CHAPTER 8

56 0 0
                                        

Dedicated ko po ang chapter na ito kay ChabilitaMaldita at VanessaJaneMelchor :) Siguro marami po sa inyo ang nag-iisip na imposible ang nararamdaman ni Heaven. Pero nangyari po talaga yan sa totoong buhay. It started with just a simple crush in such a young age and then it blooms into love. ^____^

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 8

STEPHEN’S POV

“Huy! Para kang sira ulong aso diyan! Ngisi ka ng ngisi.”

“Haha..ulol! Masaya lang ako.”

“Hindi nga halata,e. Ano bang iniisip mo? Or rather, SINO?” Sabay lagok sa beer. Andito kami sa veranda ng bahay nila.

“Yung anghel na amazona.” ^______^

“Si Heaven? Sabi na nga ba tinamaan ka na dun,e..haha..”

“I really don’t know. Masaya lang talaga ako pag nakikita ko siya. Gusto ko siyang makilala pa at gusto kong maging close kami katulad ng pagiging close niya kina Claw.”

“Kuu..lahat naman tayo ganyan ang gusto,e. Ang problema nga lang diyan pinsan, kung gusto mong maging katulad nina Claw, ihanda mo na ang sarili mo sa pagpasok sa Friendzone! Tsk!”

“Anong ibig mong sabihin?” (????)

“Yang si Heaven, hindi pumapatol yan sa kaibigan niya. Friends will always be friends. Kita mo si River? Gusto mong magaya sa kanya? Haha..” Isa-isang nag-process sa utak ko ang mga sinabi niya. At isa lang ang pumasok sa isip ko. Ayaw kong magaya sa kanila.

“Ayaw kong magaya kay River.”

“Haha..alam ko. Heto naman, if ever na makalabas ka sa Friendzone at makapasok ka sa puso niya, ihanda mo na din ang sarili mo na makaliskisan!”

*gulp

“A-ano namang ibig mong sabihin diyan?”

“Nakita mo yung mga kabarkada niya, di ba? Kilala mo din si Joseph?” Tumango ako. “Bukod sa kanila, may pinsan pa siya. Si Vince. Si Vince, may mga kabarkada. Sanay sila sa basagan ng mukha. Isipin mo na lang kung ilang lalake ang pipila sayo para bugbugin ka once na saktan mo ang anghel na amazona.” ^_____^

*gulp

“A-advance ka naman masyado mag-isip.” Hindi ko naman siya sasaktan,e. ^___^ “Isa pa, malabong mapansin ako non. Patay na patay kay Enzo,e..haay..”

“Haha..Isa pa yan sa dapat mong i-consider. Nakuuu..yan ang pinaka-malaking factor na pahirap sa lahat ng gustong manligaw sa kanya.”

“I know right? Pero guess what?” Tiningnan ko siya tapos ngumisi ako. “Pumayag siyang sumama sa’ken manood ng sine. Just the two of us.”

“Kaya ka pala ngiting-ngiti..haha.. pero oi, kung mahal mo pa ang buhay mo, huwag mong tangkain na gawan siya ng masama,ha?”

“Siyempre,noh? Nire-respeto ko siya.” Baliw talaga ‘tong si Uno.

“Pero pinsan, swerte mo. Congrats! Haha..pero ingat! Baka hindi mo namamalayan, nasa Friendzone ka na.” Tinapik niya ang balikat ko bago tumayo. “Tulog na ako. May amats na,e.”

Pagkaalis niya, inisip ko ang mga sinabi niya. Pumayag ba si Heaven sumama saken bukas dahil kaibigan na nga ang tingin niya saken? Ibig sabihin, Malabo na kami? Kung sa kuya niya at dun sa Vince ba yun? Tingin ko, wala akong magiging problema. Ipapakita ko na lang sa kanila na malinis ang intensiyon ko kay Heaven. At si Enzo, hindi na ba talaga niya makakalimutan?

Heartbeat and HeartachesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon