CHAPTER 6
“Shoot Clark!” ^__^
Dito na kami sa court. Siyempre, andito ako para magcheer kay Clark, River at sa aking boyfie na si Sky :">
Sampu pa din ang players. Magka-group si Sky at Clark. Si River naman at si Uno na friend din namin, sa kabilang grupo. Lamang na ng 6 points sina Sky. Siyempre pa, MVP kaya ang boypren ko (=^_^=) Takte, ang landi ko! Haha.. Asan si Justin at Claw? Andito. Sa tabi ko. Taga-cheer lang din. Pssh! Di kase marunong magbasketball,e.. :D Boys lang talaga ipinupunta nila dito..haha..
Minsan lang ako nanonood ng laro kasi ayaw naman akong pasamahin nina Claw lalo na kapag andito rin si Sky. Sumama lang ako kasi, bukod sa dumating si River, na-miss ko din si Sky..haha.. Minsan ko lang naman kasi siya makita kahit pa parehas lang kaming nakatira sa subdivision. Tapos lagi pang masama ang tingin niya saken pag nakikita niya ako. Alam ko ang iniisip niyo, baliw ako, malndi, tanga…siguro nga. Pero sa kanya lang naman ako ganito,e. Kahit ako, hindi ko alam kung bakit at ano ba ang nakita ko sa kanya. Kapag nakikita ko siya, masaya ako, pero kasabay non, nasasaktan din ako. Ang ironic, noh? Sabay ko yung nararamdaman dahil sa kanya.
“Laway mo ineng, tumutulo.” =____=
Napatingin ako sa epal sa tabi ko tapos pinunasan ko ‘yung labi ko.
“Wala naman,ah! Kahit kelan talaga panira ka!” Nasabi ko na bang cute si Claw? Binabawi ko na. Aish! Istorbo.
Pagtingin ko kay Sky, hawak na ulit niya ang bola. Titira na sana siya ng biglang –
“ENZO!” Sigaw ng mga players. Natumba siya at hindi maganda ang bagsak niya. Nasagi kasi siya nung isang player na hindi ko kilala. Tinulungan naman niya si Sky.
Ako naman, eto. Nakatulala. Lakas ng tibok ng puso ko. Nag-aalala ako sa kanya.
“Pare, sorry. Hindi ko sinasadya.” Tumango naman si Sky tapos inalalayan na siya nung mga kabarkada niya. Sobrang nag-aalala ako sa kanya. Ang sakit din na hindi ko man lang magawang lumapit at tumulong sa kanya.
Pagkaalis nila, nilapitan ko ‘yung lalaking nakabunggo kay Sky. Kausap siya ni Uno.
Aba! Gwapo ampotek! Pero wah ako carelaloo! Siya ang may kasalanan kaya na-injured si Sky. Sugod Heaven!
“HOY MISTER!” Napalingon sila sa’ken ni Uno. Mukhang nagulat siya pero binati naman ako ni Uno.
“Lagot ka pinsan.” Narinig kong bulong ni Uno sa kanya.
“Sa susunod, mag-iingat ka naman! Para hindi kung sino-sino ang nasasaktan. Tingnan mo ang nangyare!!!” Clap clap clap! Ang taray ng lola mo..haha.. ganyan kase talaga ako ‘pag si Sky ang usapan.
“Ah,eh.. sorry miss. Bestfriend mo ba siya?” ^_^ nakangiti pa ang loko.
“Hindi,noh?”
“Kapatid?”
“WHAT?! Mas lalong hindi!” owber my drop dead gorgeous body! Hehe..minsan lang naman,e. Pagbigyan niyo na.
“Pinsan?”
“Hindi din.” Anu ba naman ‘to? Ang daming tanong. Sinasagot ko naman :P
“Girlfriend.”
“Hindi PA.”
O////O Hanudaw??? Pahamak talaga itong bibig ko. Shet!
“Oh. I see..” ^__^
“Tse! Bakit ba ang dami mong tanong? Makaalis na nga! Basta sa susunod mag-ingat ka,ha?!” Tatalikod na sana ako pero tinawag ulit niya ako.
BINABASA MO ANG
Heartbeat and Heartaches
Teen FictionHe's snob, smart, MVP and a hottie. Siya ang first love and first heartbreak ni Heaven. She's the kind of girl who usually gets what she wants. The problem is, the only thing she wants the most is so hard to get. With all the boys surrounding her, b...