko sa kapatid ko. Don't get me wrong. I know how to speak english. I'm  fluent in everything with English. Reading, Writing, Speaking and Understanding. I'm just not used to it. Pati nahihiya ako eh.

The TransfereeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon