CHAPTER 2 - Sky and River

36 0 0
                                    

Thanks for reading po :)

CHAPTER 2

“Pupunta dito si River?! Kelan siya umuwi?! Bakit wala akong balita?? Asan na siya ngayon? Hindi man lang nagpasundo sa Airport???” OA ata ako maka-react..hehe..

“Teka, teka! Isa-isang tanong. Kahapon lang siya umuwi. Di niya pinasabi para ma-surprise ka :)” Sabi ni Claw. Kapitbahay lang niya si River,e. Asus! Surprise daw!

Si River…friend din namin siya. Bale ano…gusto niyang manligaw kaso ayaw ko. Unang-una, magkaibigan kami. Ayaw kong patusin ang barkada ko. Pangalawa, malandi siya. Sweet din siya sa ibang girls. Turn off kaya ako sa mga playboy! Pero sabi nina Justine, ako lang daw ang hinihintay ni River para magseryoso siya. Anak ng patis! Kasalanan ko pa na may mga umiiyak na babae dahil sa kanya?!

At panghuli, may target na ako. Actually, grade 5 pa lang ako, may pangarap na akong mahalin at magmamahal sa’ken. Siya si Lorenzo Sky Javier. Siya ang prince charming ko :”> Bagay kami di ba? Sky and Heaven. San ka pa? <3

“Teka, di ba si Enzo yun?”

(-_- )3

Ano daw? Did I hear it right? Si Sky (A.N. You heard it wrong. Enzo nga daw,e.)? OMG! Speaking of the Greek God! Where??? (+_+ ) (+_+) ( +_+)

Target locked!

*O*

“S-s-sky” Shet! Ampogi talaga ng boypren ko. Yeah! Boypren ko siya. Di pa lang niya alam kasi, kapag nalaman niya, break na kami.. haha..

“Enzo, saan kayo pupunta?” - Clark

“Punta kami sa court pare. Tara! Laro tayo :D” Si Billy ang sumagot.

Aba! May spokesperson pa talaga? Suplado talaga ng pog---

O///O

*dug dug dug dug

Oh no! Lakas ng kabog ng dibdib ko! Nakatingin siya sa’ken…ihh.. Anong gagawin ko? Saan ako magtatago? Pero bakit ayaw gumalaw ng katawan ko..gosh! Ganito ba talaga ang epekto mo sa’ken? Wala na akong naiintindihan sa nangyayari. Parang tumigil ang oras.

*glare

O_O?

Wahhh!!! Bakit ang sama ng tingin n’ya sa’ken? T____T ano na naman bang ginawa kong mali? Lagi na lang… Y_Y

Ayan..umalis na siya.. Eto ako, hanggang titig na lang sa likod niya. Kelan ba niya kaya ako aalayan ng matamis na ngi--

“HOY!”

“AY PALAKA!” Shet ang gulat ko! Sino ba ‘tong nakaakbay sa’ken na parang wala ng bukas kung makasigaw? Tumalsik ata ang ear wax ko,ah! Wiwit! Ear wax is the term! Haha..Sige, maya na ang joke.

“Sige na! Payag na!Palaka ako. Bilis, i-kiss mo na ang palakang ito para maging prinsipe na! Dali!”

“RIVER!!!” Nakanguso na ang loko! Itinulak ko nga ng kamay ko ang pagmumukha niya..Eeww..

“Kanina pa nakalapat ang panga mo sa lupa,e. Baka mapasok ng palaka.”

“Peste ka! Sakit ng tenga ko sa HOY mo!”

“Wow! I just came back and this is how you will greet me?”

*roll eyes*

“Welcome back.“ I said in monotone. "Pwede mo ng alisin ang kamay mo!”

“Maya na. Nag-eenjoy pa ako,e.”

“Kanina ka pa ba dumating?”

“Oo. Kanina pa. Kanina pa din ako nakaakbay sayo” ^___^

“WHAT??? Nakita ba ni Sky?” You’re DEAD, RIVER! Bah! Ayus,ah.. dead sea. Dead River. Aish. Corny ko talaga.

“Ewan. Siguro.”

PAK

“Aray! Bakit ba?”

“Paano kung isipin ni Sky na jowa kita? Bad shot na naman ako dun” I slapped his arm and pulled my hair frustratingly.

“Ouch. Stop it. As if he cares.” Pang-aasar pa nya.

“Urgh! I hate you.” This can’t be. Baka isipin niya flirt ako at easy to get. Paano na lang kung plano na pala niyang manligaw sa’ken pero nagbago ang isip niya ng makita niya si River? Ohnoes! I’m outta here. Nag-iinit ang dugo ko dito.

Tumalikod ako at papasok na sana sa bahay ng biglang...

O__O

River hugs me from behind. WTH! Hinampas ko ang kamay niya  pero di pa din siya bumibitaw. Manyak nito. Kaasar! Hindi nga ako na-hug dati ni Mico nung kami pa,e.—aish! Nevermind.

“Sorry na. Na-miss lang kita. Nakakatampo ka naman kasi. Umalis at bumalik na ako pero si Enzo pa din ang nasa isip mo. Di mo man lang napansin na katabi mo na ako.” Nagtatampong sabi ng baby damulag. Na-guilty din naman ako.

“Kuu..Tsansing na ‘yan pare!” sigaw ni Claw at lumapit sa’men.

“Oo nga,e. Oo na. Pinapatawad na kita at sorry din kung di maganda pag-welcome ko sa’yo. Sige na. Bitaw na.” Sakit talaga sa bangs ng mga to,oh.

“Yehey! Mamaya na. Na-miss talaga kit—“

Di niya naituloy ang sasabihin niya. Inilalayo na kasi siya nina Justin at Claw sa’ken,e..haha..

“Kumalma ka pare! Hindi babae yang niyayakap mo!” Taena mo Justine!

“Aish! Bakit ba ang damot niyo? Pag kayo naman ang ha-hug sa kanya…” Nag-pout pa ang loko.

“Ewww..stop pouting pare. Kinikilabutan ako. E kasi ‘yung hug namin, walang malisya. ‘Yung sayo, meron.” Pagpapaliwanag ni Justin habang nakangiwi..hahaha..

“Di kaya!” >///<

Kulit talaga ng mga ‘to. ^__^ Nagkwentuhan lang kami dun at kinumusta si River. Madami pala siyang naging girlfriends sa L.A. Pssh! What a jerk! Di bale, may dala naman siyang cake. Chocolate cake. Favorite ko kaya ‘yun :P

------------------------------------------------------------------------

So ayan, nalaman niyo na ang pangalan ng first love niya ;)

Heartbeat and HeartachesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon