CHAPTER 5

31 0 0
                                    

CHAPTER 5

Periodical Exam nga pala namin ngayon :P Andito ako sa library..hehe.. gusto ko kasi pag nag-aaral,e tahimik lalo na kapag memorization. Hay nako, hindi naman ako ganong makapag-concentrate sa pag-aaral. Kinikilig pa kasi ako,e..sheesh! Landi ko talaga..hehe.. pero amininnnn… kahit sino naman kikiligin pag nakasama ang crush niya di ba? ^________^

“Hi friendship!” ^____^

=______=

“Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito?” E kasi, dati allergic naman itong si Apple sa library,e. Bawal kasi mag-ingay. Alam niyo naman ang bunganga nito, armalite -_____-

“Bawal na? Kelan mo pa nabili library?” May sinabi ba akong binili ko? Psh!

“Siya, siya, tahimik na at nag-aaral ako.”

“Uyyyyy…ikaw,ha? Nag-date pala kayo ni Enzo nung Saturday,e.”

O______O

Tae! Sa dami namang makakaalam itong si Apple pa. Minsan pinagsisisihan ko rin talagang sinabi ko pa sa kanya na crush ko si Sky. Daldal kase!

“Oy, hindi date yun. Nagpasama lang siya saken. May binili lang.” Kahit gusto ko rin isipin na date yun, ayaw kong sabihin kay Apple. Maya niyan kung anu-ano na naman sabihin niyan.

“Asuuuuuusss..kailangan ikaw pa? Kayo,ha? Kunwari sinusungitan ka niya. Way lang ata yun para maitago ang tunay na relasyon niyo,e..hahaha..”

*ting ting ting (Tunog yan ng bell sa library. Yung maliit lang.”

“Shhh…quiet.” Ayan, nasaway tuloy kami. Ang iingay kasi.

“Tumahimik ka na nga Apple. Kung hindi ka mag-aaral, lumabas ka na.” Huuu..di ako makakapag-aral dito kay Apple,e.

“Hmp! Okay. Gora na ako. Di bagay ang beauty ko dito...wahaha…Si Heaven, lumalandi na..haha..”

>////<

“Sira ulo ka. Chupi!”

“Haha..bilis bilisan mo lang, baka maagaw pa sayo. Manhid pa din ata ang isang yun. Tsk! Kaso, mukhang mahihirapan ka sa kanya. Kinabog ka pa sa kasungitan,e..haha..Pero swerte mo ‘teh pag nabingwit mo si Enzo!” Kinuha na niya ang gamit niya at tumayo.

“Psh! Oo na. Dami mong alam.” Tatawa tawa pa siya habang palayo. Buti hindi siya napansin ng librarian. Sayang..haha..

Talagang swerte ako pag nagustuhan din ako ni Sky, noh? Buti nga manhid siya,e. Hindi pa kasi ako ready na magsabi sa kanya..hehe.. nakakahiya. Wala pa akong lakas ng loob. Tsaka, bakit naman ako ang magco-confess? Dapat siya..wahaha…

Ay nako! Natakbo ang oras, walang pumapasok sa utak ko kundi Sky! Iniisip ko pa din yung mga babaeng nagbigay daw ng chocolates kay Sky kahapon. Tinanggap ba niya? Di ko kasi naitanong kahapon (As if kaya kong itanong,noh?) .Girlfriend ba niya ang isa dun? Masyado kasing malihim ang isang yun,e. Pero lagi rin naman namin siyang kasama,e. Baka sa palihim silang nagkikita? Urghhhh..!!!

Please maya ka na mag-isip diyan! For Pete's sake, Heaven! May exam ka. Tigilan muna ang kalandian. Haay..Goodluck naman saken. Sana hindi puro Sky ang maisagot ko sa exam =_____= Susme!

Kakatapos lang ng exam. Naka-tambay muna kami dito sa field. Madami pa rin students. Siguro yung iba, dito muna mag-aaral. Maaga pa rin naman. Si Top at Jim, wala dito kasi may gagawin daw. Si Justine naman, iginagawa ako ng project sa TLE. Gagawa kami ng rubber stamp..hehe.. baet talaga ng bestfriend ko,noh? Daig kayo. Si Ella, kasama ni Evan. Gulo ng dalawang yun. Away bati.

“Oy ikaw Enzo,ha? Girlfriend mo ba yung kausap mo kanina? Uyyy.. ikaw,ha? Di ka nagsasabi.” Napatingin kami kay Apple. Inaasar niya si Sky pero panay naman ang tingin niya saken. Bruha!

Heartbeat and HeartachesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon