XVIII.

1K 55 2
                                    

"Ayy ser! Ano pong nangyari sa kanya? Buhay pa ho ba sya? Tatawag na ho ba ako ng doktor?"

"Pft. Chill Manang, nalasing lang siya, hwag OA haha." si Iris na ang sumagot kay manang na aligaga dahil sa pagdating namin. Good thing she's still awake. I lay Heart on our couch at inayos ang ilang hibla ng buhok nya. She's on a deep sleep already.

"Ayy ser Iris andyan po pala kayo, good morning po!" napalingon si manang kay Madisson. "Good morning ho Ma'am..?"

"Si Madisson po manang, girlfriend ko." Iris introduced Madi to our maid, mukha namang na starstruck si manag. "Ayy pagkagandang bata!"

"Naku, thank you po!"

Nagngitian pa muna sila bago lumingon sa akin si Manang Linda. "Eh ser Leoel, yan hong kasama nyo, girlfriend nyo din?" May pagkachismosa din tong si manang e.

Girlfriend? Dati. "Hindi po manang. Bestfriend ho sya ni Madisson and a common friend of ours."

Tumango-tango naman si manang, habang tatawa-tawa naman si Iris at Madisson. "Ahh ganun ho ba? Sayang ser, bagay pa naman kayo. Sige ho ser ikukuha ko muna kayo ng tubig at bimpo."

"Thank you manang, pasabi na lang din sa ibang maids na pahanda ng guest rooms, dito matutulog sila Iris." Manang immediately went to the kitchen habang nagmamantra. "Mga muchacha, magsigising kayo! Kailangan kayo ni ser Leoel!"

"Hahaha laughtrip talaga si Manang Linda." inakbayan ni Iris si Madi na sumangayon naman sa sinabi ng jowa nya. "Oo nga haha I like her."

Napangiti na lang ako. "Ganun talaga yon. Nahawa kay Renea."

Maya-maya pa may narinig kaming mga yabag sa may hagdan.

"Son? Are you there? What's happening?" Nakita kong pababa si Mommy habang isinusot ang satin bathrobe nya. Aish. Ang ingay kasi ni Manang nagising tuloy sya.

I went near her at nagbless sa kanya "Mom, sorry po nagising kayo."

"It's okay, hijo."

Nakipagbeso naman si Iris sa kanya "Good morning po Tita."

"Good morning too Iris, and.."

Agad namang nagpakilala ni Madi "Good morning po, Madisson po. Iris' girlfriend."

"Oh Hi hija, nice to meet you!" Then just like Manang, my mom eyed Heart with curiosity. "Who's she son? Is she okay? Teka, is that Heart Lacsamana? Anong nangyari sa kanya?" My mom sat beside Heart and touched her forehead.

"Ah Tita, ano po... napadami po kasi ang inom ni Heart. Medyo problematic po e, pasensya na po sa abala. Nagmagandang loob lang po si Leoel na dalhin sya dito para maalagaan. Wala po kasi sa kanila yung parents ni Heart." dire-diretsong paliwanag ni Madi, she seems nervous. My mom stood and smiled at me."You did good son." and then looked at Madi.

"It's okay hija. Hwag kang mag-alala you're very much welcome here. Marami kaming extra rooms dito."

I hugged my mom from the side. "Pinapaayos ko na po yung mga rooms mom. You can go back to sleep, I can handle this."

Tumango si Mommy "Sige, aakyat na ako ha." she looked at Heart "I hope she's alright. Hmm Renea will be the happiest kapag nalaman nyang andito si Heart."

"Oo nga Tita! Siguradong sabog tong bahay nyo pag nagkataon haha." Natawa ang nanay ko kay Iris. Loko talaga.

"Haha yeah I also think so. Buti na lang tulog mantika pa si Nea ngayon. Oh sya, I'll go ahead. Just feel at home okay? Leoel, sa white room na lang si Heart and Madisson. Iris can use the blue room. Good night kids."

About YouWhere stories live. Discover now