XXIX.

987 48 2
                                    

"What do you think pre, okay na ba ganitong edit?"

"Good na yan. Smooth lang yung flow. I-voice over na lang yung ibang scenes para mag-fit sa 1 hour yung duration."

"Tama ka jan Direk Llyndon haha. We should keep the overlapping scenes balance para don sa interviews at reenactment scenes."

"Noted." sagot ko kay Maxwell na kumakain ng hersheys sa tabi ko. Takaw. Maya-maya pa may umakbay sa balikat ko.

"Naks, iba ka talaga pre. Galing ng edit ng color grading ah! how to be you po kuya? Hahahah!"

I removed Iris' arms over my shoulder before continuing my work. "Siraulo, mas magaling ka pa nga mag-edit sa akin e."

"Sus pa-humble ka pa." sabi naman ni Llyndon sabay agaw sa Hersheys ni Max. Nakiagaw din si Iris at ang ending, haays. Alam nyo na yon.

Matapos silang mag-asaran don, nagsimula na din silang mag check ng ibang clips. After a few minutes, my phone rang.

"Hello Love?"

"Love! Haha hi! Kumusta thesis nyo?"

"Eto okay naman. So far we're doing good. Patapos na kami. Ikaw how's your day? Sorry ha, can't see you today."

She giggled. "I'm fine. Actually I'm with Madisson. Naggo-grocery kami."

Agad kumunot ang noo ko. "Grocery? Bakit ikaw naggo-grocery para sa mansion nyo?"

"Oh, no Love. Di para sa mansion to."

"Hindi? Don't tell me para kina Madisson yan?" I took a peak towards Iris pero mukha namang hindi nya ako nadinig dahil nakahead phone sya. "Bakit ka nya pinaggo-grocery? Alam naman nyang bawal ka mapagod di ba?!"

"Sira, hindi to para sa kanila. It's actually for you and your friends, dummy." Then she giggled again.

Para sa amin? T-teka... "What do you mean? Pinag grocery ka ba ng mga ugok na-"

"No!" alma nya agad sa sinasabi ko. "Di ba mago-overnight yung boys jan mamaya? Naisip namin ni Madi na makijoin sa inyo!"

"Ha?"

"Mago-overnight din kami, and kaya kami naggo-grocery ngayon because we're planning to cook dinner for you guys."

*

"Seriously? Ako na nga dyan! Ang lamya mo!" Madisson's high pitched voice echoed our kitchen sabay agaw ng egg beater kay Iris.

"Tsk. Di ako malamya ah! Halikan kita dyan e!" agad nanlaki ang mata ni Madi at walang sabi-sabing hinampas si Iris ng malakas.

"ARAY!!!" Halos mapaluhod si Iris. Madisson just laughed at him and rolled her eyes. "Di pala malamya ha. Che." She then left Iris at lumapit sa amin.

"Ang brutal mo! Amazona talaga." Agad akong sinamaan ng tingin ni Madisson.

"Heart pagsabihan mo tong boyfriend mo. Baka mamaya sya naman mahampas ko."

Heart chuckle a lil' "Go lang, girl."

"Love naman." paawa ko kay Heart pero tinawanan nya lang ako.

"Akin na nga yan. Nga pala, wala bang planong bumaba yung dalawang siraulo?" sabi pa ni Madi, sabay kuha sa cream dory na hinugasan ko. On cue pumasok ng kitchen sina Llyndon at Maxwell.

"Whoa, eto na eto na. Miss mo naman agad kagwapuhan ko e." Inirapan lang ni Madisson si Max at dumiretso na sa stove para magluto.

Max frowned. "Anong problema non?"

About YouWhere stories live. Discover now